Kris Bernal resists falling for onscreen partner Aljur Abrenica

IMAGE 0


Young actress Kris Bernal candidly admits feeling jealous of other girls being linked to love-team partner Aljur Abrenica. "Oo naman, nagseselos ako," she readily confessed. "Hindi naman kasi maiiwasan 'yon. Pero ang maganda sa kanya [Aljur], pinapaliwanag niya agad, ini-explain niya."


Aminado si Kris Bernal na kasalukuyang nanliligaw sa kanya ang ka-love team niya na si Aljur Abrenica.

Magkatambal ang dalawa sa top-rating GMA-7 afternoon series na Dapat Ka Bang Mahalin?, na kamakailan lang ay pumalo ng 32.4 percent sa Mega Manila rating contest. At dahil na rin sa magandang ipinapakita ng programa ay minabuti ng Kapuso network na i-extend pa ang series hanggang sa darating na Hunyo.

Bagamat hindi pa sila ay hindi naman itinanggi ni Kris na nakakaramdam siya ng selos tuwing may ibang babae na nali-link kay Aljur.

"Nililigawan niya ako, so, di ba, siyempre kung nililigawan ka, isa lang, wala nang iba. So, feel ko naman, may karapatan din akong mag-react," depensa ni Kris sa sarili nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press kahapon, May 6, sa informal press conference ng Dapat Ka Bang Mahalin? sa GMA Network Center.

Alam naman daw ni Aljur kapag galit o nagtatampo ang kapareha. Nangingiting kuwento ni Kris, "Hindi ko kinikibuan. Alam na niya 'yon kasi alam niya cheerful ako sa kanya, kuwentuhan kami, chikahan kami. Pero mapapansin niya talaga 'pag tahimik ako, hindi ko siya pinapansin sa taping."

BIDING TIME FOR LOVE. Obviously ay malaki ang chance ni Aljur na mapasagot si Kris kung pagbabatayan ang mga naunang pahayag ng dalaga. Subalit mabilis ding nilinaw ni Kris na sa kasalukuyan ay ayaw muna sana niyang pumasok sa isang seryosong relasyon. Grabe raw kasi siya kung ma-in-love at natatakot ang dalaga na baka hindi niya mapagsabay nang maayos ang career at lovelife.

"Mahirap din akong ma in-love nang todo," sambit ni Kris. "Siguro 'yon din 'yong rason kung bakit ayoko muna pumasok ng relationship. Kasi ang daming maaapektuhan—trabaho ko, family ko. Kasi pag na in-love ako, nawawala 'yong focus ko talaga... Kumbaga, sa kanya umiikot 'yong mundo ko. So, hindi talaga puwede, kailangan kontrolin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay hindi pa rin naman daw totally convinced si Kris sa nararamdaman sa kanya ni Aljur. Kaya hindi niya pa rin masabi kung kailan niya balak sagutin ang binatang aktor.

"Siguro 'pag 100 percent ko nang naramdaman 'yong sincerity niya. Kasi ngayon, since maraming nali-link sa kanya, parang may doubt pa, e. Siguro 'pag talagang buo na talaga 'yong tiwala ko," sabi ni Kris sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN