Manny Pacquiao will not take it easy on Ricky Hatton

IMAGE 0


"Sa lahat naman ng mga laban ko, never akong nagpa-easy-easy. Inalam ko ang mga kilos ni Hatton kasi alam kong mabilis siya. Yun ang pag-eensayuhan ko nang husto kasi bagong laban ito. Medyo magbabawas ako ng konting timbang ulit para sa laban na ito," says Manny Pacquiao.


Lumipad na ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao patungong England noong madaling araw ng February 26 via Cathay Pacific Airlines para sa press conference ng kanyang magiging bagong katunggali sa boxing ring na si Ricky Hatton.

Binigyan ng isang simpleng send-off party si Pacman ng kanyang mga kaibigan sa Shangri-La Makati. Kabilang sa mga naging bisita niya ay sina former Manila mayor Lito Atienza, Gov. Chavit Singson, Sen. Miguel Zubiri at Sen. Gringo Honasan.

First time ngang makakarating ng United Kingdom si Pacman at excited na itong ma-meet si Hatton for the first time.

"Makikipagkita ako kay Hatton dahil may press conference siya sa England. Pag-uusapan din ang mga ilang bagay-bagay para sa magiging laban namin sa May.

"'Tapos ay magkakaroon kami ng three-day tour sa England. E, first time ko makapunta roon kaya susulitin ko," nakangiti pang sabi ni Manny nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi nga raw makakasama ang misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao dahil ayaw nitong iwan ang bunso nilang anak na si Queen Elizabeth.

"Ayaw niyang sumama kasi wala naman daw siyang gagawin doon," diin ni Manny.

"Tsaka after ng presscon at tour namin sa England, diretso na ako sa U.S. para sa training ko. Hindi na ako babalik ng Pilipinas kasi wala na akong naiwan na trabaho rito at naka-schedule na talaga akong mag-training.

"Gusto ko nga isama si Jinkee pero siya na rin ang umayaw. Kawawa naman daw ang mga anak namin at mawawala siya. Mas gusto raw niyang makasama ang mga bata kesa sa akin.

"Pero sa Las Vegas, nandoon siya. Isasama ko rin sina nanay at tatay para mapanood naman na nila ako nang live at hindi lang sa TV."

Tinapos na nga ni Manny ang mga eksena niya para sa Totoy Bato na umaani ng mataas na rating sa primetime. Pati na rin sa Pinoy Records ay nakaipon na rin siya ng mga episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinapos ko muna ang mga commitments ko dito kasi nakakahiya naman sa GMA-7. Kaya kahit busy ang schedule ko, siningit ko talaga ang mag-taping. Nagpapasalamat ako sa mga sumusuporta ng Totoy Bato at Pinoy Records kasi matataas ang ratings namin parati."

Hindi nga raw magpapa-easy si Manny sa laban niyang ito kay Hatton dahil alam niyang mabilis at matindi rin itong kalaban sa boxing ring.

"Sa lahat naman ng mga laban ko, never akong nagpa-easy-easy. Inalam ko ang mga kilos ni Hatton kasi alam kong mabilis siya. Yun ang pag-eensayuhan ko nang husto kasi bagong laban ito. Medyo magbabawas ako ng konting timbang ulit para sa laban na ito."

Positive nga si Manny na muli niyang makakamit ang pagkapanalo sa labanan na ito.

"Lagi naman akong positive. 'Tsaka lagi akong nagdarasal. Ang paniniwala at tiwala ko sa Panginoon ang hindi nawawala sa akin kaya alam ko na maganda ang kalalabasan ng laban na ito," pagtatapos pa ni Manny Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN