Sunshine Dizon gets invitation from Iloilo politicians to discuss "political concerns"

IMAGE 0


"Wala pa naman talaga. Wala pa naman sa plano ko na tatakbo na talaga 'ko. Kumbaga, natanong lang ako noon, and yes, in the future, I have plans naman. Pero sa ngayon, wala pa...wala pa talaga," says Sunshine Dizon.


Pinasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine Dizon sa GMA-7 compound sa backstage ng SOP nitong nakaraang Linggo, February 22. While doing our interview with her, may ipinakitang text message ang Mommy Dorothy niya sa amin kunsaan, ilang matataas na pulitiko from Iloilo ang nag-iimbita kay Sunshine para makipag-dinner.

The text message reads: "Good pm...May we invite you and Sunshine. We hope you are available on the 25th for dinner for us to discuss political concerns of first district of Iloilo..."

Isa sa mga binanggit ni Mommy Dorothy na nag-imbita sa text ay ang mismong governor pa ng Iloilo na si Gov. Niel D. Tupas.

Nagugulat din daw si Sunshine dahil parang bigla, may mga talks na talaga about her entering politics.

"Wala pa naman talaga. Wala pa naman sa plano ko na tatakbo na talaga 'ko. Kumbaga, natanong lang ako noon, and yes, in the future, I have plans naman. Pero sa ngayon, wala pa...wala pa talaga.

"Although, natutuwa ako siyempre na kahit wala pa namang konkretong plano, marami na rin ang buma-back up. Siguro ano na lang, kung ibigay ng Diyos, e, di okey. Parang calling ko siguro talaga yun."

Pero kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya ba na pag-aralan muna ang politics?

"Sana ... sana ...pero kung mababang posisyon lang naman, baka puwedeng pag-aralan. Hindi natin masasabi. Pero sa ngayon, wala pa talaga kong plano at all. If ever lang, parang type ko yatang mag-board member."

(Click here for the video of this interview)

ALL ABOUT EVE. Samantala, halatang nakuha na nga ni Sunshine ang much-needed rest bago niya sinimulan ang pinakabagong primetime series niya sa GMA-7, All About Eve. Hango sa isang sikat na Korean series na may pareho ring title ang latest na proyektong ito ni Shine. Hindi raw basta-basta na isang api-apihang character lang ang gaganapan ni Sunshine ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako yung battered child, inggitera, nangarap na yumaman, kuhanin ang lahat. Basta ako yun!," natatawang paglalarawan ni Sunshine.

Hindi naman daw siya nanibago sa pagsabak niyang muli sa isang serye, although natatawa raw siya sa experience niya on their first taping day.

"Yung unang araw ko, grabe iyakan talaga. Namatay na yung tatay-tatayan ko. Ewan ko, medyo kinakabahan ako. 'Tapos second day ko, para naman akong action star! Nakikipagsuntukan ako sa mga goons," kuwento pa ng magaling na aktres.

Balik team-up din nila ito ni Iza Calzado na huli niyang nakasama sa Impostora, kunsaan pareho silang hinangaan sa pagganap. May pressure ba silang naramdaman na dapat ay maiba ang mapanood sa kanila ng mga tao from their previous soap together?

"Oo nga, e. Pero sana...sana makita nila ang difference. At saka, iba naman ang character at saka dapat ma-distinguish talaga na iba ang character namin ngayon."

Dugtong pa niya, "Actually, ibang klase rin ang casting. Kasi, bukod sa may Eula Valdez, Jean Garcia, may Richard Gomez at pati pagbabalik din ni Direk Eric Quizon. So, acting talaga," natatawa pa niyang sabi."

Ayaw naman daw niyang isipin na may pressure in terms of acting.

"Hindi naman ako nagpapa-pressure. Pero siyempre, at the back of your mind, maiisip mo na kakapanalo mo pa lang ng award. So, people are really expecting that I really have to give my best. Pero, ever since naman, ganoon naman talaga ang attitude ko. As much as possible, ayoko rin naman nung masyado kong dinidibdib at hindi ka naman na mag-e-enjoy."

NO LOVELIFE. Diretso ring sinasabi ni Sunshine na wala siyang boyfriend or anumang lovelife ngayon.

"Wala...wala talaga! Okey na yun," nakangiti niyang sabi. "At saka, wala namang batas na nagsasabi na kailangan may boyfriend ka para sumaya," natatawa niyang sabi.

"Nag-promise naman ako na I want to concentrate muna on my career for a long time muna siguro. Choice ko na rin since ayoko na muna ng may distraction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bumili ako ng bagong bahay, kotse. Marami pa kong gustong bilhin, so, kailangang magtrabaho nang mabuti, di ba?"

So, distraction pala sa kanya ang lovelife?

"Oo! distraction siya! Ha- ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN