Director Cathy Garcia Molina does not want to work with big stars

IMAGE 0


"Hindi lang naman si Aga ang parang ayaw ko munang idirek. Parang gano'n din ako katakot kung papalarin na makatrabaho ko sina Ms. Maricel Soriano, sina Ms. Sharon [Cuneta], si At Vi [Vilma Santos]. Parang ang feeling ko po, nanginginig po ako. Masyado ko pong tinitingala ang mga ito," says director Cathy Garcia Molina.


Ilang ulit umiyak ang direktor na si Cathy Garcia Molina sa victory party ng pelikula niyang You Changed My Life, ang sequel ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. May matinding sentimental value kasi kay Direk Cathy ang paggawa niya ng You Changed My Life, na tumabo na diumano sa takilya ng mahigit P180 million. Ayon sa Star Cinema, nabura na nito ang record sa takilya ng A Very Special Love, na kumita last year ng P178 million.

Narito ang pahayag ni Direk Cathy sa victory party ng You Changed My Life:

"Kapag nasa presscon o nasa premiere night, pero ito ang isang bagay na laging hindi ko nagagawa. ABS-CBN has always taught us the value of meritocracy, and I am so guilty that I think hindi ko siya nasasabuhay. I have failed to thank the people who have helped me make or finish a film anytime. And I think, tonight, I'm asking the permission from everyone that it will take a little longer than the usual.

"To my bosses, mga boss, mga Ma'am, because I thank the people who have helped me all this time... I am so happy that the boys are here. Star Cinema boys... Boys! Boys! My God, boys! Ma'am Charo [Santos, ABS-CBN President], Tita Malou [Santos, managing director of Star Cinema], Inang [Olive Lamasan], Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN head of TV production], ito pong mga boys na ito ang hindi natutulog, hindi naliligo. Side A, side B na ang mga brief.

"Hindi nakikita ang mga pamilya nila ng dahil na rin sa kagustuhan nila na tulungan tayo na makabuo ng isang pelikula—on time at maganda. And I'm so blessed with these boys na hindi po ako iniiwan. Hindi po tayo iniiwan lagi and I have asked them will you do a project with me again? Boys, gagawa ulit tayo ng project!" sigaw ni Direk Cathy habang nakatayo sa improvised stage na ginawa sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos magbigay ng speech ni Direk Cathy, ang managing director naman ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos ang nagbigay ng kanyang pahayag.

Aniya, "I want to congratulate our No. 1 box-office director, si John Lloyd, si Sarah, and to all the cast na kasama sa pelikula. Alam naman ng lahat ang istorya ng pelikulang ito kung paano nabuo.

"A challenge from na kailangang gumawa ng pelikula si John Lloyd and Cathy Garcia combine. So, naisip naming... From an episode in MMK [Maalaala Mo Kaya] na pagsamahain ulit sina John Lloyd at Sarah... Gusto ko lang ikuwento kasi sobrang mahal namin ang pelikulang ito. Binuo nang buong-puso.

"Pagsamahin si Sarah at John Llolyd, nag-isip ng magandang konsepto. Sa isang meeting napakinggan ang isang kanta, 'A Very Special Love.' Alam namin na ito ang titulo at theme song ng pelikula. It made history. Number one pelikula sa box-office nung 2008.

"Ngayon, nag-isip ulit kami. Ano kaya ang proyekto nina John Lloyd at Sarah? Lahat nag-isip ng konsepto. Hanggang isang bisita ko sa bahay, pumunta siya sa bahay, 'Ma'am Malou, ang ganda-ganda ng 'A Very Special Love,' sabi niya. 'Napanood ko pero sobra akong nabitin.' That word na 'nabitin'... The following day, ipinapatawag ko na si Direk Cathy. 'Direk, may konspeto na tayo. Continuation ng relationship ni Miggy at ni Layda.'

"And it made history because it is the first sequel na gumawa ng Philippine history to the Philippine movie industry, na ang isang love story nagkaroon ng sequel at mas malakas sa original. So, alam namin na itong franchise na ito ay marami pa ang tatakbuhin, marami ang natuwa at naka-relate kina Miggy at Layda. Kasi ang feeling ng lahat ng tao, si Miggy at Layda ay katabi lang nila.

"So, alam namin na yung character ng Miggy at Layda ay dala-dala nating lahat. So, sundan ninyo ang sunod na kabanata sa buhay ni Miggy at Layda sa pangatlo nilang pelikula," pahayag ni Ms. Malou, kasunod ang malakas na palakpakan mula sa cast at crew ng You Changed My Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FUTURE PROJECTS. Sa 2010 ang target playdate ng third installment ng A Very Special Love. Pero bago 'yan gawin ni Direk Cathy, may dalawang pelikula muna siyang tatapusin this year.

"Ang alam ko po, kinausap po ako ni Tita Malou na I'll be doing the Aga [Muhlach]-Angel [Locsin]. Wala pang title," sabi ng box-office director.

Kailan siya magsu-shoot?

"Mga April. Dito lang yun isu-shoot. Pang-dito lang ang beauty ko," ngiti ni Direk Cathy.

Excited si Direk Cathy na maidirek ulit si Angel Locsin. Una silang nagkatrabaho sa teleserye na Lobo. First time naman niyang ididirek si Aga Muhlach.

"Ang huli ko pong pagsasama kay Aga, yung Basta't Kasama Kita. AD [assistant director] po ako doon. First movie ni Direk Rory [Quintos], with Dayanara Torres. It was...mga 1995, 14 years ago."

Alam na ba ni Aga na siya ang susunod na director nito?

"I think so po. Pero mga three years ago nag-celebrate, si Tita Malou na um-attend kami pareho, sabi niya, 'O, kelan mo ako igagawa ng pelikula?' Sabi ko, 'Ayaw kitang katrabaho.' Sabi niya 'Bakit naman?' 'Natatakot ako sa 'yo, Morning.' Tapos sabi niya, 'Sus, hindi ako ganun, ganyan-ganyan.' Hanggang yun, totoo po yun. Ako po yung nanginginig. Siyempre po kasi, Aga Muhlach is Aga Muhlach, e. Totoo yun. Ang respeto ko sa kanya mataas talaga," lahad ni Direk Cathy.

Bago pa raw sana niyang gawin ang first movie niya sa Star Cinema na You Are the One, si Aga dapat ang bida sa first movie niya.

"I'm not naman... Hindi naman sa ayaw ko siyang idirek. I'd been wanting to direct him. Feeling ko po kasi, kulang pa ang knowledge ko at experience ko para sa isang Aga Muhlach."

Hindi kaya na-trauma talaga siya noon sa aktor na si Richard Gomez?

"Huwag na nating ibalik. Nasara na, e," iwas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabait bang katrabaho ba si Aga?

"Opo, alam ko po kung gaano siya kabait. Pero hindi lang naman si Aga ang parang ayaw ko munang idirek. Parang gano'n din ako katakot kung papalarin na makatrabaho ko sina Ms. Maricel Soriano, sina Ms. Sharon [Cuneta], si At Vi [Vilma Santos]. Parang ang feeling ko po, nanginginig po ako. Masyado ko pong tinitingala ang mga ito."

Sino sa kanila ang talagang pangarap niya na maidirek?

"Actually, wala po. Kasi nga po, wala akong balak makatrabaho ang mga sikat," sagot ni Direk Cathy.

Ano naman ang masasabi niya na gusto raw ni KC Concepcion na magpadirek sa kanya?

"Salamt naman po. Actually, nagulat ako nung makilala niya ako sa dubbing, e, sa post-prod kami. Nung una sabi ko, 'Naku, hindi ako kilala ni ano, KC.' Sabi ni Sarah, 'Direk, kilala ka niyan.' Tapos nung bumati siya kay Sarah, bumati siya sa akin. Sabi ko, 'Ay, kilala mo pala ako!'" natatawang kuwento niya.

Bukod sa Aga-Angel movie, si Direk Cathy rin ang balitang magdidirek ng first movie team-up nina Piolo Pascual at KC.

"Balita nga po," pagkumpirma ni Direk Cathy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN