JC de Vera accuses GMA-7 executive Wilma Galvante of "verbal harassment"

IMAGE 0


"Since malaki naman ang tiwala ko sa mga tao na tumutulong sa akin, so tingin ko, lalabas din naman yung totoo. Siyempre, hinarap ko na. Nagsalita na ako. Na-provoke na ako, so paninindigan ko na ito. Dito na ako," says JC de Vera about standing by his manager Annabelle Rama in her fight with GMA-7 executive Wilma Galvante.


Nagsadya kahapon, April 15, bandang 3:30 p.m., ang young actor na si JC de Vera sa opisina ni Quezon City Prosecutor Baltazar Morales sa QC Regional Trial Court (RTC). Ito ay para manumpa at pirmahan ang kanyang supporting affidavit para sa grave slander case na isinampa rin kahapon ng manager niya na si Annabelle Rama laban sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante.

Ang naturang grave slander case ang sagot ni Annabelle sa damage suit na isinampa ni Ms. Galvante laban sa kanya noong March 17 sa Quezon City Regional Trial Court. (Click here to read related story.)

Sa kanyang three-page supporting affidavit, muling ikinuwento ni JC ang bersiyon niya sa mga pangyayari sa story conference ng Obra (na naging SRO Cinemaserye) noong February 16 sa 17th floor ng GMA Network Building. (Click here to read related story.)

Bukod dito, inilahad din ni JC sa kanyang supporting affidavit ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, when Galvante talked to me about my GMA contract, she told me that my manager and I had no right to refuse a role given to me by GMA and if I did so, I would be sued. Galvante left me with the impression that because of the unreasonable acts of my manager Annabelle, I could get sued by the network.

"I had no reason to doubt the words of Galvante, since she is the head of the Entertainment Division. If she said I could get sued because of acts of my manager, and that I could not refuse a role assigned to me, I had to believe she was telling the truth.

"Annabelle was not present when I had these conversations with Redgie Magno and Galvante. Nor did Galvante ask me if I wanted my manager Annabelle to be present during our conversation, where we discussed business matters. This was unusual since in all dealings with GMA involving contracts and business, the network authorities speak to my manager Annabelle who handles all negotiations and business concerns on my behalf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After my conversation with Galvante, I was able to talk to my manager Annabelle, and she explained to me that there was a legitimate reason for refusing the role. I was not being given the role that was promised which was the lead actor of the show Obra. Annabelle also explained to me that Galvante's interpretation of the GMA contract was not correct.

"After my conversation with Annabelle, I realized that there were good reasons for pulling me out of the Obra project. I firmly believe that Annabelle was acting in my best interest, because it was her understanding—as it was mine—that I would be the lead actor of the show, and that did not happen."

FULL SUPPORT. Pagkatapos sumpaan ni JC ang kanyang supporting affidavit, nagpaunlak siya na magpainterbyu sa mga miyembro ng media, na naghintay sa kanyang pagdating.

Sa nabanggit na interview, ipinahayag ni JC ang full support niya sa laban ng kanyang manager sa lady executive ng GMA. Sinabi rin niya na nakaranas siya ng "harassment" nang ipasok siya sa loob ng opisina ni Ms. Galvante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Obviously, nasa side talaga ako ni Tita Annabelle. Masyadong ang tingin ko, naagrabyado ako. Tingin ko, kailangang sabihin ko ang totoo.

"Well, siyempre, verbal, verbal harassment... Actually, marami. Maraming nasabi. Alam ko, inilabas naman sa 'Net yung affidavit ko, so lahat nandoon na," pahayag ni JC.

Ipinaliwanag din ni JC ang tungkol sa kanyang pag-iyak.

"Hindi ko alam kung bakit pinu-push nang ipinu-push nila ang isyu na umiyak ako. Hindi ko alam kung ano ang ipinu-point out nila doon. Basta ako, siyempre, may emotional high ako noon. So, aaminin ko, umiyak ako noon. Napaiyak ako, sobrang confused.

"Pero noong time na pumasok na ako sa room ni Ma'am Wilma, kalmado na ako. Parang pumasok ako doon, ayokong makinig na kahit kanino. Hindi ko napakinggan lahat ng mga nasabi ni Ma'am Wilma, pero kalmado ako noon," giit niya.

Patuloy ni JC, "Tingin ko, mas okey na rin yung lumabas yung totoo. Willing ako na tulungan si Tita [Annabelle] dahil hindi lang naman siya yung naagrabyado, pati rin naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-force akong... kasi ... hindi na ako nagsalita. Hindi na ako nagpa-interview noong una dahil ayokong makasagasa ng mga tao. Iningatan ko yung pangalan nila. Ayokong magkaroon kami ng isyu ni Tita Annabelle, saka ni Ma'am Wilma kaya hindi ako nagpa-interview. Pero hindi ko alam kung bakit sila [Wilma's camp] pa yung unang naglabas ng mga issues."

Hindi ba siya nangangamba na sa ginawa niyang ito ay maapektuhan ang kanyang career?

"May trust ako sa mga taong nasa paligid ko," sabi ni JC. "Pero unang-una, siyempre, natakot ako kasi ano ito, yung nagsalita na sa akin, head na ito. Head na ito ng GMA, so kinabahan talaga ako doon. Na-threaten ako doon.

"Pero since malaki naman ang tiwala ko sa mga tao na tumutulong sa akin, so tingin ko, lalabas din naman yung totoo. Siyempre, hinarap ko na. Nagsalita na ako. Na-provoke na ako, so paninindigan ko na ito. Dito na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano bang ilipat na siya nang tuluyan ni Annabelle sa ABS-CBN?

"Ngayon, wala pa. Wala pa kaming pinag-uusapan ni Tita after nung incident ng away nila ni Ma'am Wilma. Pero meron pa kasi akong isang gagawin na show na pang-hapon with Heart [Evangelista], kaya hindi ko pa alam," saad niya.

Tinanong din si JC tungkol sa kanyang naging shout out sa kanyang Facebook account na "Drinking." Ano ang ibig sabihin niya rito?

"Wala akong work, e. Wala akong ginagawa, e. Nag-e-enjoy lang muna ako sa buhay ko ngayon. Nakikita ko lahat ng mga tao na hindi ko nakikita before.

"Para sa akin, yung Facebook na 'yon, parang sa amin lang 'yon. Kung ano man ang isulat namin doon, sa amin na lang 'yon," sabi ni JC.

Nagpasalamat naman si JC sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

"Nang lumabas yung problema, lumabas din yung mga taong tumulong sa akin; lalong-lalo na ang family ko, sina Tita Annabelle, buong Royale Era Family, and yung ibang boss din ng GMA tumulong din. Hindi ko talaga naramdaman yung problema. Naramdaman ko, maraming gustong tumulong sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga aral na natutunan niya sa mga kaganapang ito?

"Nagkaroon ako ng ... Yun nga, dahil sa sobrang confused ko, nagkaroon ng konting doubts sa mga tumutulong sa akin. Yun talaga ang natutunan ko, itong mga taong ito, lalung-lalo na si Tita Annabelle. Alam ko na hindi niya ako iiwan, hindi niya ako pababayaan. Kaya natuto akong magtiwala sa lahat ng handang tumulong sa akin, lalong-lalo na rin yung family ko."

Idinagdag ni JC na kung sakaling ipatawag at kausapin siya ni Ms. Galvante, handa siyang humarap dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN