Dingdong Dantes describes leading lady Marian Rivera in many ways

Mar 17, 2009
Matinee idol Dingdong Dantes gamely answers our slumbook questions about his leading lady in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Marian Rivera.

Sa narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes na magandang mag-taping sa malayong lugar dahil relaxing, naengganyo kami na lumihis sa nakasanayan nang question-and-answer interview. Ginawa naming mala-slumbook ang tanong kay Dingdong habang naghihintay siya ng susunod niyang eksena sa taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na ginawa sa isang dini-develop na resort ng Sta. Lucia Realty sa may Baras, Rizal.

Pinalagyan namin kay Dingdong ng maiisip niyang adjective ang pangalan ng leading lady niya na si Marian Rivera. "Bubbly" ang mabilis na sagot ni Dingdong sa "Marian is...."

PEP: Something romantic

Dingdong: Gorgeous.

PEP: Song that best describes Marian?

Dingdong: "Pretty Woman"(kinanta pa nito ang ilang lines at sumabay rin sa kanya ang ilang entertainment press)

PEP: Physically, ano ang attraction ni Marian?

Dingdong: Nose at shape ng kanyang mukha.

PEP: What flower symbolizes Marian?

Dingdong: Santan dahil 'pag hinugot mo sa ilalim ay may matamis.

Continue reading below ↓

PEP: Kung isang bagay sa bahay si Marian, ano siya at bakit?

Dingdong: Electric fan kasi presko ang pakiramdam. Very fresh, ang lamig-lamig ng dalang hangin, at hindi mabigat dalhin.

PEP: Kung junk food si Marian, ano siya?

Dingdong: Boy Bawang dahil kahit konti ang kainin, ang lakas ng lasa!

PEP: Kung ulam si Marian, ano siya?

Dingdong: Paksiw na lechon dahil bukod sa mahilig ako sa lechon, mas masarap ang lechon 'pag pina-paksiw.

PEP: Kung sangkap ng halo-halo si Marian, ano siya?

Dingdong: Ube dahil hindi kumpleto ang halo-halo 'pag wala yun.

PEP: Before Marian, ano ang tingin mo sa love?

Dingdong: Love is just right.

PEP: After Marian, ano na ang love sa 'yo?

Dingdong: It's right.

PEP: Ano ang terms of endearment ninyo ni Marian?

Dingdong: Marami. Nag-iiba araw-araw. Minsan, Yummy at DD; minsan tawag ko sa kanya ay Baby Girl. 'Pag galit ako, tinatawag ko siyang Proserfina at 'pag siya naman ang galit, ang tawag niya sa akin ay Dingdong.

Continue reading below ↓

PEP: Are you a boobs or a butt person?

Dingdong: I am a butt person, lahat sa baba.

Si Dingdong din pala ang nag-assure kay Marian na bagay sa kanya ang mag-shorts dahil maganda ang kanyang legs. Kaya kumportable na ngayong mag-shorts ang young actress. Saka kailangan din sa character niyang si Proserfina ang naka-shorts, kaya no choice si Marian kundi ang magsuot nito.

Inalam din ng PEP kay Dingdong ang balita na may gagawin daw siyang Hollywood movie. How true?

"Hindi ko talaga alam ang tungkol doon," aniya. "May nagsabi lang sa akin and if ever totoo, sino ako para tumanggi? Basta magandang project, bakit hindi ko tatanggapin? Pero sa ngayon, wala pa talaga akong alam tungkol doon."

In an interview with Robin Padilla, nabanggit niya na among the Kapuso female stars, si Marian ang gusto niyang makapareha. Ano ang comment ni Dingdong dito?

"Kung ako ang nasa puwesto ni Robin, si Marian din ang pipiliin ko dahil magaling siyang artista, very professional, walang reklamo at maganda," saad ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Hindi nag-react si Dingdong sa sinabi namin na 'pag nagtambal sina Marian at Robin ay hindi niya mabibisita sa taping o shooting ang dalaga dahil ayaw ni Robin na may dumadalaw sa kanyang leading lady, lalo na kung boyfriend. Ayaw kasi ni Robin na nadi-distract ang leading lady sa presence ng boyfriend.

Ngumiti lang si Dingdong na hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Marian Rivera
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matinee idol Dingdong Dantes gamely answers our slumbook questions about his leading lady in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results