Oyo Sotto wants to marry Kristine Hermosa

IMAGE 0


"Sinabi ko nga kay Tin na kapag magkakarelasyon ulit ako, gusto ko yung hindi lang girlfriend. Gusto ko yun na talaga, kumbaga kasalan na. Hinihitay ko na lang sa sarili ko na maramdaman ko kung kailan ako magpo-propose. Kasalan na agad, ayoko na kasi ng girlfriend-boyfriend, e," says Oyo Sotto.


Aminado si Oyo Sotto na masaya ang buhay niya ngayon at inspirado siyang magtrabaho. Si Kristine Hermosa nga raw ang inspirasyon niya ngayon at ito raw ang nagpapangiti sa kanya.

"Siyempre kasi mas okay kami ni Tin [palayaw ni Kristine] ngayon, although hindi pa talaga kami. I'm happy na kahit anong mangyari, nandiyan kami para sa isa't isa. Sa ngayon kasi, wala lang talaga yung label na kami na. Pero I'm praying and hoping in the future na pareho naming maramdaman na mag-move to a higher level yung relationship namin. Kumbaga, maging kami. Hindi natin alam, di ba? Sana, sana kami na talaga," pahayag ni Oyo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Oyo during the mini-presscon para sa Season 3 ng regular TV show niyang Midnight DJ sa TV5. Ginanap ang mini-presscon na ito kahapon, February 25, sa Cravings restaurant sa Shangri-la Mall.

May kinalaman ba sa pagiging open nila ngayon tungkol sa relationship nila ni Kristine ang pagkakaayos ng annulment case niya at ang dating karelasyon na si Diether Ocampo?

"Wala naman," sagot ni Oyo. "Siguro ang masasabi ko lang mas relieved lang sa part ko na alam kong maayos na at wala kaming magiging problema ni Tin in the future. Kasi mahirap din, e, kahit sabihin mong null and void yung kasal nila, siyempre iba pa ring mag-isip yung mga tao. Paano na lang kung nagkaroon kami ng relasyon nung time na yun, baka sabihin mang-aagaw ako, di ba?"

Mas relieved ba siya ngayon na sinasabi nina Kristine at Diether na pareho na silang free ngayon, especially si Diet na open na ring ipakilala sa mga tao ang kanyang bagong girlfriend?

"Oo naman. Pero ang mas mahalaga kasi ay yung alam ko na okay silang dalawa at magkaibigan sila hanggang ngayon. Maganda kasi at least walang magkakaaway."

Nagkaharap at nagkausap na ba sila ni Diet?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, pero hindi yung araw-araw. Minsan nagkikita kami sa ASAP. Nagkukumustahan lang, hindi yung talagang harap-harapan na seryosong usapan," ani Oyo, sabay sabing never pa raw nilang napag-usapan ni Diet si Kristine.

Kamakailan ay may lumabas na issue na nakatanggap umano si Oyo ng threat mula sa kaibigan ni Diether at sinabi nitong layuan ng binatang Sotto si Kristine dahil para lang ito kay Diet. Gaano ito katotoo?

"Yung nga yung sinasabi na nanggaling daw kay Mama [Dina Bonnevie]. Pero wala talagang insidenteng ganun. Feeling ko may galit lang kay Diet o may galit sa akin. Kasi kung meron namang ganung threat, baka nagpa-presscon na ako!" biro ni Oyo.

DINA'S APPROVAL. Ano ang reaksyon niya na sa mga interview ni Dina ay sinasabi nitong bagama't hindi pa nga raw kayo magkarelasyon ni Tin ay boto naman siya sa aktres?

"Happy kasi si Mama naman ever since, madaldal lang talaga si Mama. Meron lang siyang nasasabi na hindi niya sinasadya. Pero kapag nakikita naman niyang happy kami, kapag nakikita niyang mahal namin yung tao kung sinuman, walang problema kay Mama.

"Nakakatuwa nga minsan si Mama dahil siya pa yung naghahanap minsan kay Tin. Sasabihin niya, 'Ow, where's Tin? Bakit hindi mo kasama?' Sasabihin ko, may work, e. Tapos kukulitin na niya ako na baka nag-away lang daw kami ni Tin," kuwento ni Oyo.

So, ibig sabihin napag-uusapan nila talaga openly si Kristine?

"Yes. Minsan nga kapag magdi-dinner kami, sasabihin pa ni Mama na isama ko raw si Tin."

Ano ang sinasabi ni Dina sa pagiging close nila ni Kristine?

"Dati natatakot siya na baka mag-away daw kami ni Diet because of Tin. Sabi ko, hindi naman kasi wala naman kaming ginagawang masama. Hindi naman siguro kami mag-aaway ni Diet. Ang ayaw lang ng Mama ko is yung maagrabyado ako at natatakot siya na baka dalawin na lang niya ako isang araw sa ospital."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalabas na ba silang tatlo nina Dina at Kristine na magkakasama?

"Oo, maraming beses na. Minsan pupunta kami doon sa bahay ni Mama. Pero mas madalas yung dinner sa labas."

Ano naman ang impression ni Kristine sa mama niya?

"Noong una, nai-intimidate siya. Natatakot siya kay Mama. Siguro kasi yung tipong taray factor ni Mama, na 'Hoy, Dina Bonnevie 'yan,' parang ganun. Everytime na sabihin ko kay Tin, 'O, sama ka sa dinner ha. Hahanapin ka ni Mama.' Sasabihin niya nahihiya raw siya na baka kung anong sabihin ni Dina about her. Sabi ko, 'Cool yun. Mukha lang siyang mataray pero mabait yun.' At least ngayon, magkakilala na sila."


OYO WANTS TO MARRY KRISTINE. Ano ang nagustuhan niya kay Kristine?

"Ayokong mag-compare, pero si Tin kasi yung sobrang totoong tao. Nami-misinterpret lang siya minsan ng tao. Pero totoo lang talaga siya. Si Kristine kasi, hindi naman siya yung mahirap mahalin. Madali lang siyang mahalin," sabi ni Oyo.

So, si Kristine na ba ang babaeng pakakasalan niya?

"Sana, kasi kaya nga hanggang ngayon hindi pa ako pumapasok sa relasyon. Gusto ko kasi kapag pumasok na ako sa relasyon, dire-deretso na, e. Gusto ko, siya na yung magiging asawa ko. And kung magkakaasawa ako, ayokong matulad kami sa Daddy ko at saka kay Mama na hiwalay, e. Sinasabi ko yun kay Mama, gusto ko maayos yung pagsama namin. Kaya siguro hindi pa kami ni Tin, parang alam mo yun nagpapakiramdaman. Kasi siyempre kakagaling lang niya sa failed relationship, e."

Pero ngayon ba unti-unti nang nagkakaliwanag na maging sila na ni Kristine?

"Sana, kasi unti-unti na ring naaayos ang lahat. Sana kapag dumating talaga yung araw na 'yan, maramdaman ko na siya na talaga."

Ise-share ba nila sa mga tao kung sakaling sila na nga? Aaminin din ba nila sa mga press people?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, bakit naman hindi? Hindi naman siya masamang balita, e. Sa tingin ko naman magandang balita yun."

Paano niya ide-describe yung relationship nila ni Tin ngayon, MU (mutual understanding) ba or exclusively dating?

"Ayoko ng MU, parang ang pangit, e. Pati yung exclusively dating. Sabihin na lang natin na special friendship. Kasi sa friendship naman nagsisimula ang lahat, e. Yung foundation n'yo."

Paano ba nagsimula yung pagiging close nila ni Kristine sa isa't isa?

"Matagal na yun e, since Enteng Kabisote 1 pa. Siyempre noong una, pakiramdaman pa. Pero noong sumunod na Enteng, dun na nagsimula. Siguro three years ago?"

Three years ago pa sila naging close, pero hanggang ngayon hindi pa rin sila?

"Ako naman, aminado naman ako kay Tin na mahal ko siya. Wala lang talaga yung formal commitment. Sinabi ko nga kay Tin na kapag magkakarelasyon ulit ako, gusto ko yung hindi lang girlfriend. Gusto ko yun na talaga, kumbaga kasalan na. Hinihitay ko na lang sa sarili ko na maramdaman ko kung kailan ako magpo-propose. Kasalan na agad, ayoko na kasi ng girlfriend-boyfriend, e."

Ano naman ang reaksiyon ni Kristine sa sinabi niyang 'yon?

"Si Tin naman, ever since, talaga gusto niya ng family, so okay sa kanya. Pero siyempre sa akin pa rin nakasalalay yung proposal, e. Kaya dapat hindi madaliin, dapat maingat talaga. Ayokong saktan si Kristine, e."

WAITING FOR THE SIGN. So, ibig sabihin kapag naramdaman na niya na okay na this year or next year ay kasalan na agad ang kasunod?

"Hindi naman, pero siyempre kailangan pa rin naming paghandaan yun. Kailangan ko lang talaga ng sign from God, na idiretso ko na. Yun na lang ang ipinagdadasal ko kay God, sana one day ibigay niya sa akin yung sign."

Anong sign yung hinihintay niya?

"Hindi ko alam kung anong sign yung ibibigay ni God. Basta alam ko one day ihahatid sa akin yun ni God, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Oyo na kay Kristine niya lang naramdaman yung ganun kaseryosong feelings na parang gusto na niyang mag-propose ng kasal kay Tin.

Ano naman kaya ang reaksiyon ng Daddy Vic Sotto niya tungkol dito?

"Si Daddy naman, hindi naman siya nangingialam, e. Hindi naman siya nagpapakuwento."

Dahil sa serious feeling ni Oyo for Tin, hindi kaya mauna pa silang ikasal kaysa sa Daddy niya at Pia Guanio?

"Malay n'yo. Puwede rin!" makahulugang sabi ni Oyo.


SAVING FOR THE FUTURE. Siyempre hindi lang love ang kailangang stable sa isang relationship, kailangan din na financially stable na sila bago magpakasal.

"Yun, isa pa yun. Kailangang makaipon tayo. Kaya nga blessing din itong Season 3 ng Midnight DJ dahil nakakadagdag din sa iniipon ko. Kailangan may savings ka kasi anong ipambubuhay mo sa pamilya mo, di ba?

Kahit pabiro ba ay napag-uusapan nila ni Kristine ang kasal?

"Minsan binibiro ko siya. Sabi ko, kapag nagkatuluyan tayo, gusto ko kambal. Pero loko-loko lang yun."

Ano naman ang dream wedding n'yong dalawa?

"Si Tin kasi maraming gustong wedding yun, e, may garden, may beach. Pero kung ako ang masusunod, alam ko sa beach ang gusto niya. So, malamang beach wedding kami."

May singsing na ba siyang ibibigay kay Tin?

"Wala pa, hindi pa ako nakakabili. Nag-iipon pa nga ako."

MIDNIGHT DJ. Samantala, hindi lang ka kanyang lovelife masaya ngayon si Oyo. Feeling blessed daw siya lalo na't season 3 na ang pinagbibidahan niyang horror series sa TV5, ang Midnight DJ. Pangalawang season na ito ni Oyo sa naturang show dahil si Paolo Contis ang bida sa first season.

Ayon kay Oyo, malaki ang naitutulong sa kanya ng pagkakaroon ng regular show sa TV5. Nakakaipon daw siya at nagkakaroon ng pera para sa kanyang mga pang-araw-araw na gastos. At may naitatabi pa rin daw siya para sa future nila ni Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano pa ang ma-e-expect ng mga viewers sa bagong season ng Midnight DJ?

"Marami pa. Kasi sa season 2 yung season finale episode namin inamin ko as DJ Samboy na wala talaga akong powers or ability para makaramdam ng supernatural forces. Dito sa season 3, since alam na ni Andrea, played by Desiree [del Valle], siya yung boss namin dito... na wala akong powers, dito papasok ngayon yung character ni Erich, si Chicklet, na kababata ko. Siya talaga yung may psychic powers.

"Dahil nga wala akong powers, dito lumalabas yung pagiging kuwela ng karakter ko. So pagkakaroon ngayon ng element ng comedy kahit na horror series ito. Yun ang magiging kaibahan ngayon nitong season 3. Mas makulit kami ngayon ng sidekick kong si Bodjie, played by Joaqui Tupas. Ang hindi lang nawala ay yung supernatural beings, yung paranormal, meron pa rin po."

In a way ba nagpapasalamat siya kay Paolo Contis dahil kung hindi ito umalis sa show after the first season ay hindi siya magiging bida sa Midnight DJ?

"Oo naman. At saka okay naman kami ni Paolo."

Kasama ni Oyo sa cast ng Midnight DJ sina Desiree del Valle, Erich Gonzales, Jenny Miller, at Joaqui Tupas.

Mas marami pang katatakutan at kababalaghan ang mapapanood sa third season ng Midnight DJ, simula sa February 28 with Baron Geisler bilang special guest sa season opener episode na pinamagatang "Halimaw sa Bayon." Mapapanood ang Midnight DJ tuwing Sabado 8 p.m. sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN