Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

IMAGE 0


"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" s


Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

"Hindi, kaya ako nagagalit, e," sagot ni Annabelle. "Pinababayaan niya yung lawyer [ng PEP] na mukhang butiki! Ngawa nang ngawa sa TV, sinisiraan si Richard. Pinagbabawalang tumuntong sa Robinson's. Pinagbawalang bumili ng magazine ng YES!. Well, lahat ng fans ni Richard, 'wag na kayong bumili ng YES!. I-ban n'yo na 'yang YES!. I-ban n'yo na 'yang PEP na 'yan."

FIGHTING FOR HER SON. Nakakaapekto ba kay Richard ang gulong ito?

"Si Richard, nagte-taping ngayon ng Zorro sa Bataan. Wala siyang pakialam sa gulo. Tuloy-tuloy ang taping niya. Ako lahat ang humaharap ng gulong ito. Ako ang manager. Ako ang nanay. Ako nasasaktan, hindi si Richard. Ako nanay, nasasaktan. Pinalaki ko anak ko maging mabuting anak. Hindi maging barumbado. Hindi manutok ng baril. Hindi ko pinalaki mga anak kong maging bastos katulad ni Wilma Galvante'ng traydor!

"Kailangan si Wilma magsimba araw-araw para ang sungay niya matatanggal sa katawan niya. Satanas 'yang Wilma na 'yan! Satanas 'yan!"

"Ogie, itong sinasabi ko lang sa radyo, wala akong pakialam, kumuha siya ng kopya, magdemanda siya, haharapin ko. I'm just telling the truth. Corrupt siya sa GMA!" dire-diretsong pahahayg ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba siyang hawak na pruweba?

"Hindi na kailangan ang pruweba, Ogie. Ikaw, nakikita mo naman na corrupt siya, a! Hindi mo ba siya nakikitang corrupt? Nang-aagaw siya ng mga talent! Siniraan niya si JC, siniraan niya si Heart [Evangelista]. E, yung mga toprater ng GMA 'yan. Tatlong alaga ko, number one sa GMA, sinisiraan niya. Pilit niyang pababagsakin. Papasikatin niya mga trying hard niyang hawak na mga artista, wala namang talent! Puro mga bobo namang umarte! Gusto niyang pumalit sa puwesto ni Richard. Puwes, pasikatin niyang mga alaga niya. Bruha siya!" walang prenong sabi ng ina ni Richard.

Bago pa man natapos ni Ogie ang tanong kung may effort si Atty. Gozon na ayusin ang gulo nila ni Wilma, agad na sagot ni Annabelle: "Wala nang effort-effort! Ito, Ogie, inumpisahan niya ang gulo, tatapusin ko! Nagkakamali siya, kinalaban niya isang Bisaya. Kung kaya niya lahat ng mga manager tapak-tapakan, hindi niya ako kaya, Ogie. Walang Bisayang umaatras sa laban! Walang Bisayang takot! Walang Bisayang takot!

"Kaming mga Bisaya, mababait. 'Wag ko kaming umpisahan, hindi kami titigil!"

So, personally may galit ba siya sa Startalk o may partikular na tao lang sa Startalk?

"Ako mismo ang may galit sa kanila," sagot ni Annabelle. "Ako mismo. Kinumplain ko na kay Atty. [Felipe] Gozon. Kinumplain ko na kay [Jimmy] Duavit. At hindi ako titigil hangga't malaglag 'yang bruha sa GMA! Walanghiyang bruha na 'yan! Pati si JC, kinukulong sa kuwarto niya, sinisira-siraan ako, para mawala si JC sa akin. Di ba, panunulot ng mga devil 'yan?

"Mukha siyang pera masyado! Pati si JC, pati si Heart, kinulong niya sa kuwarto. Kaya nawala si Angel [Locsin] sa GMA 7, e. Kasi si Angel, kinulong niya sa kuwarto rin 'yan. Pinagmumura niya manager [Becky Aguila] ni Angel, kaya lumayas manager ni Angel sa GMA, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan ang real reason, nawala si Angel sa GMA. Sabi nila ingrata, hindi ingrata si Angel. Tama si Angel. Kailangang lumayas siya dahil walanghiya 'yang kanyang ano d'yan sa GMA, boss sa GMA. Walanghiya talaga 'yan!" ulit niya.

Ano ang next move niya?

"Hindi ko na dapat sasabihin ang next move ko, Ogie Diaz. Tama na yung mga pinagsasabi ko sa 'yo. Tamang-tama na 'yan!" saad ni Annabelle.

Nang sumunod na araw, April 21, ay nakausap uli ng Wow! Ang Showbiz si Annabelle. Sinabi ng talent manager na hindi na niya itutuloy ang plano niyang rally laban kay Ms. Galvante dahil na rin daw sa pakiusap ng kanyang mga anak na sina Richard at Raymond Gutierrez.

Click here to listen to Annabelle Rama's interview in Wow! Ang Showbiz!.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN