Dingdong Dantes may invite Marian Rivera as he spends Holy Week in Batangas

by Nitz Miralles
Apr 5, 2009
"Wala pang sinasabi sa akin si Perry [Lansigan, his manager]. Pabagu-bago rin ang plano, kaya ayoko munang magsabi kung ano ang next project ko. Hindi rin ako nagtatanong para hindi ako ma-disappoint 'pag naiba ang project na ibibigay sa akin," replies Dingdong Dantes when asked about his next project after Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sinuwerte ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) noong binisita namin ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Friday afternoon, April 3, sa New Manila. Sina Marian Rivera, Carlene Aguilar at Angelu de Leon lang ang ini-expect naming ma-interview, pero dumating si Dingdong Dantes dahil may kukunan din palang eksena bago lumipat ang location sa Fairview.

Ang unang inalam ng PEP kay Dingdong ay kung saan siya magdaraos ng Holy Week.

"Sa house ng isang relative namin sa Lipa, Batangas kami pupunta. Malayo sa beach, pero may malaking swimming pool. Okey na yun."

Kasama ba niya si Marian sa Holy Week?

"Ang alam ko, uuwi siya sa Cavite," "sagot ni Dingdong. "Pero malapit lang naman ang Cavite sa Batangas, puwede ko siyang puntahan at isama sa Batangas. Gusto niyang makasama ang family niya. But if she has time at kung gusto niya, like what I've said, puwede ko siyang puntahan sa bahay nila sa Cavite at isama sa Batangas."

Continue reading below ↓

NEXT PROJECTS. Ilan linggo na lang sa ere ang series ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. May next project na ba siya sa GMA-7?

"Wala pang sinasabi sa akin si Perry [Lansigan, his manager]. Pabagu-bago rin ang plano, kaya ayoko munang magsabi kung ano ang next project ko. Hindi rin ako nagtatanong para hindi ako ma-disappoint 'pag naiba ang project na ibibigay sa akin," saad niya.

Pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, paghihiwalayin muna sila ni Marian sa next project nila. Kung bibigyan siya ng chance, anong project ang gusto niyang gawin?

"Hindi ko alam, ang GMA ang bahala doon. I don't know what's coming next," sagot ni Dingdong.

Paano kung telefantasya ang ibigay sa kanya?

"Okey lang. Maganda namang gumawa ng telefantasya ang GMA. Hindi rin ako mamimili ng leading lady, ang network din ang bahala doon."

Wala ring maibalitang movie project si Dingdong. Pero nabalitaan ng PEP na kukunin siya ng GMA Films para isama sa Ouija 2 with Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Iza Calzado, and Rhian Ramos. May big movie company rin na gusto siyang kunin for a big project na bawal pang sabihin.

Continue reading below ↓

"Mabuti pa ang PEP, may alam sa movie projects ko!" tawa ni Dingdong. "Pero wala pa talaga akong alam. Kung maganda naman, bakit hindi ko tatanggapin? As for Ouija 2, talaga, may ganung balita? Oo naman! Tatanggapin ko, with Judy Ann yun."

ZUMA REMAKE. Nasulat na gagawin diumano ni Dingdong ang remake ng Zuma. (Click here to read related story.)

Naalaala namin na nakita namin siya noon siya sa presscon ng One True Love—his movie with Marian—na may dalang CD ng Zuma. Nang usisain namin kung bakit may dala-dala siyang CD, ang sabi siya, ipinapanood sa kanya ni Briggs Yalung, anak ni Ben Yalung, director ng original movie at tila may balak silang i-remake nga ang movie.

Pero may nasulat din na magdedemanda ang writer ng Zuma na si Jim Hernandez kung hindi titigilan ang press release tungkol sa remake diumano nito. Nabanggit ang aktor na si Carlo Maceda na magpo-produce daw ng remake ng Zuma. Ibig sabihin, siya ang madedemanda.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga kay Briggs, huwag nang magdemanda dahil at the end of the day, sa kanila pa rin ang rights ng Zuma," sabi ni Dingdong.

Sakaling i-offer sa kanya ang remake ng Zuma, tatanggapin ba niya?

"Hindi ko pa masabi dahil unang-una, hindi pa ako nagpapakalbo at kailangang kalbo ang actor na gaganap na Zuma. Sa buong buhay ko, di pa ako nagpakalbo. Baka hindi bumagay sa hugis ng ulo ko. Iba't iba ang hugis ng ulo, pero tingnan natin," pasubali ni Dingdong.

OFF-CAM SWEETNESS. Hindi naman nakalampas sa paningin namin ang sweetness nina Dingdong at Marian habang naghihintay ng take. Kung makikita ng kanilang fans ang eksena ay tiyak na kikiligin din sila. Nakaupo sila sa isang mahabang couch, nakahiga ang aktor at nakaupo naman sa may paanan niya si Marian.

Nasilip din namin kung paano kalagkit ang kanilang titigan at kung paano hinahaplos ni Dingdong ang buhok ni Marian na puno ng pagmamahal. Si Marian naman ay nakasandal sa may paanan ng aktor at nakikinig sa ikinukuwento ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Tinanong din namin si Dingdong tungkol sa bugbugan nila ni Paolo Contis sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkasakitan ba sila ng totohanan?

"Oo naman, nasasaktan kami para totohanan ang labas," sagot niya. "Ang pangit kung fake ang mapapanood, kaya okey lang kung nasasaktan ako. Si Paolo lang ang gusto kong bumugbog sa akin. Best actor naman ang nananakit sa akin!"

Sa ganung eksena, parang hindi napagod si Marian sa tuluy-tuloy na eksena niya na ilang oras siyang paulit-ulit na pinaiyak ni Direk Joyce Bernal habang nakatali ang dalawang kamay sa itaas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala pang sinasabi sa akin si Perry [Lansigan, his manager]. Pabagu-bago rin ang plano, kaya ayoko munang magsabi kung ano ang next project ko. Hindi rin ako nagtatanong para hindi ako ma-disappoint 'pag naiba ang project na ibibigay sa akin," replies Dingdong Dantes when asked about his next project after Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results