Aljur Abrenica clarifies issue about non-showbiz girl's claim

IMAGE 0


"Ibang-iba na po siya, nag-mature na siya. Napaka-understanding, very professional, napaka-sweet niya, at alam niya kung paano maglambing. Pero sana mawala na po ang pagseselos niya sa akin. Sana pagkatiwalaan niya ako, dahil wala po naman akong ibang babae na nililigawan talaga," says Aljur Abrenica about onscreen partner Kris Bernal.


Magkatabi sina Aljur Abrenica at Kris Bernal habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) at iba pang entertainment press sa Executive Lounge ng GMA Network Center kahapon, May 6. Iyon ay para sa thanksgiving ng GMA-7 dahil sa consistent high rating ng Sine Novela nilang Dapat Ka Bang Mahalin?. Last March 30, Thursday, ay umabot sa 32.4 percent ang rating ng naturang afternoon soap sa Mega Manila, ayon sa AGB Nielsen Philippines.

Hindi raw inasahan nina Aljur at Kris na magiging ganoon ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang soap na base sa 1984 film starring Sharon Cuneta and Gabby Concepcion.

"Tuwang-tuwa po kami ni Kris," sabi ni Aljur sa PEP. "Pero siguro po, kung wala yung team—sina Direk Maryo J. delos Reyes, ang mga writers at production staff, at ang mga kasama namin sa cast—hindi po ito magiging big success.

"Nakakatuwa po na kilala na rin kami kahit sa mga probinsiya na pinupuntahan namin ni Kris. Nang gawin ko ang Dyesebel at Luna Mystika, kapag nagso-show ako sa probinsiya, 'Zaido Red' pa rin ang tawag nila sa akin. Pero ngayon, 'Lito' na talaga ang tawag nila sa akin."

MYSTERY GIRL IN PUERTO GALERA. Habang nasa tabi pa ni Aljur si Kris, nilinaw ng PEP sa young actor ang tungkol sa 15-year-old non-showbiz girl na nagngangalang Michelle, na nakilala raw niya noong nasa Puerto Galera sila noong Holy Week. Kini-claim daw ng dalaga na gusto siya ni Aljur.

Dapat kasi ay magkasama sina Aljur at Kris sa Puerto Galera, pero nagkaroon ng problema ang young actor sa kanila sa Batangas. Kaya kung kailan pabalik na sa Manila si Kris, saka naman dumating sa Puerto Galera si Aljur.

Paliwanag ni Aljur, "Dalawang araw po kami doon [sa Puerto Galera]. Kasama ko po ang barkada kong sina Moymoy Palaboy, at na-meet namin ang barkada nila [Michelle]. Ang alam nga namin, mga promodizer sila dahil may ibinebenta silang mga products doon. Dahil maliit lang naman ang Puerto Galera, sa two days na nandoon kami, lagi kaming nagkikita—barkada ko at barkada nila. Pero hanggang doon lang po 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagalit daw ang mother ni Michelle dahil nag-deny si Aljur kaya nagpadala ito ng pictures sa isang editor para ipakitang magkakasama sila talaga sa Puerto Galera. Pero ayon naman sa editor, wala siyang makitang masama sa picture kaya tinanong niya si Aljur kung puwede niya itong i-publish. Ang palagay raw kasi ng editor, gustong mag-artista ni Michelle kaya gumagawa ng ingay.

"Okey lang po sa akin kung i-publish ninyo, kasi wala po naman talagang katotohanan na nagkagusto ako sa kanya," nakangiting sabi ni Aljur.

Tinanong naman ng PEP si Kris kung paano niya tinanggap ang naturang balita, at kung sinabi ba ni Aljur sa kanya ang tungkol dito.

"Siyempre po, nagselos ako," pag-amin ni Kris. "Pero hindi po siya ang nagsabi sa akin, may nagkuwento lang, na may kasama raw ibang babae si Aljur sa Puerto Galera. Tinext ko po siya [Aljur] agad at tinanong kung ano ang tungkol doon. In-explain naman niya sa akin lahat, at naintindihan ko naman siya.

"Kilala ko po si Aljur, hindi naman siya mahilig sa ganoon. Siguro po, 'yon ang isa sa ipinagseselos ko sa kanya, masyado siyang lapitin ng mga babae," sabi ng dalaga.

Ano naman ang ipinagseselos ni Aljur sa ka-love team?

"Tumatahimik na lang po ako pag may kausap siyang ibang guy sa cell phone!" natatawang wika ni Aljur. "Nagtatampo ako sa kanya dahil nasanay na ako lang ang kausap niya."

Paano naman hina-handle ni Aljur ang mga intriga, gaya ng sa Puerto Galera?

"Okey lang po, lalo na kung hindi naman totoo," sagot ni Aljur. "Wala naman po akong ginagawang masama. Nagtatrabaho lang ako para sa mga taong nanonood sa amin. Pero binabasa ko pa rin kung anuman ang mga nasusulat na intriga sa akin."

THE REAL SCORE. So, ano na ba talaga ang level ng relasyon nila ngayon ni Kris? Hindi naman nila itinatago na habang kausap namin sila, magka-holding hands sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po masabi," tugon ni Aljur. "Siguro what you see is what you get. We're exclusively dating at almost every day magkasama kaming dalawa. Bahala na po kung ano ang gusto ninyong itawag sa amin, kung magka-MU [mutual understanding] kami. Basta nanliligaw po ako sa kanya, pero hindi pa po niya ako talaga sinasagot."

Since matagal na rin silang magkasama ni Kris, may nakita na ba siyang pagbabago sa dalaga?

"Ibang-iba na po siya, nag-mature na siya. Napaka-understanding, very professional, napaka-sweet niya, at alam niya kung paano maglambing. Pero sana mawala na po ang pagseselos niya sa akin. Sana pagkatiwalaan niya ako, dahil wala po naman akong ibang babae na nililigawan talaga."

Sa May 17 ay 20th birthday na ni Kris. Ano ang ireregalo ni Aljur sa kapareha?

"Yun nga po ang pinuproblema ko ngayon," naiiling na wika ni Aljur. "Nabanggit po niya sa akin kung ano ang gusto niyang birthday gift. Kaya lang, hindi ko pa po talaga kayang bumili ng gano'n. Hindi rin po kasi ako materyal na tao. Kaya gusto ko ang ibibigay ko sa kanya, yung pinaghirapan ko; like an appreciation letter, na sasabihin ko sa kanya how I appreciate her, lahat ng mga ginagawa niya sa akin."

Sinikreto sa amin ni Kris kung ano ba ang gusto niyang birthday gift. Ito ay isang Chanel pair of earrings daw. Medyo mahal nga, pero hindi raw naman ibig sabihin 'yon na ang hihingin niyang gift mula kay Aljur.


DAPAT KA BANG MAHALIN? Nasa tenth week na ngayon ang Dapat Ka Bang Mahalin?. Sixteen weeks itong tatagal at third week of June pa ito matatapos. May susunod na ba silang show pagkatapos nito?

"After po ng taping namin ng soap, magsu-shooting po kami ng movie under Tito Maryo pa rin, sa Regal Entertainment, kasi doon kami naka-contract ni Kris. Sa Bohol po ang location namin at sabi ni Direk Maryo, magsisimula raw kami sa June 15, at 15 days daw kami doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bago 'yon, pupunta po muna kami ng Dubai para sa GMA Pinoy TV sa June 11. Excited na po kami ni Kris, kasi first time namin 'yon magta-travel abroad at hindi namin 'yon ini-expect," pagtatapos ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN