Derek Ramsay unable to schedule knee surgery due to work commitments

IMAGE 0


"My right knee is in desperate need of surgery. Ngayon nga, nararamdaman ko na, both knees are already affected. My left leg, may fractured bone naman. Hindi ko nga lang alam kung paano ako nakakapaglaro at kapag naglalaro ako, walang sakit," says Derek Ramsay about his current medical condition.



Kritikal ang tayo ni Derek Ramsay, being one of the hottest leading men. Huli siyang napanood sa big screen via the Star Cinema film T2 kunsaan ipinareha siya kay Maricel Soriano.

Sa telebisyon naman, mapapanood si Derek bilang leading man ni Kristine Hermosa sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Mars Ravelo's Nasaan Ka, Maruja? Bukod dito, si Derek din ang bidang lalaki sa Precious Hearts Romances (PHR) Presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin kung saan leading lady naman niya si Toni Gonzaga.

Pansamantalang nabitin ang dapat sana'y pagtatambal nila ni Judy Ann Santos after Ysabella, ang Habang May Buhay. Pero, ayon kay Derek, magre-resume din sila rito.

"Parang yung last day ng Ysabella, first day ng Habang May Buhay, pareho lang," sabi pa ni Derek. "I should say, si Juday talaga ang parang naging paborito ko among my leading ladies dahil siya yung pinakamatagal kong nakasama, and she has been very supportive.

"Sobrang bait niya. Very professional. Hindi ako nailang sa kanya, kaya nga kahit paulit-ulit na magkasama kami, hahanap-hanapin ko," sabi pa ng aktor.

Maingay ang chikang sa May 2 ang kasal ni Juday kay Ryan Agoncillo, at inilalayo sa marami ang mga detalye nito. Pero, napangiti si Derek nang itanong sa kanya kung ano ang magiging partisipasyon niya sa kasalan.

"Tingnan na lang natin," ang tanging sagot niya na mukhang may alam din siya sa kasalan at malamang dadalo siya roon.

Hindi na nakakalaro ng frisbee si Derek dahil sa tindi ng schedule niya. Mukha pa namang puwede niyang isakripsiyo ang lahat para sa sport niyang ito.

"Babawi na lang ako riyan," sabi pa niya. "May tournament dapat kami sa Italy noong Holy Week. Pero, we decided na magpunta sa Japan, kami ni Angel [Angelica Panganiban, his girlfriend]. Hindi na kasi ako nakaka-practice."


KNEE INJURY NEEDS ATTENTION. Naikuwento ng aktor na kailangan na niyang sumailalim sa surgery upang tuluyan nang gumaling ang kanyang mga injuries na natamo sa paglalaro ng ultimate frisbee.

"Nakita ko kasing nasasaktan na si Angel. Pinipigilan na niya akong huwag maglaro. May knee injury nga kasi ako. During the games, wala akong inaangal. Pero, after the games, doon talaga sumasakit," naidaing ni Derek.

Mind over matter nga raw ang nangyayari. Kung aktibo siya sa laro, wala siyang nararamdaman. Pagkatapos, doon siya sinusumpong.

"When I'm with Angel, she gets the bad side of it," napapailing na sabi pa ni Derek. "Hearing that over and over again, hindi na siya naaawa. Nagagalit na siya. Matigas din kasi talaga ang ulo ko.

"I must consider it," aniya pa. "Natatakot na kasi si Angel. I just love the sport so much."

Gusto talaga niyang i-represent ang bansa natin sa frisbee, kahit pikit-mata siyang naglalaro.

"I'm learning na. Prolonging this agony will really make this injury bad na talaga. If I'm sitting for thirty minutes, ang hirap tumayo.

"Pero, 'pag naglalakad, if I'm moving, okay naman siya. Kailangan ko na talaga ng surgery. Last year, naka-schedule na sana, pero ang dami kong ginawa. Ako pa naman ang captain ng Philippine team.

"Ayokong ipakita sa team ko na injured ako. Pagpasok ng taon na ito, ang dami ko na uling projects. Talagang walang oras. Kaya ipinahinga ko na lang muna, kaysa maglaro ako. Kasi, wala pa ring time for surgery.

"My right knee is in desperate need of surgery. Ngayon nga, nararamdaman ko na, both knees are already affected. My left leg, may fractured bone naman. Hindi ko nga lang alam kung paano ako nakakapaglaro at kapag naglalaro ako, walang sakit," sabi pa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN