Jon Avila and Rufa Mae Quinto decide to be just friends

IMAGE 0


"Regarding that special relationship, there's a possibility. But we both decided to be friends. Ako naman from the start, if something happens, something happens, and nothing happened. So, we both decided to keep the friendship," says Jon Avila about Rufa Mae Quinto.


Noong kasagsagan ng shooting at promo ng pelikulang Status: Single, balitang-balita ang special relationship na namamagitan sa mga star nitong sina Rufa Mae Quinto at Jon Avila. Wala mang diretsahang pag-amin mula sa dalawa, kapwa sila umamin na may espsesyal silang nararamdaman para sa isa't isa.

Maging sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jon ay sinabi nito na bukas siya sa posibilidad na maaaring si Rufa Mae na ang maging susnod niyang girlfriend, lalo't inamin niya rin na lumalabas sila at nag-e-enjoy.

Pero nagtaka kami nang ma-interview namin muli si Jon last Sunday, February 22, sa dressing room ng ASAP '09. Sinabi ni Jon sa PEP na hindi na sila gaanong nagkikita ng sexy comedienne.

"Regarding that special relationship, there's a possibility. But we both decided to be friends. Ako naman from the start, if something happens, something happens, and nothing happened. So, we both decided to keep the friendship," paliwanag niya.

"We just go with the flow," patuloy ni Jon. "I'm enjoying her company, she's enjoying my company and now, we don't see each other much. She's out of the country right now. But we still text each other. The last time we texted each other ay nung isang araw lang. She said she's going to Dubai or New York yata."

Aminado rin si Jon na naging malapit talaga sila ni Rufa Mae to the point na isa ito sa pinagsasabihan niya ng mga problema niya.

"I confide to her," sabi niya. "I trust her. It's very hard to find trust, and I trust her naman kasi. Nagbibigay siya sa akin ng advice for showbiz and other things, and that's what friends do."

Sa isang presscon para sa launching ng isang produkto ay dumating ang isa sa mga endorser na si Rufa Mae na namumugto ang mga mata. Naintriga tuloy ang sexy comedienne na mukhang nag-away sila ni Jon. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinabi ni Jon na wala siyang kinalaman dito.

"No, hindi kami nag-away or anything," sabi ng Fil-Irish TV host-actor. "Narinig ko nga 'yan. I read it actually sa PEP na umiyak siya sa presscon or something. I didn't ask her kasi pang-personal question yun. I have no right to ask her why she's crying. I mean, kung nandun ako, I would ask why she's crying. But it's none of my business naman."

Ano ang magiging reaksiyon ni Jon pag nalaman niyang nakipag-date sa iba o may ibang boyfriend na si Rufa Mae?

"Kung makikipag-date or magkaka-boyfriend siya, hindi ako mahe-hurt. To be honest, I'll be happy for her if she finds the right person for her," sagot ni Jon.

Nabalita before na nakarating na sa bahay ni Rufa Mae si Jon, bagay na hindi naman ikinaila ng aktor sa PEP. Personal na raw niyang na-meet ang pamilya ng komedyana.

"Dalawang beses na and I'm with Rafael Rosell," sabi niya. "I met her mom and okey naman. I didn't know na mayroon siyang kapatid, I didn't know na mayroon siyang family. It's a nice house, nice family."

Bagama't sinabi ni Jon na open siya sa pakikipag-date, hindi raw niya priority ang pakikipagrelasyon ngayon.

"Ayokong mag-commit sa isang relationship, but I'm open sa dating," sabi ni Jon. "But right now, wala pa akong time to go out. I can't also meet anyone. For the last three weeks, I've been out for twice lang. This is the only gimmick for me—the Coverboys dressing room. That's why I enjoy being with the Coverboys, parang ito na ang gimik ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN