Mark Bautista says Sarah Geronimo is "worth waiting for"

IMAGE 0


"Basta ako, I'm still hoping for the best. Gusto ko, wala nang ilangan uli. Gusto ko, steady muna, pakiramdaman. Gusto ko yung time na yun, e, talagang para sa amin lang. I mean, walang iniisip na iba. Mag-uusap kami dun na kami-kami lang, i-enjoy lang namin yung time na magkasama kami. Kasi bihira na mangyari yun," says Mark Bautista about his U.S. trip with Sarah Geronimo.


Sa nakaraang presscon ng You Changed My Life ng Star Cinema, sinabi ni Sarah Geronimo na naa-appreciate niya ang pagiging matiyaga at hindi masyadong persistent ni Mark sa panililigaw sa kanya. Nirerespeto raw kasi ng male singer ang desisyon ni Sarah na huwag munang pumasok sa pakikipagrelasyon, lalo't hindi pa raw siya handa sa ganitong bagay.

Nagpaliwanag din naman si Mark tungkol sa sinabi ni Sarah nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng ASAP '09.

Ayon sa kanya, "Kilala ko rin siguro kasi si Sarah, tine-take niya yung time niya. Hindi siya yung kailangan na niya ng ganito o kailangan na niyang mag-boyfriend. May mga concerns din siyang iba, at ako rin naman, ayokong manggulo sa buhay niya. For now, nirerespeto ko yung mga desisyon niya, like mag-concentrate siya sa career niya, sa family niya."

U.S. CONCERT TOUR. Nabanggit din ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na almost two months silang mawawala ni Sarah for a series of shows sa States.

"Aalis kami by March 11 yata, 'tapos ang balik namin is katapusan na ng April. We'll have our shows in SanFo, L.A., Vegas, Texas, Stockton, New York, New Jersey... So, sana abangan kami ng mga kababayan natin doon. Na-miss ko rin yung pagtatrabaho naming dalawa. Simula pa nung last tour namin, hindi kami masyadong nagkikita dito. So, yun lang ang time na mag-bond kami," lahad ni Mark.

Ayon kay Mark, isasama raw nila ni Sarah ang kani-kanilang pamilya. Wala rin daw problema si Mark sa ina ni Sarah na si Mrs. Divine Geronimo.

"Okey ako kay Tita Divine, wala akong problema sa kanya," sambit niya. "Kasama namin sila sa tour, kasama ko ang papa ko. Kumpleto naman sila, so, para kaming nagpa-family tour. Excited ako kasi iba itong tour namin, kasi ang dami nang nangyayari sa buhay namin, unlike before na easy-easy lang. Ang dami niyang [Sarah] ginagawa, 'tapos dalagang-dalaga na siya ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya ito na ang pagkakataon na masolo ni Mark si Sarah at ma-push na niya ang nararamdaman niya para sa dalaga?

"Basta ako, I'm still hoping for the best. Gusto ko, wala nang ilangan uli. Gusto ko, steady muna, pakiramdaman. Gusto ko yung time na yun, e, talagang para sa amin lang. I mean, walang iniisip na iba. Mag-uusap kami dun na kami-kami lang, i-enjoy lang namin yung time na magkasama kami. Kasi bihira na mangyari yun."

Consistent si Sarah na tawaging "kuya" si Mark. Pero paminsan-minsan ay Mark na lang ang tawag niya rito.

"Siguro dahil nasanay na siya na tawagin akong kuya dahil sa simula't simula pa lang, yun na ang tawag niya sa akin. Hanggang ngayon pa rin naman, pero tina-try naman niyang tanggalin yung kuya. Pero talagang nakadikit na sa kanya yun, kaya okey lang."

NOT JEALOUS. Kahit wala pang kumpirmasyon mismo kay Sarah ay lumabas ang pangalan ni Rayver Cruz na siyang crush daw ng Pop Princess. Itinanggi ni Mark na nasaktan siya rito, pero aminado siyang nagulat talaga siya.

"Well, for me kasi, initial reaction siguro ko was parang nagulat. Siyempre ang tagal naming magkasama ni Sarah, magtataka ako at magugulat pag nalaman ko na may crush siya o may lumabas na pangalan. Hindi naman dahil ayokong may crush siyang iba, hindi naman ganun.

"Hindi ako na-hurt," paglilinaw niya. Ikinatuwa ko nga kasi nae-express na niya ang nararamdaman niya [Sarah]. Normal siyang tao, wala naman sigurong malisya yung sinabi niya. Nagka-crush lang siya sa isang tao, normal na bagay yun."

Pero sinabi ni Mark na hindi niya isusuko ang nararamdaman niya para kay Sarah hangga't kaya niya.

"Hanggang kaya," sabi niya. "Si Sarah naman kasi is worth waiting for. Alam naman natin na kailangang alagaan siya, huwag natin siyang biglain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN