Sharon Cuneta realizes blessing and fun of being "big"

IMAGE 0


"Naiisip ko, ano ba ang makukuha kong blessing dito? Tapos, sinasabi nila Direk, 'Nakakatawa ka! Sa rushes, ganyan-ganyan...' Kaya sabi ko, ngayon lang yata ako nakakakita ng blessing na sa side ko, ngayon lang makikita ko. Yung nakikita n'yo po sa trailer, walang-wala pa yun sa na-shoot namin. I made fun of myself and I allowed them to make fun of me,"says Sharon Cuneta about her weight.


Kilala sa showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagiging masarap na kaibigan nito dahil all-out siya basta sa kaibigan. Obviously, by doing a film with Ai-Ai delas Alas for Star Cinema, ang BFF (Best Friends Forever), Sharon has gained another close friend or " BFF" in showbiz sa katauhan ng Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

"Alam n'yo, kung makita n'yo sa movie, palagi siyang nagpapatawa, so palagi siyang pagod. I think, palagi siyang natutulog. Pero kapag kailangan mo, dyusko, gising na gising!" nakangiting paglalarawan ni Sharon kay Ai-Ai.

Patuloy ng Megastar, "Nakita ko sa dalawang anak niya, when they came to visit us, they came to visit her, yung respeto nila sa mommy nila, makikita mo yung love sa mata nila. Sa pag-welcome din niya sa mga bata. Very ano talaga, very totoo. At ang gusto ko kay Ai, hindi siya plastic."

Kahapon, April 27, ginanap ang press conference ng BFF sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Pero night before, nagkaroon pa raw ng bonding sina Sharon at Ai-Ai at ang dami raw nilang na-discover sa isa't isa.

"As of last night, ang dami pala naming pareho sa pag-iisip," banggit ni Sharon. "At saka, I feel I gained two friends sa movie na ito [the other one being Direk Wenn Deramas, the director of the movie]. Yung tunay, hindi yung friends na basta magkita kayo, yun lang, kundi yung talagang you'll keep in touch.

"And I have to say, this is not always the case, ha, but this is one... Not only the most enriching knowledge in terms of comedy, about making movies. Good quality, pero hindi kailangang sobrang tagal. Tapos, meron kang co-star na napaka-generous, humble, magaling na kaeksena, at hindi nang-aagaw ng eksena. Tapos, teacher ko rin sila Ai, si Chokoleit... Makikita mo yung pakikisama nila sa mga tao at sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una, sabi ko, parang challenge sa akin ang mga eksena. Pero later on, na-feel ko, I fit perfectly with the role. Parang ito yung iiyakan ko kapag last day na. Hindi laging ganoon, e. But this movie is a blessing. There's no greater word for me talaga.

"Although with Direk Wenn and Ai pa lang, kikita na yung movie—commercially, financially—but to be part of this, may contribution din ako. Pero sila, ang laki ng contribution nila, hindi lang sa career ko kundi maging sa pagkatao ko," saad niya.

SIZE DOES NOT MATTER. Ngayon, very open na si Sharon na pag-usapan ang kanyang body weight. Alam niyang until now, mataba pa rin siya at hindi pa niya naa-achive ang dati niyang weight. May eksena nga raw sa BFF na may ipapakitang picture niya noong ginawa pa niya ang pelikulang Minsan Minahal Kita—her movie with Richard Gomez in 2000—na naka-two-piece pa siya.

Dahil daw sa BFF, na-realize ni Sharon na may blessing din pala ang pagiging mataba.

"Naiisip ko, ano ba ang makukuha kong blessing dito? Tapos, sinasabi nila Direk, 'Nakakatawa ka! Sa rushes, ganyan-ganyan...' Kaya, sabi ko, ngayon lang yata ako nakakakita ng blessing na sa side ko, ngayon lang makikita ko. Yung nakikita n'yo po sa trailer, walang-wala pa yun sa na-shoot namin. I made fun of myself and I allowed them to make fun of me," aniya.

Ganunpaman, nagbigay ng warning si Direk Wenn sa makakapanood ng movie na ang continuity raw ng BFF ay may eksenang mataba si Sharon, tapos ay magiging payat, then mataba ulit. This is because Sharon is working hard to really lose weight para magawa na ang love story na noon pa sana niya sisimulan.

"Yung love story ko, I want to look the best I'll ever look. I want to look the best. I want to be my healthiest this year. I want to be best-looking in terms of my look and feel good as well, and that's my promise to myself, and I want to do the love story this year," sabi ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sharon will do a concert tour in U.S. sa last week ng May hanggang June. Pag-uwi naman niya ay gagawin niya ang dalawa pa niyang album sa BMG. After that, sa July ang perfect time for her to do the love-story movie, possibly with Richard Gomez again.

Ano nga ba ang ginagawa niya to achieve her ideal weight? Kasama ba rito ang pagkonsulta sa mga cosmetic doctors?

"Ay, naku, tapos na yung mga doctor, noon pa!" bulalas niya. "Hindi naman tatalab kahit i-vacuum ang taba mo from your body, hindi ka rin magsa-succeed in losing weight or becoming sexy. Iba yung nalu-lose weight na tagtag.

"I will start talaga working out after the movie. Sa ngayon, wala kaming time. Lalo na ako, umuuwi pa ako sa Laguna dahil nga summer. Pero since I'll be having my concert tour, parang gusto ko naman kayong gulatin na pag-uwi ko, mapayat na ako. So, I will start talaga working out. Siguro even when I'm abroad, sa mga gym sa hotel and I can eat naman little by little."

MOVIE WITH ATE VI. Bago pa man ang Sharon-Ai-Ai movie, matagal nang pinaplano ang pelikulang pagsasamahan sana ng Megastar at ng Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos. But how does she feel na mas nauna pa ang movie nila ni Ai-Ai sa movie nila ni Ate Vi?

"Ay, naku, 'yan naman talaga ang dream ko!" sambit ni Sharon. "I think, all actors, all actresses, we all have dreams, e, as to who we wanna work with. And I think, it's a common knowledge na Vilmanian ako and I was never treated in a bad way palagi. And I think, I learn a lot from her on how to be a good idol at yung pakikisama sa tao at pag-appreciate.

"I think, one of my ultimate dreams is to always work with Tito Dolphy. Isa sa dream ko, natupad na. Nakasama ko na si Ai and I always told her, before pa. Yung sa amin ni Ate Vi, probably will be a drama and by next year," balita ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN