Annabelle Rama on Wilma Galvante: "Ang pumatol sa akin, sira-ulo! Biro mo, taas ng posisyon mo, papatol ka sa akin?"

IMAGE 0


"Tine-text ko lang siya ng masama na alam ko. Ang kapal naman ng mukha ng isang tao kung hindi pa masasaktan sa mga texts ko! Pero walang kasamang mura. Uulitin ko ang text ko, habang nasa loob ng kuwarto ni Wilma si JC dahil sabi nga ng alalay, nandoon pa sa loob. So, sabi ko sa kanya, 'Hayop ka, traydor ka! Nanunulot ka na naman ng talent! Palagi mo na lang ginagawa sa akin 'yan!' Sabi ko sa kanya, 'Makakarma ka at gagantihan kita.' So, walang mura run," explai


Marami ang gustong makapag-interview sa controversial talent manager na si Annabelle Rama simula nang maglabasan ang mga isyu tungkol sa mga alaga niyang sina Heart Evangelista at JC de Vera, at sa panibagong alitan nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.

Nang makausap ng entertainment press si Annabelle sa victory party ng When I Met U, pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, noong Huwebes, February 26, ay hindi gaanong nagsalita si Annabelle. Aniya, magpapa-presscon daw siya ng sarili niya para sagutin ang lahat ng gustong itanong sa kanya.

Tinotoo ni Annabelle ang sinabi niya dahil kinabukasan, Feb. 27, ay nagpatawag siya ng presscon sa Dulcinea restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

Diretsong sinabi ni Annabelle na itanong na raw sa kanya lahat dahil sa presscon lang na yun siya magsasalita.

"Lahat ng questions, itanong n'yo na sa akin. Wala ng ibang pagkakataon na masagot ko kayong lahat. Wala nang ibang presscon, ito lang ang presscon," aniya.

RENEWAL OF CONTRACT. Suportado at naiintindihan naman daw siya ng kanyang pamilya, lalo nang kanyang mga anak, dahil alam naman daw ng mga ito na tama lang ang ipinaglalaban niya.

"Siyempre, sinu-support nila ako dahil alam naman nilang lahat ng ginagawa ko tama," sabi ni Annabelle. "Bibigyan ka ng sulat ng lawyer, siyempre, sasagutin mo. Hindi naman puwedeng basta nila ako susulat-sulatan, tatakut-takutin ako. Kasi yung sulat ng lawyer ng GMA, panakot yun! Katulad ng sulat nila kay JC, panakot yun!

"Gusto nila kaming mag-renew ulit, puwes, magpakabait naman kayo! Hindi naman puwede yung basta i-harras-harass yung bata. Hindi yung dadaanin sa takot. Puwede namang idaan sa magandang usapan, hindi yung takutan!"

Patuloy ni Annabelle, "Sabi nila, 'eto sasagutin ko 'to ha, kaya ko raw gustong alisin si JC sa GMA dahil natatakot daw ako for Richard. Dahil sumisikat daw si JC. Hindi! Ibang talent si Richard, ibang talent si JC. Kung sumikat si JC, good for me... Richard, good for me! At saka good for GMA dahil dumarami ang kanilang sikat na artista. Hindi yung mga trying hard, gustong sumikat, wala namang rating!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least ako, tatlong alaga ko, puro mga top-rater. Kaya ako nagtatampo sa kanila, walang suporta ang GMA sa mga alaga ko. Parang hindi pa nila ikinakatuwa na nagna-number one. Hindi nakikita nina JC at Heart na nag-e-enjoy ang GMA sa ginagawa nila.

"Parang nakakasakit na sinabi ni Wilma sa nanay ni Heart na kaya nag-number one ang Luna Mystika dahil inaabangan ng masa ang fantaserye ng GMA. Sabi ng nanay, 'Ibig sabihin, yung pagod ni Heart na pagpapalit ng mukha dahil sa prosthetic, na-hospital pa, hindi man lang nila na-appreciate? Wala man lang credits?' So, matutuwa ka ba? Kaya ako nagwawala dahil sa mga alaga ko. Hindi ako nagwawala dahil naiinis ako," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.

May offer na ba ang ABS-CBN kay JC?

"Wala namang offer ang ABS," sagot ni Annabelle. "Wala naman akong kausap pa sa ABS kundi si Alfie [Lorenzo] lang. May offer siya sa akin, yung Juday [Judy Ann Santos]."

Ayon naman kay Tito Alfie, may nag-aabang na raw kay JC sa Kapamilya?

"E, di maganda, good for JC! Si JC, mabait na bata, magaling na artista! Masipag na bata."

ISSUE WITH MS. WILMA. Hindi rin daw ito dahil sa kung anumang isyu meron sila ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7.

"Hindi ako naiinis kay Wilma," giit ni Annabelle. "Wala akong pakialam sa kanya kung anumang puwesto niya. Siya, pumatol siya sa akin, e, di ano siya? Wala siyang kuwentang tao, bakya siya! Ang pumatol sa akin, sira-ulo! Biro mo, taas ng posisyon mo, papatol ka sa akin?"

Inamin ni Annabelle na kung siya raw ang masusunod, mas gusto raw talaga niyang ilipat si JC sa ABS-CBN. Does it mean hindi siya satisfied sa career ni JC bilang Kapuso?

"Si JC, six years na si JC sa GMA! Hindi naman siya binigyan ng project na 'eto, gawin mo na sumikat, hindi naman, e. Napapansin lang siya dahil magaling siyang artista. Sumikat siya dahil sa sarili niyang kayod. Kasi, from the very start ng talents ko, talagang hate na sila ni Wilma. From Richard sa Click, okay, kaaway ko na si Wilma!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka hindi n'yo alam kung bakit kami nag-away ni Wilma. Sa Click pa lang, kasi alaga niya si Cogie Domingo. Gusto niya, support si Richard kay Cogie Domingo. May isang TV show, hosting job, Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, at Cogie Domingo. Sabi ko, hindi, dati na namang artista si Richard at top-rater naman. Sabi ko, 'Tanggalin mo na sa show na 'yan si Richard.' At doon pumasok si Raymond.

"Nagpapasalamat ako kay Wilma naman dahil siya ang naka-discover kay Raymond sa hosting naman. Noong tinanggal ko si Richard, ipinalit niya si Raymond para hindi siguro ako magalit. Ang hindi niya alam, tuwang-tuwa nga ako, kasi nakita ko ang kahusayan ni Raymond as host, kaya nagpapasalamat ako sa kanya. Kaya ang dami kong ibinibigay sa kanya, mga datung, bag, kung ano-ano... Sipsip nga! Inaamin ko naman, sipsip ako, siyempre nasa taas siya, so ano gagawin ko?

"At bakit ko siya aawayin? Siya ang nang-aaway sa akin!" mariing sabi ni Annabelle.

Pang-ilang away na nila ito ni Ms. Wilma?

"Hindi ko na mabilang! Hindi ko na mabilang!"

JC DE VERA'S CASE. Ikinuwento rin ni Anabelle kung paano talaga nagsimula ang isyu kay JC.

"Nag-storycon ang Obra. Hindi ako um-attend, so tinatanong ko si JC kung maganda ba ang role niya. Feeling daw niya, hindi maganda ang role niya. Mukhang mas maganda ang role kay Marvin Agustin. Akala raw kasi niya, Obra, tulad ng ginawa niya na siya ang bida. So, sabi ko, 'Kung hindi ka happy, tatanggihan ko na.'

"So, tinawagan ko yung EP [executive producer], si Otep [Boncalan], 'Tanggalin ko na lang si JC diyan sa Obra, akala ko siya ang bida.' Sabi niya sa akin, 'Ah, ganoon ba?' So, pagkatapos ng story conference, hinila ni Redgie Magno [senior program manager] at ni Lilybeth Rasonable [VP for Drama] si JC sa kuwarto ni Wilma. Iniwang mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon nangyari ang gulo, kasi nga, kung ano-ano ang sinasabi ni Wilma kay JC tungkol sa kontrata, tungkol sa legalities. Kung hindi ko pa tinext si Wilma, hindi pakakawalan si JC! Tinext ko siya, e. Akala ko nasa labas, yun daw nasa kuwarto ni Wilma! Kaya sabi ko, 'Bakit siya nandoon?' Hinila raw ni Redgie at Lilybeth. Ang rason naman ng dalawa, si JC raw ang namilit sa kanila na dalhin kay Wilma para mag-hi.

"Hindi ako naniniwala dahil si JC, six years na sa akin, kilala ko siya, para siyang si Richard. Mahiyain 'yan. Hindi kagaya ni Raymond na friendly, 'Hi, Tita Wilma.' Itong dalawang alaga ko, mahiyain kaya hindi ako naniniwalang siya ang nag-insist na pumunta kay Wilma.

"Nag-umpisa ang gulo namin ni Wilma dahil tinext ko siya. Dahil ayaw nga niyang pakawalan si JC!" diin niya.

Totoo bang minura niya si Ms. Wilma sa text?

"Sinasabi niya sa lahat ng diyaryo, na yung text ko raw sa kanya, minumura ko raw siya. Na ano raw... Hindi ako nagmura sa text kasi ano yun, libelous yun, di ba? Tanga ba naman ako na mumurahin ko siya sa text, e, di meron na agad siyang proof, di ba? Hindi ko siya minura sa text.

"Tine-text ko lang siya ng masama na alam ko. Ang kapal naman ng mukha ng isang tao kung hindi pa masasaktan sa mga texts ko! Pero walang kasamang mura. Uulitin ko ang text ko, habang nasa loob ng kuwarto ni Wilma si JC dahil sabi nga ng alalay, nandoon pa sa loob. So, sabi ko sa kanya, 'Hayop ka, traydor ka! Nanunulot ka na naman ng talent! Palagi mo na lang ginagawa sa akin 'yan!' Sabi ko sa kanya, 'Makakarma ka at gagantihan kita.' So, walang mura run."

SETTLEMENT. Pero aminado si Annabelle na kung si JC ang tatanungin, mas gusto nitong magkaayos na lang sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totooo yun. Si JC kasi, sinabi niya na, 'Tita, kung magkakaayos, mas okey sa akin. Kasi, marami na akong kaibigan sa GMA. Dito na ako lumaki. Dito ako nag-umpisa. Ngayon, kung ikaw ang manager ko at kung ano ang makabuti sa akin, bahala ka na. Pero kung magkakasundo-sundo, mas gusto ko sa GMA.' Totoo yun, totoo yung sabi niya. Kasi nga, marami na siyang kaibigan. Naging close na siya sa mga staff, sa mga director. Pero sinabi rin niyang, 'Tita, ikaw ang manager ko, ikaw ang masusunod.' Mabait na bata 'yang si JC."

Ayaw na raw sabihin sa kanya ni JC ang eksaktong napag-usapan nila ni Ms. Wilma. Sinasabi lang daw ng young actor na natakot siya sa mga legalities.

"Kaya nag-sorry rin naman ako kay JC. Sinabi ko na next time, sasama na ako. Kasi, kung wala si Jun Lalin [her publicist], dapat ako talaga ang sumama. So, sabi ko, next time, hindi na mauulit yun. Hindi na siya magso-solo na."

THE MEETING. Sinagot din ni Annabelle ang mga naglalabasan na tila na-bypass siya ng parents ni Heart nang makipag-usap ang mga ito kay Atty. Felipe Gozon, ang President, Chairman, at CEO ng GMA-7, at iba pang executives ng GMA-7. Ayon kay Annabelle, siya pa raw mismo ang nagsabi kay Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films na makikipag-meeting ang parents ni Heart.

"Nag-meeting sila hindi ako sumama dahil alam ko na nandoon si Wilma," sabi ni Annabelle.

Tinanggap na ba niya ang Ngayon at Kailanman para kay Heart?

"Wala pang offer," sagot niya. "Noong nagkagulo na kami, yun na ang offer. Pero hindi pa ako makasagot. Kasi, ganito ang nangyari diyan, noong in-offer nila ang panghapon, sinabi ko na ayoko ng panghapon dahil galing si Heart sa primetime. Sabi ko, 'Ano ang gagawin ni Heart sa hapon?' Sabi nila, Sine Novela. Sabi ko, 'Di ba, Sine Novela, sine yun?' Sabi nila, 'Hindi, pang-hapon yun!' Ang alam ko talaga, ang Sine Novela, sine yun! Noong pumirma, akala ko sine yun, yun pala panghapon! Wala namang ini-explain si Wilma na panghapon, akala ko talaga, Sine Novela, sine! Hindi naman sinabing afternoon soap! So, wala kaming magagawa, talagang gagawin ni Heart ang isang afternoon soap dahil nasa kontrata talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung in-offer nilang Muling Buksan ang Puso, yun ang tinanggihan namin, baka bibigyan siya ng bagong soap. Yung sa kontrata rin ni Heart, Koreanovela, kaso hindi pa ayos kaya bibigyan muna siya ng iba. Pero ayos na sila. Naayos na ang problema nila. Si JC na lang ang natira."

MARVIN AGUSTIN. Nilinaw rin ni Annabelle na hindi si Marvin Agustin ang inaayawan niya sa Obra kundi yung role na hindi babagay rito.

"Eh, katulad nga noong movie nina Richard at KC, ipinapasok niya [Wilma] si Marvin Agustin! Hindi bagay! Paano naman magiging kapani-paniwala na magugustuhan ni KC si Marvin at pagseselosan ni Richard? Kaya sabi ko, hindi bagay. Noong si Alfred Vargas yung inilagay, umangal ba ko? Hindi! Bagay sa kanya, wala naman akong kinikita kay Alfred, hindi ko naman alaga yun.

"Yung sa Obra, yung sa role kay JC ang inayawan ko. E, mabuti pa ang iba diyan binibigyan ng lead roles, kahit wala pa naman. E, si JC, six years na diyan. Yung iba, binibigyan ng lead role kahit wala namang ratings," saad ni Annabelle.

Sa palagay kaya ni Annabelle ay maaayos pa ang gusot na nangyayari ngayon kay JC?

"Sa tingin ko, kasi ibang klaseng kausap si Atty. Gozon. Bakit kami nanatili sa GMA ni Richard? Hindi naman dahil 'yan kay Wilma. Kasi, gusto niya kaming mag-renew noon, diniretsa ko siya, e. Ayaw ko nang mag-renew ng contract. Noong nakausap ko si Atty. Gozon, na matinong kausap, doon ako nag-renew ulit."

May posibilidad ba na lumipat si Richard sa ABS-CBN kapag natapos na ang contract nito sa GMA-7?

"Malayo pa 'yan! 2010 pa ang contract niya, 'day! Huwag na muna nating pag-usapan 'yan," iwas ni Annabelle.

Kinumpirma naman ni Annabelle na may susunod nang pelikula si Richard at napag-usapan na raw yun nila ni Ms. Annette. Pero aniya, secret muna raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero base sa nakalap na impormasyon ng PEP, malamang na ang next movie project ni Richard ay ang pagtatambalan nila ni Sarah Geronimo, na co-production ng Viva Films at GMA Films.

Kinumpirma rin ni Annabelle na matutuloy ang second movie niya sa Regal Entertainment. Yun nga lang, hindi na raw ito sequel ng Monster Mom. Hindi pa raw niya alam ang mga detalye, pero malamang na pang-Mother's Day presentation daw ito ng Regal. Makakasama raw niya at gaganap na mga anak niya sina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, at Carmina Villarroel, na mga bida noon sa 13, 14, 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN