Loveless stars star in the romantic comedy Adik Sa 'Yo

IMAGE 0


(Clockwise) Marvin Agustin, Jennica Garcia, Dennis Trillo, and Jolina Magdangal star in GMA-7's upcoming primetime series Adik Sa 'Yo.


Pare-parehong loveless ang apat na stars ng upcoming primetime romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo—sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo. Ang Adik Sa 'Yo, na ididirek ni Joel Lamangan, ang papalit sa matatapos nang soap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

JOLINA & MARVIN. Huling nagkatambal sina Marvin at Jolina sa I Luv New York noong 2006. Nagkaroon naman ng guest role si Marvin sa pelikulang I.T.A.L.Y., kung saan bida sina Jolens at Dennis. Karelasyon pa noon ni Jolens si Bebong Muñoz at si Marvin naman ay kung kani-kanino nali-link, tulad nina Pauleen Luna, Angel Locsin, Diana Zubiri, at Katrina Halili.

Ngayon ay hiwalay na si Jolens kay Bebong at si Marvin naman ay wala pang nababalitaan na bagong karelasyon ngayon. Sabi nga ay destined ang dalawa na magtambal ulit dahil patok na patok sila sa kanilang weekly show na Dear Friend.

Naging isa sa top love teams noong '90s ang tambalan nina Jolina at Marvin. Top-rating ang mga TV shows na pinagsamahan nila tulad ng Gimik, Labs Ko Si Babes, at Esperanza. Kumita naman sa takilya ang mga pelikulang pinagbidahan nila: F.L.A.M.E.S. (The Movie); Kung Ayaw Mo... Huwag Mo; Labs Kita, Okey Ka Lang?; Hey Babe, at Gimik: The Reunion.

DENNIS & JENNICA. Medyo matagal-tagal na ring loveless si Dennis pagkatapos niyang maugnay sa dalawang babae—si Carlene Aguilar na ina ng kanilang anak na si Calix Andreas, at si Cristine Reyes na nabalitang sinugod diumano noon ni Carlene. Since then ay wala nang na-link kay Dennis kahit na sinong babae.

Noong December 2008 ay nag-celebrate si Jennica ng first anniversary nila bilang magkarelasyon ni Mart Escudero. Pero a month later ay biglang nabalitang split na ang dalawa. Wala namang ikinukuwento si Jennica tungkol sa tunay na dahilan ng paghiwalay nila ni Mart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi na lang ni Jennica na tama na magkaibigan na lang sila, although nakapagbitiw ng salita si Mart noong birthday niya na ang kanyang wish ay ang magkabalikan sila ni Jennica. Naramdaman siguro ni Mart na sayang ang team-up nila ni Jennica dahil meron na silang mga fans. Pero ayon kay Jennica, hanggang magkaibigan na lang sila ni Mart.

Sina Dennis at Jennica ang magkatambal sa Adik Sa 'Yo. Una silang nagkasama bilang magkapatid sa telefantasyang Gagambino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN