Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

IMAGE 0


"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card... Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.


Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES.Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun. Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo. So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

Pia: Do you have a message sa other side naman, sa PEP?

Annette: "Sa PEP, ang sinasabi kasi nila, may point din sila. So, I guess, ilabas na lang din nila ang sinasabi nila. Para lahat naman ng tao na sumusubaybay sa isyu na ito, malalaman talaga kung ano ang totoo.

"But since showbiz is really small. It's just a very small community na parang lahat ng mga tao naman dito magkakaibigan, I really hope na maayos din ito even before na humantong sa kung ano pa ang mas malala. Because I think, lahat naman, PEP and sila Richard, are very sensible people. And lahat naman madadaan sa... Basta lumabas lang sa tamang pag-uusap, puwede rin naman maayos yun. But I guess, it's up to them what their next move will be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNABELLE STRIKES BACK. Pagkatapos ng gap, live nang nakausap ni Pia ang ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama.

"Maraming salamat, Pia. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nanonood sa akin ngayon, mga fans ko, mga nanay. Lahat ng mga fans ni Richard, Zorro! Marami akong baon [na fans], Pia, nakita mo naman 'yan," bungad ni Annabelle.

Tinanong ni Pia si Annabelle tungkol sa suportang ibinibigay ng pamilya Gutierrez sa pinagdadaanan ngayon ni Richard.

"Alam mo, wala kaming problema, e," sabi ni Annabelle. "Kasi alam mo, ako na mismo ang nagpa-fight sa mga ganyang problema. Si Richard, paalis na papuntang Bataan ngayon kasi may taping sila hanggang Friday... Actually si Richard, doon na mismo nakatira sa Bataan. Nung umuwi siya minsan dito, um-attend lang sa party ng direktor, naano pa siya ng kuwentong hindi maganda."

Si Annabelle na mismo ang nag-initiate ng gusto niyang tumbuking isyu sa pag-upo niya bilang guest sa Showbiz Central.

Aniya, "Alam mo, Pia, meron akong ika-clarify muna... Itong gulo ng mga Gutierrez, nangyari sa amin dito, ika-clarify ko lang muna, okay? Never kaming nag-start ng gulo, lalo na ako, never akong nang-away. Never.

"Start ko nga itong sa PEP, okay? Galing sa party si Richard, umuwi siya sa Dasma sa bahay namin sa Makati, kasama yung mga grupo, ang saya-saya nila dun, walang problema.

"The next day, tumawag sa akin ang fans ni Richard at si Jun Lalin na meron daw nakalagay sa PEP. Una, si Richard ang inaaway ko. Nagulat siya, inaaway ko siya, bakit ganoon? Sabi ko, 'Tingnan mo muna sa PEP, ganyan-ganyan.' Nag-react si Richard, doon ako nagalit na hindi pala totoo.

"Ang ayaw ko lang, Pia, ang pinag-uusapan dito, ang PEP, ang isyu ng PEP. Yung lawyer [ng PEP] kahapon, nakita ko sa Startalk. Hindi ko alam kung bakit siya ngawa nang ngawa, galit na galit siya. Akala mo siya ang may-ari naman ng PEP...wala siyang karapatan, Pia! Lawyer siya, dapat siya relax lang, di ba? Lumalabas ang litid niya, nanlilisik ang mga mata niya, sa pagtatanggol niya. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, Attorney, hindi ka naman siguro magaling na lawyer! Magaling pa ako sa 'yo! Ang ano mo lang sa akin... Ang naiba lang sa akin at saka ikaw, ikaw may license ka, ako wala. Pero Pia, sa explanation niya kahapon, ang pinag-uusapan, PEP, okay? Ang pinag-uusapan dun, ang PEP, naglabas ng maling istorya.

"Ang pinag-uusapan namin ni Jo-Ann, sabi sa akin ni Jo-Ann, 'Annabelle, ano ba ang gagawin ko para hindi ka magdemanda?' Sabi ko, 'Simple lang, i-retract mo lang na wala talagang gulong nangyari.' Kasi yung istoryang lumabas sa PEP, imbento. Imbento, as in imbento.

"Ngayon si Jo-Ann, naglabas naman siya ng sorry, nakadiin pa kay Richard. Kasi, ayaw niyang aminin. Kasi si Jo-Ann, dati 'yan, idol ko 'yan dahil magaling mag-English, soft-spoken... Pero, naging sinungaling siya kasi gusto niyang pagtakpan yung PEP. Ayaw niyang aminin talaga nagkamali yung writer niya. Puwede namang magsabi ng sorry, nagkamali ang writer, ayaw niyang aminin.

"Itong lawyer kahapon, iniba naman niya yung isyu. Dinala niya dun sa mga mga magazine, mga ano, bawal yung... Kulang na lang sabihin niya i-boycott si Richard. 'Day, sorry, hindi mo kayang i-boycott ang anak ko. Kasi ang anak ko, mabait, masipag na anak, masunurin. At alam mo si Richard, napakabait na bata. Pia, kilala mo naman 'yan.

"At Attorney, alam mo, 'yang mga anak ko, hindi namin pinapalaki ni Eddie maging basagulero, mahilig sa gulo. Ang mga anak ko, disente 'yan sila, Pia. Hindi nag-uumpisa ng gulo 'yan. Kaya sorry, Attorney, yung mga sinasabi mo kahapon na... Kailangang sagutin ko ang sinabi niya kahapon na bawal na tumuntong si Richard sa Robinson's Galleria...

"Attorney, hindi mo kailangang pagbawalan si Richard na pumunta sa mall n'yo. Unang-una, ang mga fans ni Richard, pumupunta lang sa lahat ng SM mall, kaya doon kami nagsu-show sa SM malls. Yung Robinson, hindi ako papayag magsu-show ang mga alaga ko diyan, di ba? Wala naman kasing tao. Unang-una, wala naman kasing tao, napakainit pa. I'm sorry... I'm just telling the truth, okay? Napakainit pa!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sasabihin sana si Pia, pero tuluy-tuloy pa rin sa pagsasalita si Annabelle.

"Teka muna, Pia, isa pang isyu ko, okay? Mali yata ang pagkabasa ng lawyer nila yung sulat ng attorney ko. Mamaya, baon ko yung attorney ko para i-explain sa kanya. Siguro, bagong lawyer ka lang, 'Day, wala kang alam, okay?

"Yung sinabi mong isyu, hanggang ba naman sa YES! magazine, hanggang sa magazine na... Walang kinalaman sa isyu yun, bakit mo inilihis ang isyu dun, okay?

"Eto na, bawal kami sa YES!. Unang-una, 'Day, never akong nagmakaawa sa lahat ng magazine na i-feature ang mga anak ko. Kayo ang tawag nang tawag sa amin. Yung writer ng YES!, yung writer ng mga magazine, tawag nang tawag sa akin, kumukuha ng schedules ng mga alaga ko, sa mga anak ko

"Lately lang, last month lang, yung writer na si Anna Pingol, ang kulit-kulit! Gustong i-feature ang mga toys ni Richard, hindi ko nabigyan ng schedule dahil sobrang busy ni Richard, okay?

"Ngayon, kung ayaw n'yo kaming i-feature sa YES! magazine, okey na rin. Kasi dati, fan ako ng YES! magazine, ako ang unang bumibili. Pero right now, sa sarili ko lang opinion, Pia, hindi na siya credible. Bakit? Huwag n'yo na akong i-publicize diyan na kasinungalingan, 'Day, 'no? Nagbigay lang ako, Jo-Ann, sa 'yo ng isang robe noong Pasko, bigyan mo ako kaagad ng Most Influential?

"Ano ba ang ginawa ko sa buhay ko? Hindi naman ako graduate ng college. High school graduate lang ako. Hindi ba nakakahiya yun, ilalagay mo ko dun? Tinalo ko pa sila Lucio Tan, sila Ben Chan, at kung sinu-sino!

"Ilagay mo diyan, Sharon Cuneta, Korina [Sanchez], Mel Tiangco, Dolphy... Yung talagang merong nagawa na sa industriya. Ako, wala akong nagawa, 'Day, wala akong award. Yun nga, e, isang pelikula lang ako. Yung Monster Mom, yun lang ang nagawa ko. Bakit ako inilagay diyan? Alam mo, isasauli ko 'yang award na 'yan kasi ayoko... Hindi ko pa natatanggap, pero ayaw ko. I-retract n'yo yun, ayaw kong maging most influential person sa showbiz. Hindi ako gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Ang tinutukoy ni Annabelle na "Most Influential" ay ang listahan ng YES! ng "The 50 Most Powerful In Showbiz" ng YES!na lumabas sa April 2009 issue nito, kung saan pumuwesto siya sa No. 13 sa hanay ng mga executives—TV executives, talent managers, advertisers, writers, among others.)

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, Pia, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card... Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard.

"Hindi mo kayang pabagsakin ang anak ko dahil 'pag ang tao mabait at walang ginawang masama, hindi puwedeng bagsakin. Gusto mong i-boycott? Kayo ang i-boycott! Dapat i-ban mo 'yang PEP na 'yan. Kasi walang ginawa, nakakasira kayo sa industriya.

"Kaya itong movie industry, minsan nahihirapang umangat kasisira nila, sira sila nang sira. Hindi nakakatulong sa ating movie industry 'yan. Dapat kayong i-ban at hindi anak ko. Yun lang ang masasabi ko, Attorney.

"At saka, Attorney, dahan-dahan ka magsalita. Gusto mo yatang mag-artista! Ako, hindi kita ima-manage. Hindi kita ima-manage, Attorney. Gusto mo lagi ka sa TV. Excuse me, 'Day, hindi ka dapat sa showbiz. So, huwag kang makialam," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.

Kinuha rin ni Pia ang reaksiyon ni Annabelle tungkol sa hindi pa rin pagbibigay ng retraction ng PEP.

"Siyempre, Pia, gusto nila kasi, panindigan nila 'yan kasi ayaw nilang masira ang PEP, which is bad."

May imbestigasyon daw na ginagawa ang PEP?

"'Yan ang hindi ko maintindihan, e. Kung magaling siyang lawyer, alam mo namang walang nangyari at wala talagang nangyari. May imbestigasyon kayo? Sinong victim n'yo? Kasi, ang supposed to be victim na inilagay sa PEP, si Michael Flores na nagsalita na at nanumpa na walang nangyari. So, sinong victim n'yo? Kung magaling kang lawyer... Kung ako pa sa 'yo, Day, okey, ang gawin mo, pag-aralan mong mabuti ang kaso na isinampa ni Richard sa client n'yong PEP. Yun ang pag-aralan mo. Papaano ipaglababan na manalo ang kaso n'yo. Huwag ka nang magpa-TV, 'Day, na nangngangawa-ngawa ka sa TV, 'Day. Hindi bagay sa 'yo, Attorney, kung Attorney ka man, okay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WILMA IN THE PICTURE. Muli, may sasabihin sana si Pia ngunit hindi na naman niya ito natuloy dahil may isa pa raw isyu na gustong linawin si Annabelle—ang tungkol sa away nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.

"Isa pang gulo Pia, ika-clarify ko lang... Itong kay Wilma Galvante at saka sa akin. Dito nag-start ang gulo. In-offeran si JC ng offer na project, ang artista, ang manager has the right tumanggi pag hindi maganda ang project para sa talent niya. Kasi, inaalagaan ko ang career ng mga talents ko.

"Ang nangyari, tumanggi si JC, after four days, dumating ang sulat ng lawyer ng GMA nagdedemanda, idedemanda raw kami kung hindi tatanggapin ang project. Doon nag-start ang gulo naming dalawa ni Wilma. Dahil tumanggi raw ako ng project para kay JC, after that incident, after four days, meron nang demand letter galing sa lawyer ni Wilm na idedemanda daw kami. Doon nagsimula ang gulo, namin ni Wilma because of that project."

Dito ay sumingit na si Pia. Aniya, "Tita Annabelle, alam po natin na nasa korte na 'yan. We'd really like to go back to the issue. Nandito po ang dalawang lawyers ninyo...

Pero giit ni Annabelle, "Hindi, sinasabi ko lang naman, Pia, e! Kaya hindi ako nag-elaborate kay Wilma Galvante dahil nasa court na 'yan. In-explain ko lang sa taong-bayan na nanonood sa atin dito ngayon. Kung inaakala nilang ako ang nag-umpisa ng gulo, wala kaming inumpisahang gulo.

"Kaya nagdemanda ako dahil after one month nanahimik ang beauty ko, pinu-promote ko yung Zorro araw-araw, ito na ang demanda ni Wilma sa akin. Ngayon, Pia, idinemanda niya ako, sinasagot ko naman siya. Kaya doon kami magtatapos sa korte, di ba, Pia?

Na sinagot naman ni Pia ng, "Yes, Tita Annabelle."

"Na-explain ko bang mabuti ang side namin, Pia?" tanong ulit ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, Tita Annabelle," muling tugon ni Pia.

CEASE & DESIST. Pagkatapos nito ay tinawag na ni Pia ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago at ang legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan.

Tinanong ni Pia si Atty. Maranan kung ano ang masasabi nito sa tila pag-i-ignore ng PEP sa cease-and-desist letter para pigilan ang pagpapalabas ng artikulo sa PEP. (Click here and here to read PEP's reply.)

"Well, we had just sent the letter and we are now studying our options what to do," umpisa ng legal counsel ni Annabelle. "Plus, the fact that they continue to print... I think, they are still continuing to upload even the negative comments.

"Yung sinabi ni Annabelle, there are things that we need to respond, too. Doon sa sinabi kahapon nung lawyer ng PEP, as well as what were written in PEP yesterday in response to the letter which I have sent.

"If I may, 'no, there's just a few things that we need to clarify. One, there was a statement there that we were referring to YES! as well. We never mentioned YES! in our letter. What we said was, this is a demand on PEP's publisher, which is Summit Media. So, the reference to Summit Media was in relation to the fact that they are PEP's publisher."


(Sa sagot ng PEP sa cease-and-desist letter, nilinaw ni Ms. Maglipon na ang PEP ay hindi pag-aari ng Summit Media kundi ng PEP, Inc. Ang YES! ang entertainment magazine na pina-publish ng Summit Media.)

Tanong ni Pia ay kung ang gusto ba nila ay wala na sanang lumabas na artikulo tungkol kay Richard sa PEP.

"Yes..." sagot ni Atty. Maranan.

Pero biglang sumingit si Annabelle. Aniya, "Ako kasi ang nagsabi kay Attorney na sulatan. Ang aming tinutukoy dun, yung kanilang negative comments. Pero yung freedom of the press, nandun yun. Yung lawyer kasi ng kabila, hindi nagbabasa masyado kaya hindi naiintindihan, e. Nandoon yung freedom of the press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman puwedeng may freedom of the press, lalait-laitin mo na yung tao, sisira-siraan mo na? Wala siyang privacy? Kaya nga meron tayong libel, di ba? Hindi naman kailangan na freedom of the press, puwede ka nang tira-tirahin anytime. Wala ka nang privacy, hindi puwedeng ganoon," pahayag niya.

So, anong legal means ang gagawin nila tungkol dito para itigil na ng PEP ang paglalabas ng artikulo o komento tungkol kay Richard?

"Ini-eplore namin, 'no," sagot ni Atty. Maranan. "May possibility na may civil case o kaya criminal case. Right now, pinag-aaralan pa 'yan. Wala pang sinasampang demanda. In fact, si Ms. Annabelle Rama nga, ang attitude nga niya is ayaw niya lang dagdagan yung gulo. Kasi, as it is, si Richard, nasaktan na, e. You already damaged, you already injured a person.

"And I think, if you... Freedom of the press comes with responsible journalism, di ba? So, kung responsible, ang hinihingi lang naman namin is huwag nang dagdagan yung sakit. Yung, why put..."

"Insult to injury," susog ni Pia.

"Exactly!" sambit ni Atty. Maranan. "Yung lalagyan mo ng asin yung sugat. Huwag na. Nasa korte na 'to and wala nang need na i-publish pa 'to. Kasi, kawawa naman yung tao... He was a very innocent person here and you're just continuing to damage his reputation."

Sinabi naman ni Pia kay Atty. Santiago na ang dahilan kung bakit hindi nire-retract ng PEP ang artikulo dahil meron silang witness na nakakita diumano ng pangyayari at kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang naturang insidente. So, paano ito makakaapekto sa libel case na isinampa ni Richard laban sa PEP?

Ayon kay Atty. Santiago, "First of all, yung sinasabi nila tungkol doon sa istorya na kinukumpletong imbestigasyon, ang masasabi ko lang diyan, ilabas na lang nila. You know, inaanunsiyo pa nilang may istorya. Ilabas na lang nila dahil we are just as eager as the public to find out kung sino ba yung sinasabi nilang witness. Kasi, matagal na nilang sinasabi 'yang witness na 'yan, wala naman silang napo-produce as of now.... It's been two weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga ang komentaryo ng iba, napakahabang imbestigasyon naman 'yan when all the witnesses who were there at the party have already made their statement that, you know, no such incident happened.

"And in fact, I heard your earlier interview with Atty. Annette Gozon-Abrogar and she herself was at the party and she maintained that no such untoward incident happened for that matter. So, yun nga, inaabangan din namin ang istoryang yun. So, ilabas na lang nila."

Ibinalik ni Pia ang tanong kay Annabelle. Meron pa bang posibilidad na maayos ang problemang ito sa labas ng korte?

"Alam mo, Pia, binigyan na namin sila ng isang chance," sagot ni Annabelle. "Hindi na nga kami nagdemanda kaagad. Kasi gusto talaga na mag-retract sila. Pinanindigan pa rin nila, ni Jo-Ann Maglipon, na talagang may nangyaring insidente, di ba? Hindi maganda yung ganoon. Talagang wala!

"Sila, may sarili silang scriptwriter. Kaya sabi ko nga noon pa, yung scriptwriter nila, dapat ipakilala sa akin, yun ang gagawa ng script kay Richard para sa next movie niya kasi may tutukan pa ng baril... Ang galing niyang gumawa ng script, grabe!"


(Nililinaw muli ng PEP na walang binanggit na "tutukan ng baril" sa artikulong lumabas noon dito sa PEP. Ang nasulat dito PEP ay "gun toting," na ang ibig sabihin ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Pagkatapos nito ay nanawagan na si Annabelle sa asosasyon ng mga Bisaya dahil may pag-uusapan daw sila.

Dagdag niya, "At nanawagan ako kay Attorney Gozon, Mr. Duavit, paimbestigahan n'yo ang Startalk kahapon dahil masyadong one-sided. Binigyan n'yo ng mahabang media mileage yung alien pumasok sa GMA, tapos nilait-lait ang anak ko.

"Si Richard is number one contract star ng GMA, tapos ganoon ang gawin n'yo na wala man lang kayong protection? Dapat inimbitahan n'yo kami kahapon at mga lawyer namin para sasagot talaga sa lawyer na ngawa nang ngawa, walang ginawa kundi siraan ang anak ko. Mali yun, e. Yun lang ang masasabi ko, Attorney Gozon, Mr. Duavit, panoorin n'yo ulit ang Startalk bukas, yung replay. Imbestigahan mo kasi one sided talaga yung ginawa nila. Yun lang ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At lahat ng nagsu-support kay Richard, huwag kayong tumigil pagsu-support. Yung Zorro, congratulations, number one. Si Richard na naman ang number one ngayon, maraming-maraming salamat.

"Sa lahat ng mga fans ng anak ko, sa lahat ng mga fans ng mga alaga ko. Lahat ng mga fans ko! Alam ko, marami akong mga fans, mga nanay, tuloy-tuloy ang pagsuporta sa akin. Yun lang ang sasabihin ko sa inyo. Huwag kayong maniniwala sa mga fake na mga comments na tinitira si Richard, lahat 'yan ay fake! Limang tao lang ang gumagawa niyan. Kunwari mga fans na galing New York... New York , Cubao yun. Hindi yun New York sa Amerika!" saad ni Annabelle.

"ATTORNEY ANNABELLE." Bago magpaalam ay muling humirit si Annabelle nang tawagin siyang "Attorney Annabelle" ni Pia.

Aniya, "Yes! Sayang, Pia. Kaya ako nag-e-enjoy sa kaso, kasi 'yan ang dream ko talaga. Noong una, Ms. Philippines, hindi ko nakuha. Pangalawa, stewardess, hindi ko nakuha. Tapos, madre, hindi ko rin nakuha kasi na-devirginize ako ng asawa ko!

"Ngayon, gusto kong maging lawyer. I'm enjoying my job right now as a lawyer. Wala nga lang akong license lang."

Regular feature na siya sa mga Regional Trial Court, biro ni Pia.

"Yes! Hindi ako napapagod. Kahit walang elevator, okey sa akin yun," sambit ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN