Apr 15, 2009
"If ever na may offer at siya talaga yung gaganap na Darna, bakit naman hindi? Isang malaking karangalan yun. Pero sa ngayon, as I've said, wala pa rin akong alam. Yung mga nakakarating sa akin, mga sabi-sabi pa lang din, na siya nga raw ang gaganap na Darna. Wala pang formal offer talaga," says Popoy Caritativo, the talent manager of Marian Rivera (in photo), about reports that the actress will play the role of Darna.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo kaninang hapon, April 15. Ayon sa kanya, wala pa raw siyang masyadong maibibigay na update sa mga bagong proyekto ng alaga niya. Pagkatapos daw kasi ng Holy Week vacation ay hindi pa raw siya nakakapag-set ng meeting with GMA-7.

In fact, kasalukuyang nasa hospital si Popoy nang makausap namin siya over the telephone dahil sa kanyang ama na may sakit.

Pero ayon kay Popoy, may naka-lineup naman na mga bagong projects for Marian sa Kapuso network. Yun nga lang, wala pa silang final na usapan kung ano ang unang gagawin ni Marian.

Sinegundahan din niya ang naging pahayag ni Marian nang makausap ito ng entertainment press na ang susunod niyang primetime series ay pambata naman.

Ayon kay Popoy, "Yes, pambata nga ulit. Kasi, yun ang sinabi sa amin noong last meeting na balik-pambata nga raw si Marian. Doon yata siya gusto. That's the reason also kung bakit kapag tinatanong siya ng press, yun ang sinasagot niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkaganunman, wala pa raw eksaktong ideya si Popoy kung ano ang bagong serye na ito na posibleng magustuhan ng mga bata. Sa ngayon, napag-uusapan na si Marian na nga at wala nang iba ang napipisil ng GMA-7 para gumanap na Darna.

Kung totoo raw na si Marian ang gaganap na Darna, walang nakikitang dahilan si Popoy para hindi sila maging masaya at tanggapin kung may offer man.

"If ever na may offer at siya talaga yung gaganap na Darna, bakit naman hindi?" sabi niya. "Isang malaking karangalan yun. Pero sa ngayon, as I've said, wala pa rin akong alam. Yung mga nakakarating sa akin, mga sabi-sabi pa lang din, na siya nga raw ang gaganap na Darna. Wala pang formal offer talaga."

'Pag nagkataon, si Marian pa lang ang susunod sa yapak ni Ms. Vilma Santos, na bukod-tanging aktres sa industriya na nakaganap sa dalawang sikat na komiks characters—Darna at Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posible na by next week daw ay makapag-meeting na si Popoy kung ano na ang susunod na gagawin ni Marian among the projects na naka-lineup sa kanya. Tamang-tama rin naman dahil sa April 22 na ang last taping day ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nila ni Dingdong Dantes. Pero until first week of May pa ito mapapanood sa ere.

Ayaw nang sagutin pa ng manager ni Marian ang mga bagong isyu na gustong ibato ng ilan tungkol sa kanyang alaga. Nagugulat na lang din daw siya tulad ng kesyo may nakakita raw rito sa isang cosmetic shop na sinasabing nagtaray raw ito. Yung isa naman, sa isang restaurant sa Quezon City daw at, tulad ng una, nagtaray na naman daw si Marian dito.

Ayon kay Popoy, halos puro taping at ibang commitments nito ang inaatupag ni Marian. Yung mga nabanggit pa lang daw na lugar ay hindi halos nito napupuntahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Feeling ni Popoy, paulit-ulit na lang din ang mga isyung gustong ibato kay Marian kahit hindi naman daw talaga nangyari. Pagdating naman daw kasi sa trabaho ay walang masasabi sa working attitude ng aktres.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"If ever na may offer at siya talaga yung gaganap na Darna, bakit naman hindi? Isang malaking karangalan yun. Pero sa ngayon, as I've said, wala pa rin akong alam. Yung mga nakakarating sa akin, mga sabi-sabi pa lang din, na siya nga raw ang gaganap na Darna. Wala pang formal offer talaga," says Popoy Caritativo, the talent manager of Marian Rivera (in photo), about reports that the actress will play the role of Darna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results