Melissa Ricks on Matt Evans and Jake Cuenca: "Labanan ng pogi points..."

by Glen Sibonga
Apr 8, 2009
Melissa Ricks admits that she and Jake Cuenca are already friends; but indirectly, she also said that Matt Evans is still the guy closest to her heart.

Umaarangkada talaga ang career ngayon si Melissa Ricks dahil sa sunud-sunod niyang projects sa ABS-CBN.

Hindi pa man natatapos sa ere ang Your Song Presents Underage, na pinagbibidahan niya along with Empress Schuck at Lauren Young ay may kasunod na agad ito, ang Kambal sa Uma, kung saan makakasama naman niya bilang bida si Shaina Magdayao.

Starting April 20, mapapanood na sa Hapontastic block ng ABS-CBN ang bagong program na idinirek nina Manny Palo at Rechie del Carmen. Bukod kina Melissa at Shaina, kabilang din sa cast ang original na gumanap sa movie version ng Kambal sa Uma na si Rio Locsin, with Gina Alajar, Lotlot de Leon, Matt Evans, Jason Abalos, Nonie Buencamino, Allan Paule, Eva Darren, Jay-R Siaboc, Jordan Herrera, Aldred Gatchalian, at Carlo Guevara.

COLORFUL CAREER. Thankful nga si Melissa sa magandang takbo ng kanyang career.

"Actually, nung second to the last taping ng Underage, sinabi nga sa akin na meron akong Kambal sa Uma. Sabi ko, 'ano?' Sobrang kinabahan ako pero masaya ako dahil ang direktor namin ay si Direk Manny Palo na naging direktor ko na sa Your Song, sa Iisa Pa Lamang, 'tapos hanggang dito sa Kambal sa Uma.

Continue reading below ↓

"So, parang gamay na kami. Alam na niya kung paano kami i-handle," bulalas ni Melissa nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) kahapon, April 7, sa pocket presscon ng Kambal sa Uma na ginanap sa Proud Mary Diner sa Tomas Morato extension, Quezon City .

Aminado si Melissa na nagbunga rin ang kanyang paghihintay at pagsisikap. After kasi ng pinanggalingan niyang artista search na Star Circle Quest ay hindi siya masyadong nabigyan ng projects noon.

Aniya, "Kasi noon nga, ako yung hindi nabibigyan masyado ng projects. Ako yung hindi napapansin. Sabi ko sa sarili ko, isang araw papalakpakan din ako ng mga tao. Gagalingan ko talaga at ipapakita ko sa kanila na kaya ko. It's better na slowly but surely, di ba? And sobrang thankful ako na ang daming ibinibigay sa aking projects ng ABS-CBN. So, I don't want to let them down naman."

Sa kabila ng sunud-sunod niyang projects ay nananatiling humble ang young actress.

Continue reading below ↓

"Kasi my parents...ang mommy ko ang nagsasabi na 'pag lumaki ang ulo mo, sasabunutan kita," ang kuwento ni Melissa. "And my friends, they keep me grounded. Kung wala sila, siguro kung ano na ang nangyari sa akin. Kasi wala namang point kung magbabago ako e. Hindi ko nakikita yung point kung yayabang ka, kung lalaki ang ulo mo."

Given na sa bawat artistang sumisikat ang magkaroon ng mga detractors. Sa kaso ni Melissa, may mga kumukuwestiyon sa break na ibinigay sa kanya ng Channel 2 kahit hindi raw ito kabilib-bilib umarte. Ano ang masasabi niya rito?

"Siguro naman hindi lahat ng tao mapi-please ko, e, pero as long as I do my job... I do it good and well, happy na ako," paniniguro niya.

COLORFUL LOVELIFE. Samantala, bukod sa panalong career, panalo rin si Melissa pagdating sa usaping-puso dahil hindi lang isa kundi dalawang guwapong lalaki ang nabibighani sa kanya ngayon, sina Jake Cuenca at Matt Evans.

Continue reading below ↓

Si Matt Evans ang ka-loveteam ni Melissa maging sa Kambal sa Uma, pero napabalita nga kamakailan na tila naunahan na ni Jake si Matt sa panliligaw sa dalaga.

Nanliligaw na ba talaga si Jake?

Ang sagot ng 19-year-old star, "Hindi ko alam kasi yun nga, like I said before, sa ASAP lang kami nagkakasama. Minsan text-text lang kami. Minsan tumatawag siya sa akin. Pero other than that, we're just becoming to be real good friends. Mas nade-develop yung friendship namin."

Masasabi ba niyang close na sila ngayon ni Jake?

"Oo naman, kasi I'm having a hard time letting people in. Once I let you in, gusto ko yung friend ko will always be my friend. Takot akong mawala siya."

Ang closeness ba nila ay maaring maging higit pa sa magkaibigan?

"Ay, hindi ko pa masasagot iyan," ang maagap niyang sagot.

Pero as manliligaw, inamin niyang "panalo" ang Tayong Dalawa actor.

Continue reading below ↓

Kung panalo si Jake, paano na si Matt?

"Hindi naman siya naliligaw sa akin, e," ang mabilis na sagot ng dalaga.

Pero special pa rin ba sa iyo si Matt?

"Oo naman. E, kasi di ba halos araw-araw kaming magkasama. Three years ko na siyang kasama. Para ko na siyang best friend."

Natotorpe kaya sa iyo si Matt?

"Hindi naman siguro torpe. Baka nahihiya lang siya sa akin. Ewan ko."

Paniguro lang ng PEP: Hindi ba talaga nanliligaw sa iyo si Matt?

"Actually, hndi namin napag-uusapan yan. Hindi ko rin naman kasi tinatanong."

Back to Jake, have they gone out on a date?

"No, kasi nga hindi ako pinapayagan, e."

How about si Matt, nakalabas na ba kayo?

"Si Matt kasi hindi naman siya nagyayaya."

Pero kung yayayain siya ni Matt, papayag daw siya.

Isa raw sa reasons ni Matt kaya hindi niya itinuloy ang panliligaw ay dahil baka masira daw ang love team niyo. Do you agree with him?

Continue reading below ↓

Tila hindi yata agree si Melissa sa sinabi ng kapareha, "Kasi kami naman ni Matt lagi kaming nag-aasaran, pero nagkakabati rin. So, pag naging kami, ganun pa rin. Parang ngayon, kami pero hindi kami."

Mutual understanding na ba ito?

"Basta may understanding po kami," ang matipid niyang sagot.

Ano ang comment mo sa sinabi ni Matt sa isang Sunday talk show na sana in the end, kayo pa rin ang magkatuluyan?

"Kung yun ang sinabi niya, desisyon niya iyon, di ba? Kung in the end gusto niya kaming magkatuluyan, dapat siya ang gumawa ng paraan. Hindi ako ang manliligaw sa kanya. Dalagang Filipina ako," ani Melissa.

Yung parents mo ba ay close kay Matt?

"Yung parents ko very close sila kay Matt. Yun nga pumapayag nga sila na mag-kissing scene, basta si Matt."

How about si Jake, nakilala na ba niya ang parents mo? Ano ang reaksyon nila?

"Nakilala na niya ang Mommy ko. Sabi ng Mommy ko, okay naman si Jake. Yung Daddy ko kasi laging nasa work. So, hindi pa sila nagmi-meet. Pero sa TV nakikita niya."

Continue reading below ↓

Gaano katagal mo paghihintayin si Jake?

"Diskarte niya yun. Hindi ko alam."

Kaya ba ayaw mo pang sagutin si Jake ay dahil kay Matt?

"Hmmm..." at ngumiti na lang si Melissa.

So, either ba kina Jake or Matt ang puwedeng maging first boyfriend mo?

"Labanan ng pogi points 'yan," ang biro niya.

Kung iko-compare mo sina Jake at Matt, sino ang mas lamang sa puso mo?

"Si Jake kasi new friend ko. Si Matt naman, nauna ko na siyang naging kaibigan. Yun nga pag wala siya, hinahanap ko siya. Nagbibiruan nga kami na package deal kami kasi nga mag-loveteam kami. Kami ang laging magkasama. Kami ang laging magkausap. Pag may problem ako, siya ang nakakaalam. Pag umiiyak ako, siya ang nagpapatahan. Pag may nang-aaway sa akin, ipinagtatanggol niya ako."

Sa tono ng pananalita ni Melissa parang mas pinapaboran niya si Matt over Jake. Ibig bang sabihin nito ay malabo mong sagutin si Jake?

Continue reading below ↓

"Hindi ko naman sinasabing hindi ko siya sasagutin."

Paano kung mapagod na sa kakahintay si Jake?

"E, ano ang ibig sabihin nun? Ibig sabihin, hindi niya talaga ako mahal. Dapat patunayan niya, di ba?"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks admits that she and Jake Cuenca are already friends; but indirectly, she also said that Matt Evans is still the guy closest to her heart.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results