Marian Rivera neither confirms nor denies playing Darna in GMA-7 fantaserye

Apr 5, 2009
"Pag wala akong trabaho kinabukasan tapos tutulog lang ako, parang sumasakit ang katawan ko at mas nanlalambot ako kaysa yung dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Parang nasanay na yung katawan ko sa sistema ng trabaho ko. Kaya trabaho muna nang trabaho. Buti na yun ganyan kaysa wala, di ba? At saka enjoy lang. Nag-e-enjoy ka na, nakakaipon ka pa, minamahal ka ng tao. So, ano pa ba ang hihilingin mo? So, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo. Hindi naman habang pa

Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.

Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?

"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.

"Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.

"Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e."

Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable?

"Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan."

Continue reading below ↓

REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito?

"Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun."

Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?

"Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres.

Continue reading below ↓

May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?

"May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.

"May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba?

Continue reading below ↓

"In fairness naman sa lahat ng nakakaeksena ko rito, alalayan naman talaga lahat kami. Pero kung kailangan talaga na pisikalan na at utos naman ng direktor, okay lang. Kaya after nun, 'Uy sorry ha, nasaktan ka ba?' Parang hangga't maaari ganun ka talaga ka-professional."

Ano na ang pinakamahirap sa lahat ng mga nagawa niyang eksena sa ABHSAT?

"Actually, halos lahat naman mahirap, e. Siguro ang pinaka-memorable lang yung pagsampal sa akin ni Ms. Carmi. Kasi parang ngayon na lang ulit ako nasampal ng ganun kalakas, e. Kasi yung dati ko, kay Mylene Dizon pa sa Dyesebel. Tapos sa Marimar, yung kay Katrina [Halili], marami naman dun daya, e, aktingan na lang kami dun. Sapawan na lang talaga. Kahit sa Dyesebel, alalayan lang talaga.

"Pero yung kay Ms. Carmi talaga, pak! Talagang yung boses ko na nanginginig habang naglilinya ako, totoo yun. Ngayon lang kasi ako ulit nasaktan ng ganun. Pero in fairness naman kay Ms. Carmi, lumapit naman siya at nag-sorry. Sabi ko, 'Wala po yun, okay lang po.'"

Continue reading below ↓

NEXT TELESERYE. Hindi na ba siya babalik sa mga pampamilyang teleserye na maluwag na makakapanood muli ang mga batang fans niya?

"Darating din naman tayo sa point na iyan, e. Nag-Marimar ako, tanga-tangahan tapos lumaban. Nag-Dyesebel ako, may buntot ako. Ngayon, mature naman tungkol sa love. Next soap ko, pambata na ulit," masayang balita ni Marian.

So, makakaasa ang mga batang fans niya na mapapanood siya ulit sa isang pampamilyang teleserye?

"Oo, at talagang pambata talaga siya," paniniguro niya.

Sino naman ang makaka-partner niya rito? Si Dingdong pa rin ba?

"Hindi ko pa po alam kung ano ang balak ng GMA dun sa next soap ko. Pero sinabi na sa akin ni Popoy [Caritativo, Marian's manager] na nag-usap na sila ng management. Ganito yung next project ko. Kung kakayanin ko ba daw? Kasi pagsama-samahin mo lahat ng soap opera ko, isa lang ang katumbas nito. Ganun kahirap yung next project ko, e."

Continue reading below ↓

THE NEXT DARNA? Nang humingi ng clue ang PEP kay Marian tungkol sa next soap niya, tumangging magbigay ng detalye si Marian.

"Ay, ayoko, basta."

Hindi kaya ito ang matagal nang naka-lineup sa GMA na telefantasyang Captain Barbell Meets Darna?

"Basta, basta," sabi ni Marian na hindi talaga mapilit ng PEP na mag-reveal ng anything about sa next soap niya.

Pero kung sakaling i-offer sa kanya ang role na Darna, tatanggapin ba niya?

"Ay, opo naman! At saka napakagandang project po nun."

Kung matuloy ngang siya ang susunod na Darna, ready na ba siyang mai-compare ulit kay Angel Locsin na nauna nang gumanap na Darna?

"Actually, hindi lang sa kanya. Lahat naman ng artista kinu-compare sa bawat artista, so given na yun. Kasi pag mag-isa ka lang diyan at walang ikinu-compare sa iyo, parang wala lang. Hindi naman sa kumpetisyon ito, e, pero parte na kasi ng pagiging artista, yung sasabihan ng, 'Ay, mas maganda si ganito, ay mas magaling si ganyan.' Ganun talaga, e. At saka kailangang tanggapin natin na ganun talaga ang mga Pinoy, e. Hindi puwede yung siya lang, mako-compare at mako-compare ka talaga sa iba."

Continue reading below ↓

NEXT MOVIE. Sa movies, ano ang aabangan sa kanya ng mga fans niya?

"Ang movies kasi nag-usap na kami ni Popoy. Alam ko talaga na may gagawin ako sa Regal Films, ang dami kong gagawin sa kanila. Pero ang dami ko pang kailangan asikasuhin din. At dun sa susunod kong soap, kailangan paghandaan ko rin kasi. Hindi kasi bara-bara lang yun, e. Kailangan talaga preparado ako."

Ayon kay Marian, sa mga pelikulang naka-lineup niyang gawin, sigurado raw na gagawin niya ang Nieves, na entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival sa December. Originally, isa ito sa tatlong istorya sa Shake Rattle & Roll 10 sa 2008 MMFF, kung saan gumanap si Marian bilang babaeng kalaban ng mga engkanto. At ngayon nga ay gagawin na itong full-length film. Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil solo movie na niya ito?

"Ay, oo naman!" sagot niya. "Sabi ko nga, binigyan n'yo ako ng malaking kargo. Postive naman ako na kakayanin ko ito. At in fairness naman sa Nieves, mismong ako, e, natatawa ako. Sabi nga ni Popoy, 'Hoy, Yan, huwag kang tawa nang tawa, baka sabihin trying hard ka.' E, minsan kasi natatawa talaga ako. Enjoy kasi ako nung ginawa ko yung Nieves, e. Basta ganung klase ng movie ine-enjoy ko talaga, e."

Continue reading below ↓

Isa pang naka-lineup na gawin ni Marian ay ang pelikula niya with Vhong Navarro, under Regal pa rin. Pero wala pa raw schedule ng shooting ito.

NEXT ENDORSEMENTS. Kahit ang daming dumating na intriga sa kanya, hindi pa rin iyon nakabawas sa kasikatan ni Marian. Patunay lang nito ay ang patuloy na pagdating ng mga endorsement at iba't ibang projects.

"So far, wala nang masyadong intriga. Yung endorsements, oo may mga dumadating pa. Actually, itong April may dalawang lalabas."

Saan naman niya dinadala ang kanyang mga kinikita?

"Na-realize ko po ngayon na mas magandang i-time deposit yung pera ko kasi nga may interes at malaki din po ang interes lalo na kapag malaki ang dineposito mo."

Sa dami ng ginagawa ni Marian, may time pa ba siyang magpahinga?

"Konti. Kaya lang pag wala akong trabaho kinabukasan tapos tutulog lang ako, parang sumasakit ang katawan ko at mas nanlalambot ako kaysa yung dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Parang nasanay na yung katawan ko sa sistema ng trabaho ko. Kaya trabaho muna nang trabaho. Buti na yun ganyan kaysa wala, di ba? At saka enjoy lang. Nag-e-enjoy ka na, nakakaipon ka pa, minamahal ka ng tao. So, ano pa ba ang hihilingin mo? So, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo. Hindi naman habang panahon, e, bata ako."

Continue reading below ↓

DINGDONG DANTES. Sa dami ng mga pinagdaanan nila, gaano ka-special na si Dingdong sa puso niya?

"Sabihin na lang natin na malungkot ako kapag wala siya. At kapag nakikita ko siya, masaya ako," maikli pero makahulugang wika ni Marian.

Kaya niya bang gawin yung ginagawa ni Proserfina (pangalan ng karakter ni Marian sa ABHSAT) na pinaglalaban niya ang mahal niya?

"Pag mahal ko ang isang tao, at alam kong wala akong tinatapakang ibang tao, ay gagawin ko rin po iyon."

So, posibleng gawin niya iyon kay Dingdong?

"If ever, parang wala naman akong kaagaw kay Dingdong. So, parang wala namang dapat ipaglaban."

May pinag-awayan na ba sila ni Dingdong?

"Wala naman. Tipong asaran lang pero one minute tapos na."

Ano ang plano niya sa Holy Week?

"Sa Cavite po, sa bahay lang po. Kahit noong araw po, sa bahay lang po kami."

Sabi ni Dingdong, kung wala naman daw siyang sariling plano sa Holy Week, pupuntahan na lang daw niya si Marian sa bahay nila sa Cavite.

Continue reading below ↓

"Sabi naman din niya sa akin pupunta daw talaga siya. Sabi ko, sige."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pag wala akong trabaho kinabukasan tapos tutulog lang ako, parang sumasakit ang katawan ko at mas nanlalambot ako kaysa yung dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Parang nasanay na yung katawan ko sa sistema ng trabaho ko. Kaya trabaho muna nang trabaho. Buti na yun ganyan kaysa wala, di ba? At saka enjoy lang. Nag-e-enjoy ka na, nakakaipon ka pa, minamahal ka ng tao. So, ano pa ba ang hihilingin mo? So, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo. Hindi naman habang pa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results