2010 ELECTION WATCH: Manny Pacquiao bent on running for Sarangani Province congress seat

May 6, 2009
"Final. No retreat, no surrender," quips boxing champ Manny Pacquiao about his decision to run as congressman of Sarangani Province.

Noong araw ng laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa British boxer na si Ricky "The Hitman" Hatton, ipinakilala ng boxing ring announcer na si Michael Buffer si Manny bilang "the man from Sarangani, Philippines." Marami ang nagulat at nagtakang fans kung bakit siya ipinakilala ng gano'n.

Ngunit may iilan din namang nahinuha agad kung bakit nga siya ipinakilala bilang taga-Sarangani at hindi sa pagkakaalam ng lahat sa kanya bilang tubong-General Santos City. Ito ay dahil tatakbo si Manny Pacquiao sa pagka-congressman ng Saranggani Province sa national elections next year, 2010.

Nitong Lunes, May 4, iniulat na pormal nang nag-file ng petisyon ang political party ni Manny na People's Champ Movement sa Commission on Elections (Comelec) upang i-recognize ng poll body, ayon sa report ng gmanews.tv.

Ayon sa report, kinumpirma ni Manny sa harap ng nag-iinterbyu sa kanyang reporters kagabi, May 5, sa Los Angeles, na desidido na talaga siyang tumakbo bilang congressman ng Sarangani Province.

Continue reading below ↓

Ang probinsiya ng Sarangani ay parte ng SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City) region o Region XII ng Mindanao. Probinsiya lamang ang Sarangani kumpara sa mas maunlad na General Santos City, kung saan lumaki at nanirahan si Manny. Pero kilala ang Sarangani sa mga nadiskubre ditong ancient artifacts at burial jars ng mga sinaunang tao ng Pre-historic Period.

"Yes, yes. Kaya sinabi ko mag-offer ako ng tulong, ng serbisyo sa kanila," banggit pa ni Manny sa GMA News para kumpirmahin ang plano niyang tumakbo para congressman.

Nauna na rito, sinabi ni Manny sa interbyu sa kanya sa harap ng mga reporters pagkatapos ng laban niya kay Oscar dela Hoya nung December 7 last year, na wala na talagang atrasan ang pagpasok niya sa pulitika sa 2010 at target na nga niya ang pagka-congressman sa Sarangani.

"Final. No retreat, no surrender," nasambit pa ng kinukonsidera ngayong Pound-For-Pound King at holder ng anim na title belts mula sa limang weight divisions sa boxing.

Continue reading below ↓

Matatandaang kumandidato noong 2007 si Manny para sa pagka-congressman sa General Santos City. Nakalaban niya sa puwesto ang re-electionist at kinakaptid niya na si Darlene Antonio-Custodio. Natalo si Manny sa eleksyon na may agwat na 37,000 votes laban kay Custodio.

Ikinatuwa ng mga fans ni Manny ang pagkatalo niya noon sa eleksyon, dahil ibig sabihin daw nito ay patuloy pa rin itong magbibigay ng mga exciting na laban at karangalan para sa mga Pilipino pagdating sa boxing.

Marami sa mga malalapit na kaibigan, fans at mga pulitiko mismo ang hindi sang-ayon sa pagtakbo ni Manny sa pulitika. Mismong ang ang Comelec commissioner na si Rene Sarmiento ay hindi sang-ayon sa kagustuhan ni Manny na muling pumasok sa pulitika.

"We know that politics is divisive. I think that will not help the Filipinos and Manny, so my advice is [for him] to remain a national icon, a national symbol of unity," ayon pa kay Comelec Commissioner Sarmiento.

Continue reading below ↓

Bago ang announcement ni Manny sa pagtakbo niya bilang congressman ng Sarangani, matunog noon ang balitang siya ang vice-mayoral candidate ng kakandidato bilang Manila mayor na si Arnold "Ali" Atienza. Anak si Ali ng isa sa maraming pulitikong supporter ni Manny na si dating Manila Mayor at current Department of Environment secretary na si Lito Atienza.

Napabalita ring tatakbo si Manny noon bilang mayor sa General Santos City sa ilalim ng partidong Lakas-CMD Party.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Final. No retreat, no surrender," quips boxing champ Manny Pacquiao about his decision to run as congressman of Sarangani Province.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results