Jomari Yllana does not take Martin Nievera's statement against him personally

IMAGE 0


"Kung tatanungin n'yo ako kung nasaktan ako as a person, hindi masyado. Mas nasaktan ako for my family. May sinabi siya sa akin na masama ang dating para sa family ko at sa production na binuo at binubuo namin. Ang dami nang pinaghirapan ng Fearless Promotions para masira," says Jomari Yllana about Martin Nievera's past statements against him.


Ayaw na sanang mag-comment ni Jomari Yllana tungkol sa Martin Nievera at Pops Fernandez issue, pero hindi siya tinantanan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket interview para sa concert na David Cook & David Archuleta: Live in Manila. Ginanap ang interview kahapon, May 5, sa UCC Café sa Tomas Morato, Quezon City.

Nasaktan ba siya sa mga ipinahayag ni Martin tungkol sa kanya? (Click here to read related story.)

"If nasaktan ba ako?" balik-tanong niya. "Sandali, iisipin ko... Lahat ng sinabi niya laban sa akin, hindi ko puwedeng personalin. Statement ang ibinigay ko and it was directed personally.

"Kung tatanungin n'yo ako kung nasaktan ako as a person, hindi masyado. Mas nasaktan ako for my family. May sinabi siya sa akin na masama ang dating para sa family ko at sa production na binuo at binubuo namin. Ang dami nang pinaghirapan ng Fearless Promotions para masira."

Nag-react ba ang family niya sa issue nila ni Martin?

"No, hindi naman at wala akong narinig. Pero hindi ko na kailangang marinig ang reaction nila para masabing nasaktan sila," sagot ng aktor.

Nang masaktan siya, ano ang ginawa niya to move on?

"Hindi ko siya dinala sa katawan ko at hindi ko siya pinersonal. No excess baggage. I can't carry any negative thing sa katawan ko. Hindi ako ang tipo ng tao na nagbibitbit ng negative. Batuhin mo ako ng bato, babatuhin kita ng tinapay. Hindi ako nagsasalita ng hindi maganda sa iba. Pero kung pepersonalin ang pamilya ko o ang credibility ko as a businessman, I'll do something siyempre, magre-react ako. As a businessman kaya ako nagbigay ng statement, pero tapos na yun," pahayag ni Jomari. (Click here to read related story.)

Feeling ba niya, nabura ng kanyang statement ang maling impression sa kanya ng mga tao?

"Hindi ko alam kung nabura o anong nagawa ng statement, but I have to speak up," sabi niya. "Hindi ko ginawa yun para may mabura, it was just a plain answer sa issue na ibinato sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEARLESS PROMOTIONS. Naniniwala ba siyang credible producer pa rin ang tingin ng tao sa Fearless Promotions after the controversy?

"I can't speak in advance, and the only way to find out is after the David Cook and David Archuleta concert. As a producer, you're only good after your last concert. Napag-uusapan ang concert producer before and after a concert dahil laging may pre- and post-comments."

Ano ang reaction ng mga Singson, his co-producers, sa isyu nila ni Martin?

"Labas sa negosyo yun," sabi niya. "It was something personal and something na hindi pinag-uusapan sa meeting. Sa awa ng Diyos, hindi naman naapektuhan ang Fearless Promotions."

Naging disadvantage ba ang naging relasyon nila ni Pops sa success ng Missing You, ang concert ng Concert Queen at ni Martin na iprinodyus ng Fearless Promotions?

"No," mabilis na sagot ni Jomari. "It was a very good project. It was a beautiful show and we broke the box-office record sa local concert. It brought in a lot of money. Yung nangyari after, personal namin and it was sad, nakakalungkot. Pero kung show ang pag-uusapan, it was the best show. From the producers' point of view, we're happy. Inisip namin kung paano ibabalik sa tao ang suporta nila sa success ng Missing You. The best way is to give them another show."

"MY CONCERT KING." Bago sila magka-issue ni Martin and during the promo of Missing You, "My Concert King" ang tawag niya kay Martin. Ganun pa rin ba ang tawag niya rito ngayon?

"He'll always be the Concert King. I still look up to him as the Concert King," sagot ni Jomari.

"My Concert King" pa rin ba ang tawag niya kay Martin?

"I don't own him. Saka, that time, nagwu-work kami. Parang baby ko ang project na yun at respeto ko yun sa kanya," saad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa nagkikita sina Jomari, Martin, at Pops after what happened. Hindi na rin nagtatawagan si Jomari at ang kanyang ex-girlfriend. Sabi ni Jomari, sa billboard ng Mikaela na lang niya nakikita ang Concert Queen.

"I have to move on para naman makapagtrabaho ako. Anumang personal na pinagdaanan ko, I have to detach para makapagtrabaho ako. Parang wala pa akong pahinga, very demanding ang trabaho ko from Missing You to Zorro, and now this concert. I was doing Zorro, nagpi-pre-production na kami for this concert, nakakapagod."

BANTERING WITH JOMARI. Handa na ba siyang magmahal uli?

"I don't know."

Mahal pa ba niya si Pops?

"Oo naman."

Magkakaroon ba ng balikan sa kanilang dalawa?

"Nasa point ako ng buhay ko na when it comes to relationship, hindi ako naghahanap at wala akong pinaplano except work. Puro trabaho ako."

Kung manonood ng concert nina David Cook at David Archuleta sina Pops, Ara Mina, at Aiko Melendez, kanino niya ibibigay ang best seat?

"Para n'yo naman akong binigyan ng bugtong!" tawa niya. "Hahanapan ko sila ng upuan at ako na lang siguro ang uupo sa best seat. Ang hirap naman ng tanong ninyo! Let's put it this way... Kay Pops ko ibibigay ang best seat because I know she's a fan of the two Davids, pareho niyang gusto ang dalawa. Si Aiko naman, 'pag nanood, grupo yun. At si Ara, kasama ang boyfriend at kapatid niya. Wala pa akong in-invite sa kanila."

Ano na ang sitwasyon niya sa dalawang anak ni Pops? Nagti-text ba sina Robin at Ram sa kanya?

"No," sagot ni Jomari. "Sa akin naman, I will always have love and respect for the children, the same way na ipinakita ng mommy nila sa anak ko. I will leave it that way, mga bata yun at mas sensitive sa atin. Pagdating sa mga bata, hindi ako maririnig na magsasalita ng masama. I feel for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang sex life niya?

"Ano yun? Ano ba ang image ko sa inyo, sex toy?" natatawang sabi ng aktor.

Celibate ba siya?

"Magbibigay na lang ako ng statement!" tawa niya ulit. "It's not that I'm practicing it, it's just that I'm in a situation that I'm celibate. But I just wanna make it clear na lahat ng bisyo, itinigil ko na, puwera lang ang pagsisinungaling!"

TWO DAVIDS. May kamahalan ang tickets sa concert nina David Cook at David Archuleta ng American Idol Season 7 sa May 16, sa Mall of Asia Concert Grounds—P12,426 (Titanium); P6,215 (Platinum); P3, 625 (VIP); P2,075 (Gold); P625 (Silver; at P315 (Bronze).

Pero sabi ni Jomari sa PEP, bumebenta naman ito. Nakasisiguro rin ang producer ng concert na Fearless Promotions, kung saan bahagi si Jomari, na lalakas pa ang ticket selling habang nalalapit ang concert date at pag dumating na ang dalawang Davids sa May 12.

Ayon kay Jomari, "package deal" daw ang pagkakakuha kina Cook at Archuleta. Hindi raw niya alam ang sharing ng talent fee nila at pati ang share ng kani-kanilang management. Hindi ito canned show at in-adopt ng dalawang American Idol sensations ang kanilang contract para mabuo ang show na gagawin nila rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN