PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili can't handle love and career at the same time

IMAGE 0


"Hindi ko kayang magsabay. Isa lang ang kaya ko. At na-realize ko, mas mahal ko ang sarili ko. At saka bata pa naman po ako. So, sa susunod na lang yung mga love-love na 'yan at baka magka-sin na naman ako!" admits Katrina Halili about not being able to balance love and career.


Katatapos lang ng fantaserye na Gagambino, pero magsisimula na si Katrina Halili ng panibago niyang show sa GMA-7, ang episode ng Dear Friends kung saan silang dalawa naman ni Alfred Vargas ang magka-partner. Sa Dakak beach resort sa Dapitan pa raw isu-shoot ito.

Pero bago yun, magpi-pictorial muna si Katrina para sa summer campaign ad ng Bench. Katatapos lang din niyang mag-shoot for her Kawasaki commercial.

Sa ngayon, masaya naman daw siya sa itinatakbo ng career niya, kahit nagdaan siya sa matinding intriga bago nagtapos ang 2008.

"Okay naman po. Happy naman ako sa career ko. Tapos nga po, yung movie po namin na Sundo, ipapalabas na po. Sa March 18 na po yata at kasama ko po dun sina Mr. Robin Padilla, Sunshine Dizon, at marami pa pong iba," banggit ni Katrina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa SOP last Sunday, February 22.

Sa personal life niya, malungkot ba siya ngayon?

"Sad ba ako? Hindi ko alam. Hindi naman ako sad. Happy naman ako."

KRIS LAWRENCE. Break na raw sila ng Fil-Am singer na si Kris Lawrence. Totoo ba ito?

"Wala naman po akong sinabi na boyfriend ko si Kris," diin ni Katrina. "Ang sinabi ko, inspiration ko. At saka ang dami-dami ko namang problema noon, di ba? Noong time na yun, nandiyan siya. Nandiyan siya para suportahan ako. Hanggang ngayon din naman. Kaya nga lang, hindi kami nagkikita. Siya, busy siya sa album niya.

"Noong dumating naman ang problemang yun, sinasabi ko nga, na-realize ko rin na sobrang gusto ko yung ginagawa ko. E, kasi, di ba, dati parang ako yung, 'Okay lang kung wala na [akong career], e, di uwi na lang ako. Na-realize ko, ganoon, e. Parang nasanay na ako. Nag-e-enjoy na ako at ngayon ko lang na-realize yun.

"Parang kinailangan pang dumating yung problema na yun [her affair with Hayden Kho] para lang ma-realize ko na mahal ko ang trabaho ko," pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon pa man ay madalas sabihin ni Katrina na kung wala nang nangyayari sa career niya ay uuwi na lang siya sa Palawan.

"Ganoon pa rin naman ako, pero ngayon, mas parang... Kung puwede pa ako, sige, mag-work pa rin ako. Hindi kagaya dati na, 'E, di wala!' Ngayon, kahit paano, nandoon na yung 'baka puwede pa,'" saad niya.

Since inamin niyang inspirasyon niya si Kris, ganoon pa rin ba ito sa buhay niya hanggang ngayon?

"Sa ngayon, hindi," sagot niya. "Sinabi ko nga, di ba, simula nang dumating yung isyung yun, na-realize ko na gusto ko yung trabaho ko, mahal ko ang trabaho ko. At hindi ko kayang mag-focus sa isang bagay. Dati, focus ako sa trabaho ko, pero alam mo yung kahit focus ako, basta may love, nasisira ako, e."

So, sa tingin niya, hindi niya puwedeng pagsabayin ang lovelife at career?

"Hindi po talaga, nasisira. Kasi, hindi ko kayang magsabay. Isa lang ang kaya ko. At na-realize ko, mas mahal ko ang sarili ko. At saka bata pa naman po ako. So, sa susunod na lang yung mga love-love na 'yan at baka magka-sin na naman ako!" natatawa pa niyang pahayag.

INFAMOUS VIDEO. Maaaring pagsimulan na naman ng isyu ang inilahad ni Dra. Vicki Belo sa Showbiz Central noong Linggo rin tungkol sa nilalaman ng infamous video nina Katrina at Hayden Kho. (Click here to read related story.)

Pero bago pa man ang interview na 'yon ni Dra. Belo ay inamin ni Katrina na naapektuhan siyang talaga sa isyu. This also made her realize a lot of things, especially when it comes to her career.

"Siyempre po, inaamin ko naman po na naapektuhan naman talaga, di ba? Doon nga na-realize ko na mahal ko ang trabaho ko at kung anuman yun, pinaghirapan ko yun. Ayokong basta-basta na lang mawala, so yun," pahayag ng StarStruck alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN