Charice Pempengco answers new issues being thrown at her

IMAGE 0


"Hayaan n'yo po sila. Lahat naman po tinatawag ako ng ganun, 'monay, siopao.' Basta marami po akong nickname. Okay lang po sa akin yun. Basta at least, kilala po nila ako. Nagpapasalamat po ako sa mga fans ko kasi ipinagtatanggol nila ako," says Charice Pempengco about her detractors.


Inamin ni Charice Pempengco na "Mommy" na ang tawag niya sa sikat na American TV host na si Oprah Winfrey. Ito ang isiniwalat ni Charice nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press sa grand launch ng kanyang second album under Star Records, ang My Inspiration. Ginanap ang presscon kahapon, May 5, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Paano nga ba nagsimula ang pagtawag niya ng "Mommy" kay Oprah?

"Ano po yun... Kasi po, una po, nabigla po ako nung kausap ko po siya. Nabigla po ako natawag ko siyang 'Tita.' Tapos ano po, in-email ko po siya. Parang sinabi ko po sa kanyang, 'Thanks for always supporting me. You're like my second mom.' Doon na po nag-start yung pagtawag ko ng 'Mommy' sa kanya," paliwanag ni Charice.

Pero ano ba talaga ang role ni Oprah sa kanyang career?

"Adviser po," sagot niya.

So, malaki talaga ang nagagawa ni Oprah sa international career niya?

"Opo naman, malaki po ang naitutulong niya sa akin."

Alam ba ni Oprah ang pagkakaroon niya ng second album dito sa Pilipinas? Ano ang sinasabi ng sikat na TV host sa local career ni Charice?

"Actually, natutuwa po siya," sabi ng international singing sensation. "Ikinukuwento ko po lahat sa kanya yung mga nangyayari sa akin. Sinasabi ko po sa kanya, ine-email ko po siya, ina-update ko po siya, kasi po yun ang gusto niya. Kaya pag may new video ako, pinu-post ko agad sa YouTube, sinasabi ko sa kanya na 'eto yung ginagawa ko ngayon. Tapos parang, 'I'm now recording my second album in the Philippines.' Siya naman, mag-i-email back siya sa akin na super natutuwa siya dahil ngayon napapansin na ako dito."

Ano naman ang masasabi niya sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Oprah?

"Nararamdaman ko po talaga na parang tinatrato niya ako bilang anak niya. Kasi nasi-sweet-an ako sa kanya pag tinatawag niya ako. Parang tinatawag niya ako, 'little girl,' tapos niyayakap niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Superduper akong na-touch sa kanya nung kailan lang nung nag-shoot kami ng Oprah. Then, hinila niya ako, dinala niya ako sa backstage, nag-iyakan kaming dalawa. Niyakap niya ako tapos umiiyak kaming dalawa. Kasi nga, ini-release ko na nga yung single ko sa Amerika ["Note To God"]. Ipapalabas po yun sa Oprah sa May 18. Sabi niya sa akin, 'This is your big day.' Parang, after itong mapanood sa buong mundo, parang 'totally you're a big star.' So, parang naiiyak ako sa kanya. Tapos si David Foster naman nag-joke, 'Don't make her cry, Oprah. Come on!'"

May balitang natulog na raw siya sa bahay ni Oprah. Totoo ba ito?

"Hindi po," tanggi niya.

Pero nakapunta na ba siya sa bahay ng TV host?

"Hindi naman po sa bahay niya. Sa office niya lang po na parang bahay na rin. Doon pa lang po niya ako naipasyal."

Bibigyan niya ba ng kanyang bagong album si Oprah?

"Pagbalik ko po sa Amerika, bibigyan ko po siya ng kopya."

NATIONAL ANTHEM ISSUE. Sa naturang presscon ng kanyang My Inspiration album, isa-isa ring sinagot ni Charice ang iba't ibang intrigang ibinabato sa kanya.

Unang intriga nga ay ang pagbibigay ng warning sa kanya ng National Historical Institute (NHI) dahil sa pagkanta niya noon sa isang event ng ibang rendition ng "Lupang Hinirang." Muling nabuhay ang isyu na ito nang batikusin ng NHI ang rendition ni Martin Nievera ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao versus Ricky Hatton. Ayon sa NHI, nakalagay daw kasi sa ating Konstitusyon na bawal baguhin ang tono ng Pambansang Awit, lalo na kapag kinakanta sa isang big event.

Lalo pa nga at pangarap din ni Charice na kumanta ng Pambansang Awit sa mga susunod na laban ni Manny Pacquiao.

"Opo, pangarap ko po yun," sambit niya. "Pero natatakot po ako, basta ita-try ko ang best ko. Kasi na-send-an po ako ng letter. Yun nga po kasi jinazz up daw po yung national anthem. Sabi ko, kasi yun yung gusto nila [organizers ng event].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yun nga, nabalitaan ko nga yung kay Sir Martin. Yung kay Sir Martin, mabagal tapos biglang naging march, tapos may birit sa huli. So, parang sa akin, okay lang invite po nila ako. Gusto ko pong yung NHI ang magsabi kung ano yung tamang tiyempo para magawa ko po talaga. Kasi ako po, sumusunod lang naman ako, e. Kasi siyempre, singer po ako, kung ano yung sabihin nila, yun ang gagawin ko."

Sabi ni Charice, nakakanta na raw siya ng National Anthem sa finals ng NCAA (National College Athletics Association).

Ano naman ang nilalaman ng NHI letter?

"Parang warning po kasi jinazz up ko raw po yung National Anthem."

Ano ang naramdaman niya pagkatanggap sa letter?

"Nagulat po ako, siyempre."

So, nagpunta ba siya sa NHI para mag-apologize?

"Actually, nung sinend po nila yung letter, nasa States po ako. Kaya po parang nagulat po ako. Habang nandun po ako, talagang nag-i-email po kami. 'Sorry po, sorry po. Hindi ko po talaga alam.' Nag-explain po ako na sila [organizers] ang may gusto. Kaya po next time, kung pakakantahin po ako ng National Anthem, gusto ko po sila [NHI] ang magbigay sa akin kung gaano kabilis, ano ang tiyempo," sabi ni Charice.

ON SARAH GERONIMO. Ano ang reaksiyon niya na parang pinagtatapat sila ni Sarah Geronimo? May nagsasabi pang parang hawig ang boses nila.

"Actually, marami pong nagsasabi sa akin niyan," pagsang-ayon ni Charice. "Hindi ko po alam, pero natatawa din po ako sa sarili ko. Pareho kaming tumawa, pareho kaming magsalita. Kaya minsan, tinutukso nila ako na puwede na raw akong mag-guest sa isang show tapos magpanggap na parang boses ni Sarah habang nasa backstage, tapos magtitilian sila. Siyempre, proud ako. I mean, super flattered ako na sinasabi nilang parehong kayong tumawa. Ako naman, kinikilig kasi idol ko po siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayag ba siya kung magkakaroon sila ng back-to-back concert ni Sarah?

"Opo naman!" mabilis niyang sagot. "It's an honor po na maka-back to back concert si Ate Sarah. Maganda po yun. Sana nga matupad."

OTHER INTRIGUES. Ano ang comment niya na nagagalit daw ang fans niya sa mga tumatawag sa kanya ng "monay" at "siopao" dahil malaki raw ang mukha niya?

"Hayaan n'yo po sila. Lahat naman po tinatawag ako ng ganun, 'monay, siopao.' Basta marami po akong nickname. Okay lang po sa akin yun. Basta at least, kilala po nila ako. Nagpapasalamat po ako sa mga fans ko kasi ipinagtatanggol nila ako," pahayag niya.

Stage mother daw ang Mommy niya, totoo ba ito?

"Ano po ba yun? Para po kasi sa akin, good yun, e. I mean, totoo po kasi na stage mother siya. Para po sa akin, siya po kasi yung nagsasabi sa akin kung ano ang gagawin ko. Kung wala siya, ano ang gagawin ko? Kasi nasanay na po talaga ako na talagang yun po ang ginagawa niya para sa akin. So, for me, stage mother siya in a good sense."

MY INSPIRATION. Matapos maging certified platinum record ang self-titled debut album ni Charice, panibagong handog naman ang hatid niya sa kanyang second album na My Inspiration under Star Records.

Itinaon pa sa pagse-celebrate ng Mother's Day ang launching ng My Inspiration. Ayon kay Charice, dedicated ang album na ito sa kanyang Mommy Raquel, na naka-duet niya pa sa kantang "You And Me Against The World," na isa sa tracks sa album, kabilang na rin ang carrier single na "Always You," an original song composed by Jonathan Manalo.

Sabi pa ni Charice, magandang panregalo raw sa mga mommies sa nalalapit na Mother's Day sa May 10 ang album niyang My Inspiration dahil pawang mga inspirational songs ang nakapaloob sa album: "Wind Beneath My Wings," "I'll Be There," "You Raise Me Up," "For Mama," "In My Life," "Mama," "You'll Never Walk Alone," at "Through The Years." Two-disc album ito dahil ang isang disc ay naglalaman ng minus one ng lahat ng mga kantang nakapaloob sa album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Favorite song daw ni Charice sa album ang duet nila ng kanyang Mommy Raquel. Ang kanyang mommy raw ang nagsisilbing malaking inspirasyon sa kanya ngayon.

"Inspiration ko po talaga ang Mommy ko. Lagi ko pong sinasabi ito. Kasi po, single mom po siya. Super po akong humahanga sa kanya. Kasi po, siya po yung tumatayong nanay ko, tatay ko. Siya po yung tumatayong kaibigan ko. Open po ako sa kanya. Super ko po siyang hinahangaan kaya po itong album na ito para po ito sa kanya," ani Charice.

BIRTHDAY GIFT. Malapit na ang 17th birthday ni Charice sa May 10, Sunday. Ano ang birthday gift niya sa sarili?

"Birthday gift ko po sa sarili ko yung binili po naming bahay sa Tagaytay, sa Royal Estate po. Nung nagbakasayon po kami noon, then nung pagkakita ko sa kanya, nadaanan lang po, e, hindi ko alam, pero na-feel ko po na parang gusto ko ito. Yun po," lahad niya.

Gaano kalaki ang bahay?

"Malaki po siya. May three bedrooms po sa taas. Tapos sa baba, may two rooms po for guests. May mini-bar. Tapos paglabas n'yo po, yun po ang nagustuhan ko. Paglabas n'yo po ng house, may mga pine trees."

Ayon kay Charice, gusto niya raw palagyan ng parang mini-recording studio sa kuwarto niya mismo.

"Yun po talaga ang gusto ko. Sabi ko po kay Mommy, maglalagay ako ng parang recording studio sa room ko po. Kukumpletuhin ko po yun. Kasi po, nag-start na akong mag-compose ng songs. Kailangan ko po talaga yun. Bumili na po ako ng guitar ko. Then, next ko pong bibilhin, drums. Kukumpletuhin ko po yun para makapag-compose na po ako nang tuluy-tuloy."

Baka by next month daw ay lumipat na sila sa bago nilang bahay. Sama-sama silang tatlo ng Mommy Raquel niya at kapatid na si Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa States raw siya sa birthday niya mismo, kaya ngayong araw na ito (May 6) ay nagplano silang mag-swimming. Bukas, May 7, ay aalis na siya patungong U.S. para kumanta sa isang musical event ni David Foster sa Las Vegas sa May 9.

Seveteen na siya this year, next year debut na niya. Nagpaplano na ba siya para sa debut niya?

"Gusto ko pong mag-debut po rito sa Philippines. Kasi siyempre, nandito po yung mga friends ko. Kung i-invite ko po sina Sir David [Foster], pumunta po sila dito!" natatawang turan ni Charice.

Si Oprah ba ay iimbitahin niya?

"Siyempre po, gusto ko po siyang i-invite. Sana po makapunta siya, kahit na busy schedules niya. Siyempre, may work din po siya. Dito ko po balak mag-debut. Pinaplano pa po namin," pagtatapos ni Charice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN