Pia Magalona overwhelmed that Martin Nievera will wear t-shirt designed by Francis M in Pacquiao-Hatton fight

IMAGE 0


"Malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" says Pia Arroyo-Magalona, widow of Master Rapper Francis M.


Hindi makapaniwala ang biyuda ng yumaong si Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa sinabi ni Martin Nievera na ang Three Stars and The Sun t-shirt ni Kiko ang isusuot ng Concert King sa pag-awit nito ng Philippine National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa Las Vegas, Nevada, bukas, May 3 (May 2 sa U.S.).

Dahil sa sobrang tuwa ni Pia sa sinabi na iyon ni Martin ay agad niyang pinadalhan ng t-shirts si Martin. Iba't ibang designs ang binigay ni Pia para mapagpilian ng singer. Pati nga ang Team Pacquiao ay pinadalhan din ni Pia ng t-shirts.

"I was overwhelmed when someone told me that Martin wants to wear the shirts that Franz designed. Hindi basta-basta boxing match yung Pacquaio-Hatton. It's a really big global event na milyun-milyon ang makakapanood in Las Vegas.

"So, malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" saad ni Pia sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May suggestion din si Pia kay Martin kung ano ang t-shirt ang isusuot nito sa Pacquiao-Hatton boxing match.

Ani Pia, "It's nice that Martin would wear the PRIDE design because it's one of Franz's favorite designs. It still has the three stars and the sun, plus the colors are very radiant. It signifies kasi our pride as Filipinos.

"Tamang-tama yung design kasi I heard he was just gonna wear a blazer jacket over the shirt. Kitang-kita ang design ng PRIDE shirt. If Franz is still here today, he will be very, very happy. Kaya I'm thanking Martin for doing this for all of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAKE SHIRTS. Nakarating kay Pia na marami nang fake na Three Stars and The Sun t-shirts ang ibinibenta kung saan-saan. Marami raw ang tumatawag sa kanya at sinasabing may mga t-shirts na ibinebenta kung saan-saan at kuhang-kuha ang design na ginawa ni Kiko.

Sabi naman ni Pia, wala na siyang magawa dahil hindi naman daw niya ma-monitor ang mga nangyayaring 'yon. Kaya ipinagdarasal na lang daw ni Pia ang mga taong ito na sana raw ay makonsensiya sila.

"May law naman na dapat nating sundin," sabi ni Pia. "Those designs are under the Intellectual Property Law and patented lahat 'yan. I just don't know kung paano pa sila nakakalusot. Like, kelan lang, my kids saw their dad's shirts na ibinebenta sa isang maliit na store. May friends naman ako na nakitang ibinebente sa bangketa.

"Nakakalungkot kasi kahit na registered na ang design na 'yan, still, may mga nakakalusot pa rin. I think kailangan maging stricter tayo sa mga ganyang laws, lalo na when it comes to the creativity of one person. Protection 'yon for your work, di ba?

"I understand that times are hard and we all have to earn something these days. Pero sana, hindi sa ganitong paraan. If they want to sell Franz's shirts, they can buy it from us and bahala na sila to sell kung magkano. Basta legal at hindi illegal.

"Matagal naming prinotektahan ang mga designs na 'yan ni Franz and nakakapanghinayang lang na it will all go to nothing kapag nagpatuloy pa ito. Kaya we are just praying na makonsensya naman sila. Isipin na lang nila na it's Franz's property at pag-aari na rin iyon ng mga anak namin."

ROBBERY. Kailan lang ay muling pinasok ng magnanakaw ang bahay ng mga Magalona sa isang subdivision sa Marikina City. Ikatlong beses na raw itong nangyari sa bahay nila. This time, ang tinangay raw ay ang naiwang laptop ni Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot si Pia dahil alaala iyon ng kanyang yumaong asawa at pinagkainteresan pa. Nauna nang nanakaw ang mga mamahaling camera na koleksiyon ni Kiko.

"It happened again at nakakapagtaka," sabi ni Pia. "Because ilang beses na naming sinasabi na ayusin naman nila ang security ng village na tinitirhan namin. We believe nga na the culprit is taga-doon din. Kasi alam ang mga kilos namin, e. Hindi lang naman ang house namin ang naganyan, but also other houses sa loob [ng subdivision].

"Pakiusap lang namin na ayusin nila ang security. Kasi it's dangerous and nakaka-trauma sa mga bata. Lalo na at ang nakuha pa ay ang laptop ni Franz. It's not the value of it but the fact na it is one of the memories na iniwan ni Franz sa amin, tapos ninakaw pa.

"That's why nakikiusap ako sa kumuha or sa nakabili, please return it to us. No questions asked at may reward kaming ibibigay sa makakabalik nito sa amin. That laptop means so much to us, kasi lahat ng nasa loob noon ay memories of Franz. Kaya please, ibalik na ninyo sa amin," pakiusap ni Pia.

SINGLE PARENT. Bilang single parent, nagagawa naman daw ni Pia ang lahat ng kanyang obligasyon sa mga anak nila ni Francis. Mahirap nga raw, pero bilang isang ina, kinakaya ito ni Pia.

"I have to because I'm the only one na nandito for them. I'm glad na yung ibang kids ay malalaki na. They have their own families and they help me with the little ones.

"Kahit naman noong buhay pa si Franz, I'm also the one taking care of him. I just don't have eight kids, kasama si Franz doon kaya nine silang lahat!" tawa ni Pia.

Dagdag niya, "I'm used to this kind of living. Hindi naman siya bago sa akin. Yun nga lang, nabawasan ng isa. But I know that Franz is with us everyday. He is here helping me cope with life everyday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na lang daw at mababait ang kanyang mga anak at hindi siya binibigyan ng sakit ng ulo.

"Lahat naman sila mababait. If you have so many kids, it's hard to monitor them everyday. May iba't ibang mga lakad at iba't ibang mga ugali. But lucky kami ni Franz because lahat ng mga anak namin ay mababait.

"Ngayon nga, may mga sari-sarili na silang mga trabaho na rin. Aside kasi from Maxene, si Saab ay nasa showbiz na rin and so is Arkin. Yung iba kasi, they want to be in school muna. So, may kanya-kanya silang mga gawain.

"Nagtutulungan sila, which is very important sa akin. I am happy that Franz and I raised them na maayos. Proud kami sa kanilang lahat," pagtatapos ni Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN