Baron Geisler shrugs off rumor that he was involved in shooting of Jake Cuenca's SUV

IMAGE 0


"I hope I can be an inspiration. Pero sa mga nangyayari sa akin, hindi ko alam kung inspirasyon nga ba ko or dapat akong maging inspirasyon para sa mga tao. Pero sa pagkakaalam ko, tama po ang mga ginagawa ko," says Baron Geisler.


Maging si Baron Geisler ay nasorpresa nang kunin siya para maging first celebrity endorser ng clothing line na Purplem Box. Ito ay sa kabila ng hindi masyadong magandang imahe ni Baron at mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.

"What can I say? Actually, nabigla ako. After ng Tabing-Ilog, ngayon pa lang po ako nakakuha ng apparel na ako lang pong mag-isa ang mag-e-endorse. So, parang ang laki po ng pasasalamat ko. Hindi lang sa Purple Box kundi maging sa ABS-CBN," pahayag ni Baron sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 26, sa Quattro restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

May worry ba sa kanya before na baka hindi siya magkaroon ng ganitong endorsement project?

"Actually, to tell you the truth, wala po sa akin kung meron man akong ie-endorse or wala. Ang sa akin lang po talaga, yung craft ko. Pero ngayon, sobrang happy po ako at may mga blessing na lumilitaw. May mga ibinibigay sa akin. Maliliit na bonuses para sa akin, so I'm really happy na may Purple Box po ako ngayon," saad ng aktor.

Naikuwento rin ni Baron na sa natirang apat na paintings niya mula sa mga nasunog, may plano raw na i-print ang mga ito sa ilang designs ng t-shirt. Bukod pa rito, he was also given the privilege to come up with his own design.

"Siguro po, gusto ko lang mag-live further yung paintings ko, hindi lamang sa canvas kundi pati sa tela at sa damit. Masuot at mai-share ko sa ibang tao yung mga designs ko. At saka hindi lang yun, kumbaga, apat na designs pa lang yun. Basically, lahat ng mga designs po nila ay original at galing po sa kanila," saad ni Baron.

THE SAME BARON. Kumusta na ba siya ngayon, may mga nagbago na ba?

"Hindi ko po alam, parang yung Baron pa rin noong dati," sagot niya. "Ang pinagkaiba ko lang, mas seryoso po ako sa career ko ngayon. Ito nga po, right after ng Tayong Dalawa, may The Weddings po ako. So, tuluy-tuloy po talaga ang trabaho ko. Ibig sabihin, I'm doing something right at kahit sabihin pa na my personal life, medyo messed up, pero I never, hindi ko dini-disrespect yung trabaho ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit namin sa kanya na may mga nangyayari sa kanya na iba sa nakaugalian na. Kumbaga, in a way, he's setting an example na kabaligtaran ng ordinaryo.

"Hindi ko alam. I hope I can be an inspiration. Pero sa mga nangyayari sa akin, hindi ko alam kung inspirasyon nga ba ko or dapat akong maging inspirasyon para sa mga tao. Pero sa pagkakaalam ko, tama po ang mga ginagawa ko. Basta ano lang, in order to stay in the business, you have to do well sa craft mo. Respect everybody and don't step on everybody's toe."

Inamin ni Baron na kapag nadi-depress siya, dun pumasok ang mga gimik at pag-inom niya.

"Sa totoo lang, kapag ako nade-depress or nabo-broken-hearted, medyo gumigimik po ako. Kung wala po yun, wala po sigurong mangyayari."

Broken-hearted ba siya ngayon?

"Medyo po," pag-amin niya. "Hindi naman ako yung nawawala sa sarili. Nako-control ko naman ang sarili ko."

THE "MIDNIGHT DJ" INCIDENT. "Puwede bang magpunas muna ng pawis ko?" sabi ni Baron nang tinanong namin siya tungkol sa latest issue sa kanya. Ito ay nang dumating daw siya sa taping ng Midnight DJ ng TV5 na nakainom. Balita rin na maghapon siyang umiinom dito, dahilan para tanggalin siya sa show kahit na may plano na sana siyang gawing regular.

Totoo ba ito?

"Okay, I'll be a man. Yeah, nangyari yun. Two days straight akong nagtrabaho and my girlfriend thought na naglasing lang ako or hindi ko sineryoso yung date namin, so hindi ko nasipot. So, she just sort of break up with me. The next day, I had taping. So, I woke up at around nine. I had a few drinks at dumiretso ako sa taping and I was depressed," kuwento ni Baron.

Hindi ba niya karaniwang ginagawa ang ganoong bagay tuwing may taping or shooting siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course not! Kung ganoon, wala na sana akong The Weddings, wala na sana akong Tayong Dalawa. Galit na sa akin ang lahat or marami kayong maririnig," sabi niya.

Pero nilinaw ni Baron na may bago na rin daw siyang girlfriend, Australian naman. Kaso, malapit na rin daw siyang masawi muli sa pag-ibig dahil paalis na ito pabalik ng Australia.

Parang hindi niya yata kayang walang lovelife?

"Hindi po, kasi ako na lang at saka ang nanay ko. Madalas akong nagsasama sa kanya sa hospital, nagtse-check. So, parang kailangan ko ng kakaibang kasama, companion. Siguro akala nila I party around all the time, but no... It's not even my lovelife, it's not even my drinking. It's actually my personal life, it's my family," saad ni Baron.

SUV SHOOTING INCIDENT. Hindi naman nagulat si Baron sa pagkakadawit ng pangalan niya sa pamamaril sa sasakyan ng co-star niya sa Tayong Dalawa na si Jake Cuenca noong Lunes ng madaling-araw, February 23. (Click here to read related story.)

"You know, Jake and I are friends," sabi ni Baron. "Kailan lang nagkakuwentuhan kami tungkol sa mga lovelife namin. Feeling ko talaga, napag-tripan lang. May mga lasing dun na nag-trip na, 'Bahay ng artista yun, talaga, ratratin natin!'

"But I don't think Jake na may atraso siya. He won't do that kasi he's a very good guy. I love his company. Lalo na ngayon, ang dami naming fight scenes. And then, nagbibigay ng inputs. Alam n'yo, nata-touched ako sa ganoon. Kung ibang artista yun, bahala ka."

Paano sila nagkaayos ni Jake?

"Wala lang... Ang tagal nang isyu niyan. I think nga, dati civil lang kami nung first taping namin. Pero ngayon, chums na kami. Buddy-buddy talaga, e. Parang bro, ang sweet nga namin. Like, 'May iron ka pa ba diyan?' Biglang ang daming iron. Uhaw na uhaw ako, 'You want some Gatorade?' 'Yeah, sure man!' Ang cute lang namin," kuwento ng dating child actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang blessing in disguise pala na nagkaroon sila ng misunderstanding dati?

"Yeah, kasi mas nakilala ko siya. Ano lang, Jake is misunderstood also. People think he's like this or he's like that. But you know, if you'll get to know the real Jake Cuenca, he's a magnificent person."

Would he say na pareho sila ni Jake na misinterpreted?

"Misinterpreted talaga kami. Ganoon talaga kapag nag-a-action-action, e," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN