Anne Curtis dismisses report that she has new boyfriend

IMAGE 0


"Nakaka-miss. Pero at the same time, okay din dahil ngayon, nae-enjoy ko na yung pagiging single ko. Lalo na with all my non-showbiz friends," says Anne Curtis about being in love.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Anne Curtis last Sunday, April 19, pagkatapos ng ASAP 09, kung saan isa siya sa mainstay. Pinabulaanan ni Anne ang napabalita na diumano'y may bago na siyang boyfriend na ipinalit niya kay Sam Milby.

"Wala pa. Kung meron, dapat proud ako. Ayokong magmadali muna after ng last boyfriend ko," sabi ni Anne sa PEP.

Kung wala pa rin talaga siyang bagong boyfriend, bakit may lumabas na balita? Nakikita pa nga raw siyang nakikipag-date sa bago niya diumanong karelasyon.

"Hindi ko nga alam kung bakit napabalita, e," sagot niya. "Wala nga akong even date, e. Someone...wala. Kaya nga ang weird, e. Kahit nga sa labas, lagi naman akong magmu-mall, ganyan, pero lagi kaming group. Wala akong idini-date."

Pero handa na ba siyang magmahal muli?

"Yeah, I mean okay na ako," ani Anne. "If ever na dumating na yun sa life ko, puwede na. Pero hindi ko pipilitin."

Kailangan ba taga-showbiz ulit ang susunod niyang karelasyon?

"Hindi naman. Wala akong sini-set na certain qualification."

Aminado naman si Anne na nami-miss niya na ma-in love ulit.

"Nakaka-miss," sambit niya. "Pero at the same time, okay din dahil ngayon, nae-enjoy ko na yung pagiging single ko. Lalo na with all my non-showbiz friends."

HOLIDAY IN SPAIN. Sa May 5 ay aalis ng bansa si Anne papuntang Spain, kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Hindi pa ako nakakapunta sa Spain kaya gusto kong pumunta doon. Actually, last year ko pa plano ito, ngayon lang natuloy."

Excited na ba siya na makapamasyal sa Spain?

"Hindi, mas nae-excite siguro ako for the cultural education na makukuha ko," aniya.

So, yun talaga ang main purpose ng trip niya sa Spain?

"Yeah, hindi siya shopping. I wanna go to all the cultural places nila, parang museum nila."

Hindi kaya may makilala siya sa Spain na magpapatibok muli ng kanyang puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga ang sabi ng mga friends ko, na parang, 'You'll never know that you might meet someone in Spain,' ganoon. Sabi ko, 'I'm not looking, pero if it will happen...'"

MOVIE WITH RICHARD. Two weeks mawawala sa bansa si Anne at sa pagbabalik niya rito ay may gagawin siya agad na pelikula. Ayaw pa niyang sabihin kung sino ang makakatambal niya rito.


"Basta malalaman ninyo 'yan pagbalik ko," sambit niya.

Pero lumabas na sa ibang reports na ang tinutukoy na pelikula ni Anne ay ang pelikulang unang pagtatambalan nila ng dati niyang boyfriend na si Richard Gutierrez. Co-production daw ito ng GMA Films at Viva Films.

"Basta pagbalik ko na lang, saka ako magsasalita tungkol diyan. Hindi ko kasi alam kung puwede ko nang sabihin, e. Itsi-check ko muna," maingat na sabi niya.

Pero kung sakaling gagawa nga sila ng movie ni Richard, excited ba siya?

"Why not, di ba? I mean, last time siguro na nakatrabaho ko siya was five years ago, nung nasa GMA pa ako," sabi ni Anne.

May communication pa rin ba sila ni Richard hanggang ngayon?

"Oo, every now and then," sagot ng dalaga.

TALENT FEE. Gaya ni Anne ay under contract din ng Viva Artist Agency si Sarah Geronimo. Sinasabing mababa lang daw ang talent fee na ibinibigay ng Viva sa Pop Princess at bagong Box-Office Queen para sa mga pelikulang ginagawa nito sa Viva Films.

Mababa rin ba ang talent fee ni Anne sa Viva?

"Hindi ako magsasalita. E, di mababa kung mababa," maingat na sabi ni Anne.

Pero umaabot na ba ng million ang TF niya per movie sa Viva?

"Ano ba naman 'yan? Ayoko nang pag-usapan yung mga ganyan. Baka maging isyu pa!" natatawang sabi niya.

Hindi ba siya tinitipid ng Viva?

"Oo, hindi talaga. Saka family ko na ang Viva. Eleven years na ako sa kanila, so alagang-alaga," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan siya mananatili sa Viva?

"Forever na, by choice. Loyalty!"

BEST-ACTRESS NOMINEE. Sa darating na Star Awards For Movies, na gaganapin sa May 28, ay nominado si Anne for Movie Actress of the Year para sa pagganap niya sa Baler, kung saan kapareha niya si Jericho Rosales.

"Sobrang ang saya ko kaya, nang malaman kong nominated ako sa Star Awards. Siyempre, hindi talaga ako nag-i-expect [manalo]. Pero masaya na ako dahil nasa linya na ako nina Ms. Sharon [Cuneta], Ms Judy Ann [Santos], Ate My [Mylene Dizon]...

"So, sabi ko, first time akong na-nominate na ang mga co-nominees ko, wow! Okay na sa akin yun. Iba pa rin yung na-nominate ka kasi hindi rin naman basta-basta na nano-nominate e," saad niya.

Kung sakaling siya ang manalo, sino ang unang-unang lalaking pasasalamatan niya, bukod sa kanyang daddy at manager na si Vic del Rosario?

"Siguro si Manzano," sagot ni Anne, na ang tinutukoy ay ang matalik niyang kaibigan na si Luiz Manzano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN