Ai-Ai delas Alas on Box-Office Queen issue: "Yung sa akin lang naman, linawin yung rules kasi parang naguluhan ako"

IMAGE 0


"Hindi ko lang talaga maintindihan, e. Bakit ganun, e, pati yung Best Actress or yung Best Film. Bakit kapag ako na yung mananalo, biglang naiiba yung rules? Hayaan mo na nga. Okay na yun, si Sarah naman ang nanalo. Kung iba ang nanalo, hindi okay," says Ai-Ai delas Alas about the Box-Office Queen title.


Lately ay naging laman ng mga balita ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil sa sunud-sunod na intrigang kinasasangkutan niya.

BOX-OFFICE QUEEN ISSUE. Unang isyu ay ang pagsama raw ng loob niya dahil hindi sa kanya napunta ang recognition as Box-Office Queen for 2008 kahit na record-breaking ang 2008 Metro Manila Film Festival top-grosser niyang Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Napunta ang award kay Sarah Geronimo for A Very Special Love. Ano ang totoong nararamdaman ni Ai-Ai ngayon?

"Sabi ko nga, congratulations kay Sarah," simula niya. "Yung sa akin lang naman, linawin yung rules kasi parang naguluhan ako. Bigla kasing nagbago yung criteria, parang, saan nanggaling?

"And sabi ko nga, hindi siguro lahat ibinibigay sa iyo, pero napakalaking korona na yung ibinigay sa akin ng sambayanang Pilipino na ang Tanging Ina ang all-time highest grossing film sa history ng Philippine movies," bulalas ni Ai Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview namin siya pagkatapos ng live broadcast ng bagong morning show niya with Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN, Ruffa and Ai.

Sinasabing kaya raw hindi siya ang naging Box-Office Queen dahil yung ibang kinita ng Tanging Ina ay pumasok na sa year 2009. Ano ang masasabi niya rito?

"Yun nga ang gusto kong linawin nila," sabi niya. "Kasi meron nang nangyaring ganun dati. Parang pinagtatalunan...parang John Lloyd [Cruz] tapos si Bossing [Vic Sotto] for Box-Office King. Kasi hindi mo naman makukumpara ang three or four weeks ng ibang movie na ang movie ko ay one week lang ipinalabas for 2008, di ba?

"So, siguro, suggestion lang naman, ang Metro Manila Filmfest, hindi na nila dapat isali. Kasi December 25 ipapalabas, tapos ang cut off is 31. Ano naman ang laban noon sa kahit anong pelikula na ipinalabas ng apat na linggo? So, nakakalito yung rules. Bakit dati nanalo si Bossing at saka si Kristine Hermosa [for Enteng Kabisote]? Bakit ngayon? Bawat taon ba, paiba-iba ang rules?" rason niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, kung hindi siya pasok as Box-Office Queen sa 2008, nag-e-expect ba siya for 2009?

"Hindi, kasi sigurado iba na naman ang rules!" sagot niya. "Hindi ko lang talaga maintindihan, e. Bakit ganun, e, pati yung Best Actress or yung Best Film. Bakit kapag ako na yung mananalo, biglang naiiba yung rules? Hayaan mo na nga. Okay na yun, si Sarah naman ang nanalo. Kung iba ang nanalo, hindi okay," pasaring ni Ai Ai.

Ano naman ang comment ni Ai-Ai sa sinasabi ni Sarah na si Ai-Ai ang mas deserving na Box-Office Queen?

"Mabait naman kasi talaga yung batang yun, e. Talagang nilalang siya ng Diyos na mabait. Kaya congratulations, deserve niya rin yun. Sana huwag na lang siyang magpaapekto sa mga lumalabas na intriga about us. Hindi masama ang loob ko sa kanya. Hindi naman siya ang nagpilit para sa award na yun. At saka anak-anakan ko 'yang si Sarah, nagkasama na kami niyan sa soap dati [Pangarap na Bituin]," lahad ng comedienne.

KRIS AQUINO ISSUE. Next intriga ay tungkol sa kanila ni Kris Aquino. Kumusta na sila ni Kris ngayon?

"Ayun, ganun pa rin," simpleng sagot ni Ai-Ai.

Nasabi niya kasi sa isang episode ng Ruffa and Ai na kapag nag-guest si Kris sa show nila ay hindi siya lalabas.

"Joke lang yun. Huwag na nating intrigahin pa. May sarili silang show. Meron din kaming show. So, everybody happy, okay na yun."

PIOLO PASCUAL "HIPUAN" ISSUE. Sumunod na intriga ay yung ginawang panghihipo ni Ai-Ai sa maselang bahagi ng katawan ni Piolo Pascual during the Pop Icons concert sa Araneta Coliseum last Saturday, February 21. Sinadya ba talaga niya yun?

"Hindi naman," aniya. "Kasi dati na naman naming ginagawa yung nilalandi ko siya. Kaya lang dati, kapag hihipuan ko siya, umiiwas siya. Nagulat din ako na sa Pop Icons concert, hindi siya umiwas. Ayun, nasapo ko tuloy ang santol niya!" natatawang pahayag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagalit ba si Piolo sa kanya?

"Hindi naman, sport naman 'yang si Piolo. Mabait na tao 'yan. Kita mo after noon, sabi niya sa akin pakasalan ko raw siya. Ang sagot ko naman, anytime basta siya."

Inamin din ni Ai-Ai, love na love niya si Piolo at binalak pala niyang magpa-artificial insemination gamit ang punlay o sperm ng aktor.

"Pumunta nga ako sa bahay nila noon. Tapos yun nga sinabi ko sa kanya, kung okay lang ba na magpa-artificial insemination ako gamit yung sperm cell niya. Ang sagot niya sa akin, bawal daw yun sa religion niya. Tapos naisip ko rin huwag na lang kasi masyadong high profile yung bata, kawawa naman. Kasi siyempre ang mangyayari diyan, yung mga tao walang gagawin kundi usyusohin yung anak namin just in case. 'Ay, 'yan yung anak ni Ai Ai kay Piolo!' Habang buhay na siyang ganun. Maligalig ang buhay niya. Kaya huwag na lang," saad ni Ai-Ai.

IN DEFENSE OF BOY ABUNDA. Humabol pang intriga ang ginawang pagtatanggol ni Ai-Ai sa kanyang manager na si Boy Abunda kontra sa patutsada ni Dr. Vicki Belo sa interview sa kanya sa Showbiz Central noong Linggo, February 22. Sinabi ni Dra. Belo na kung gusto raw ng mga taong maging kamukha sina Piolo at Dingdong Dantes ay sa Belo sila pumunta, pero kung gusto nilang maging kamukha si Boy ay sa Calayan sila pumunta. (Click here to read related article.)

"Natural lang naman na bilang talent ni Kuya Boy, siyempre ipagtatanggol ko siya at saka sa kanya ako kakampi. Hindi lang kasi manager ang turing ko sa kanya, tatay ko na siya, e. Hindi ba nga 'Ama' ang tawag ko sa kanya? Kaya nakikisimpatiya ako sa kanya.

"Masakit naman talaga yun, kahit biro pa siya. Kaya nga tayo pumupunta ng mga beauty clinics para gumanda tayo, tapos makakarinig ka ng ganung panglalait," saad ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang message niya kay Dr. Belo, kung saan naging endorser din siya nito dati?

"Sana lang sa susunod, kung anuman yung sasabihin natin, yung hindi tayo makakasakit ng damdamin ng tao. Lalo na sila, naging magkaibigan naman sila. Wala na lang personalan sa hitsura, ibang usapan na kasi yun, e. Ako biruin mo ng ganun, okay pa, e, pero mahe-hurt din ako. E, si Ama pa na respetadong host at manager!"

Ano ang message niya kay Boy Abunda?

"Ama, huwag kang mag-alala, nakasuporta ako sa iyo lagi. Mabuting tao ka at maraming nagmamahal sa iyo."

RUFFA & AI. Sa kabila ng kabi-kabilang intrigang hinaharap ni Ai-Ai ay hindi pa rin niya magawang malungkot. Masayang-masaya ang Comedy Concert Queen dahil sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.

Umaga at gabi ay napapanood siya ngayon sa ABS-CBN sa pamamagitan ng kanyang mga show na I Love Betty La Fea sa Primetime Bida at ang bagong morning show niyang Ruffa and Ai.

Masaya si Ai-Ai dahil sa first two weeks ng Ruffa and Ai, mataas agad ang naging ratings nito, base sa national TV ratings ng TNS.

"Happy talaga ako kasi syempre, yun naman talaga ang goal namin, ang magkaroon ng mataas na ratings at magkaroon ng isang simple pero masayang show sa umaga. Na yung paggising mo, yung umaga mo magaan," nakangiting sabi ni Ai-Ai.

Ano ang plano nila para ma-maintain ang mataas na rating na ito at ma-meet nila ang expectations ng mga tao?

"Gaya ng lagi naming sinisimulan sa umaga, 'Good morning sunshine, Mabuhay! Ito po ang show na bigay nang bigay. Lagi po kaming namimigay ng blessings.' Share your blessings. At saka, siyempre, mag-aaral din kami ng everyday shows namin. Magre-research kami."

Mas nagiging close na ba sila ni Ruffa ngayon?

"Oo, siyempre ganun talaga pag everyday mo kasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang secret ng click na tandem nila?

"Kasi opposites attract. Siya sosyal, ako jologs, ganun. Siya English nang English, ako Tagalog nang Tagalog."

Ano pa ang bago niyang nadi-discover kay Ruffa?

"Masipag siya. Superwoman siya ngayon kasi wala silang katulong, dinadala niya yung anak niya, nanay na nanay. Nanay na maganda, parang ako!" biro ni Ai-Ai.

Ano pa ang mae-expect ng mga tao sa Ruffa & Ai?

"Maraming-marami pang sorpresa at kaligayahan sa umaga."

Dapat din daw abangan ang mga gagawin niyang movies under Star Cinema, isa yung pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta, at yung isa ay ang Part 3 ng Tanging Ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN