Rhian Ramos answers questions about her past and present leading men

IMAGE 0


Young actress Rhian Ramos (in photo) talks about the status of her relationships with Richard Gutierrez, JC de Vera, and Mark Herras.


Nag-sorry agad ang young actress na si Rhian Ramos dahil na-late siya ng dating sa pocket interview na ipinatawag ng GMA Artist Center para sa kanya. Ginanap ito sa Souvenir Room ng bagong GMA Network Studios kahapon, May 6.

Kagagaling lang daw kasi ni Rhian noong umaga sa taping ng Zorro sa Bagac, Bataan. Madalas daw silang nahihirapang mag-taping sa labas dahil laging umuulan doon.

Kaya bilang bawi sa kanyang pagkaka-late, sinagot ng young actress ang lahat ng tanong sa kanya.

RICHARD GUTIERREZ. Sa Zorro ay kapansin-pansin ang haba ng kissing scenes nila ng leading man niyang si Richard Gutierrez sa isang episode ng naturang fantaserye ng GMA-7. Hindi ba nailang si Rhian sa eksena?

"Hindi naman ako talaga nailang. Pero hindi pa rin ako sanay, medyo weird pa rin ang feeling. Pero I'm very comfortable working with Richard, kasi nga matagal na kaming magkasama, sa Captain Barbell at Lupin, at ngayon nga itong Zorro.

"Kung hindi man kami nakagawa ng show before ng Zorro, hindi naman nawala ang contact naming dalawa. Open lagi ang communication namin. Mas sanay akong katrabaho si Richard, siguro dahil basang-basa ko na siya. Kahit off-camera, facial expression pa lang niya, alam ko na kung inaantok na siya, kung nagugutom na siya, kung pagod na siya."

JC DE VERA. Kumusta naman sila ni JC [de Vera], nabawasan ba ang "friendship" nila dahil hindi na sila magkasama at may kanya-kanya na silang projects?

"In contact pa rin kami ni JC," sabi ni Rhian. "Hindi na nga lang kami nagkikita lagi tulad noong magkasama pa kami sa Lalola dahil lagi akong nasa location. Alam ko, he's now preparing for his new project sa GMA-7."

May nagtanong kay Rhian kung aware siya na nasa Boracay si JC noong Holy Week at may kasama raw siyang babae doon. May nag-correct naman na nasa Pagudpud, Ilocos Norte ito noong Holy Week at after Holy Week nagpunta ng Boracay ang young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang, cool," nakangiting sagot ni Rhian. "Kung nasaan man siya noong Holy Week, nasa Pagudpud o nasa Boracay siya, wala naman ako dito noon, nasa New York ako. Okay lang kung may kasama siya, hindi ko na itinanong sa kanya. Saka hindi naman kami, e."

MARK HERRAS. May nasulat noon na nag-text siya kay Mark Herras noong nasa New York siya. Totoo ba ito?

"No, zero, no communication na kami ni Mark," parang nagtatakang wika ni Rhian. "Hindi na rin kami nagti-text. Sabi ba niya?

"Hindi ko naman kinu-consider na nawala na ang friendship namin ni Mark. Nami-miss ko rin naman siya 'saka yung mga friends na hindi ko nakikita. Huli kong nakita si Mark noon pang premiere night ng Sundo. Nag-hi ako sa kanya, pero nakatingin lang siya sa akin.

"Medyo passive ang friendship namin, 'saka wala naman kaming pagkukuwentuhan. Pero sana makita ko rin yung ibang mga friends ko. Kaya nga nagbalik ako sa Facebook ko, kailangan ko ring mag-update at huwag mahuli sa balita."

Alam ba niyang nakikipag-chat daw si Mark kay Sarah Geronimo?

"Oh, I love her [Sarah]!" bulalas ni Rhian. "Na-meet ko na siya, tapos parang sobrang friendly siya. Nagkita kasi kami sa may Roxas Blvd, sa may seaside. Hindi ko na matandaan kung ano 'yon, basta nandoon siya, nandoon ako, nag-wave ako sa kanya. Siya pa nga ang lumapit sa akin, sabi niya nanonood daw siya ng Lalola. Ako naman, na-starstruck sa kanya. Siya lang kasi yung babaeng nakita ko na magaling kumanta.

"Siguro, bagay sila ni Mark. Magka-height naman yata sila," pahabol niya.

HIGH SCHOOL GRADUATE. Ipinaalam ni Rhian na nag-graduate na siya ng high school sa PSIS (dating Distance Learning Center ng ABS-CBN).

"Sorry, hindi ko matandaan ang meaning ng PSIS, nasa cell phone ko," nakangiti niyang sabi. "Wala naman kaming graduation, pero happy ako at puwede na akong mag-college. Hindi pa nga lang ako puwedeng mag-college this year. Hindi ko pa rin kasi alam kung ano ang kukunin ko. Gusto ko kasi Psychology, pero gusto ko rin ng designing, interior or design, pero pinag-iisipan ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Next week kasi, I will start shooting Panday with Senator Bong Revilla and Iza Calzado. Ako raw yung isang leading lady niya na less romance, more on fighting. I will be using daw dagger o punyal. According to the script, nare-realize ng character ko na older siya [Bong], pero may crush ako sa kanya. Ang alam ko, I will be paired with Geoff Eigenmann na first time ko ring makakatrabaho."

Nasa Boracay ngayon si Rhian para sa volleyball tournament ng Nestea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN