Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo kept wedding secret to ensure its solemnity

IMAGE 0


"Ito lang naman ang gustong mangyari nina Juday at Ryan, na maging solemn ang kanilang kasal. Nangako naman sila, magbibigay sila ng video copies ng kanilang kasal at mga pictures sa lahat ng networks at publications para ma-share ito sa mga fans ng dalawa," explains Noel Ferrer on why his ward, Ryan Agoncillo, and Judy Ann Santos decided to keep their wedding a secret from the public.


Nagbigay ng paglilinaw ang manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer tungkol sa pribadong wedding ng TV host-actor at ng aktres na si Judy Ann Santos noong April 28. Sa pamamagitan ng isang phone-patch interview kahapon, April 29, sa radio program na SNS (Showbiz Na Showbiz), na hinu-host ng writer na ito at ni Benny Andaya sa DZME, ay ipinaliwanag ng talent manager kung bakit nagdesisyon sina Juday at Ryan na ilihim sa publiko ang kanilang kasal.

Alam ng talent manager na maraming nagtatampo dahil sa paglilihim ng dalawa.

Paliwanag ni Noel, marami na kasing celebrity weddings in the past na naging "circus" dahil hindi nakayanan ng security guards ang crowd na gustong makalapit sa mga ikinakasal.

Aniya, "Tulad mismo ng kasal nina Sharon [Cuneta] at Gabby [Concepcion] na nawalan pa 'ata ng malay si Sharon dahil sa init. Yung kasal din nina Rudy [Fernandez] at Lorna [Tolentino] na sa Laguna pa ginanap, pero dinagsa pa rin fans. Pati ang kasal nina Bong [Revilla] at Lani [Mercado], dinagsa din. Di ba, sobrang dinumog ang kasal noon nina Governor Vilma Santos at Secretary Ralph Recto [sa Batangas]? Grabe 'yon, punung-puno ang simbahan hanggang kalye!

"Ito lang naman ang gustong mangyari nina Juday at Ryan, na maging solemn ang kanilang kasal. Nangako naman sila magbibigay sila ng video copies ng kanilang kasal at mga pictures sa lahat ng networks at publications para ma-share ito sa mga fans ng dalawa."

Sinabi rin ni Noel na ang preparasyon nina Juday at Ryan sa kanilang kasal ang naging dahilan kaya nahinto ang taping ng sitcom nila sa ABS-CBN na George & Cecille, at ang movie ni Juday with Ogie Alcasid na OMG.

"Ryan has to do advance tapings for Pieta because of the preparation of the wedding, and same with Juday. Dapat naipalabas na ngayon ang George & Cecille, pero dahil busy ang dalawa kaya na-move ito sa May, hopefully," paliwanag ni Noel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ng manager ni Ryan na after one month ay handa na muli ang dalawa na ituloy ang kanilang mga trabaho. Kaya tuluy-tuloy na ang taping ng George & Cecille at ang shooting ng OMG.

Kaya lang, may issue na nagtatampo raw ang movie producer na si Mother Lily Monteverde dahil hindi siya naimbita sa kasal nina Juday at Ryan. Totoo ba ito?

"We have talked with Roselle, the daughter of Mother Lily and she's a friend of mine. Nasabi namin noon pa na doon siya iimbitahin sa party na gagawin nina Juday at Ryan doon sa mga hindi nakumbida sa kasal.

"Alam ni Roselle ang magiging sitwasyon kung na-invite namin si Mother. Dusa ito para sa kanya dahil she has to wake up early, aside sa she has do some walking bago makarating sa simbahan, at lalo na doon sa reception sa isang beach," saad ni Noel.

Binanggit din ni Noel na mali ang lumabas na balita noon na hindi dadalo ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo sa kasal. Nandoon si Alfie at dumalo sa kasal sa simbahan at pati doon sa reception.

"Na-late nga lang siyang dumating pero bongga siya sa kanyang attire," sabi ni Noel. "Paano naman kasi, in due respect naman sa simbahan ay hindi siya nagsuot ng sumbrero, although he wanted to.

"Abangan na lang ninyo ang wedding special ng dalawa na ipapalabas sa ABS-CBN. Exclusive nila ito at doon makikita kung ano ang isinuot ni Tito Alfie na talagang umagaw siya ng eksena," pagbabalita pa ng manager ni Ryan.

Ngayong tapos na ang kasal, ang tanong ng marami ay kung saan magha-honeymoon sina Juday at Ryan. Ang balita ay hindi muna magha-honeymoon ang dalawa dahil uunahin nila ang pag-aayos ng kanilang tahanan. Konting renovation lang ang gagawin dito at karagdagang mga gamit, at puwede na silang lumipat sa kanilang bahay na nabili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN