Ai-Ai delas Alas admits dating a Venezuelan model

IMAGE 0


"Kakakilala pa lang namin, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang. But we go out, pero group date yun," says Ai-Ai delas Alas about Venezuelan model Julio Cabrera (inset), whom she is dating now.


Usap-usapan na may bagong "apple of the eye" ngayon ang tinaguriang Comedy Queen. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai sa set ng morning show na Ruffa and Ai kahapon, May 7, ay kinumpirma nito na isang Venezuelan model ang kanyang idine-date sa ngayon.

"His name is Julio Cabrera, he's 25 years old, 5'11", an international model from Venezuela. Nagkakilala kami through Bong Quintana [partner of Boy Abunda, Ai-Ai's manager], may friend siya dati sa PAL na handler naman ni Julio," pagbibigay-impormasyon ng comedienne.

Taliwas sa mga unang report na nanalong Mr. Venezuela si Julio noong 2002, bagamat sumali nga siya sa naturang contest, ay semi-finalist lamang ang inabot niya noong 2003, at hindi noong 2002. Walang contest na naganap noong 2002 dahil sa political issue sa Venezuela.

Pero si Julio—na ang buong pangalan ay Julio Cesar Cabrera Mendieta—ang naging representative ng Venezuela sa Mr. International 2002, kung saan naging runner-up siya sa title holder mula sa India.

"Hindi kami," paglilinaw ng comedienne tungkol sa estado ng relasyon nila ni Julio. "Kakakilala pa lang namin, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang. But we go out, pero group date yun. Sa Makati, sa Greenbelt... Actually, nandito siya pero sandali lang. Alam ko, two to three months lang sila dito. Pero aalis na rin agad pero baka bumalik din naman. Malayo kasi ang pinanggalingan nila. From dito, pupunta sila sa China, Thailand...dun sila magmo-model naman. Umiikot sila kasi ang layo ng sa kanila."

Isang group date na maganda naman daw ang kinalabasan, kung saan hindi pala alam ni Julio na artista si Ai-Ai.

"Ipinaalam lang sa kanya ng isang kaibigan niya, na she's ganito of the Philippines, etc. etc... Yung isang friend niya ang nagsabi, na I looked like 25 daw. Ang mga Asians daw talaga ay mukhang bata," kuwento ni Ai-Ai.

Bukod sa given na guwapo si Julio, iba rin daw itong tumingin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang mabait siyang tao, pero mukha siyang mahiyain. 'Saka pag tumingin siya, matutunaw ka!" sambit ng comedienne.

Ayon kay Ai-Ai, sa pagkakalam niya ay wala namang girlfriend o asawa si Julio gaya ng sinabi nito sa kanya.

"Hindi natin alam kasi baka sa Venezuela mayroon pala siyang girlfriend, kasi siyempre binata yun. Tinanong ko na naman siya kung may girlfriend ba siya, wala naman daw," aniya.

Sa nalalapit na premiere night ng pelikula niya with Sharon Cuneta na BFF (Best Friends Forever), on May 12 sa SM Megamall Cinema 10, ay isasama raw ni Ai-Ai ang Venezuelan model.

"Oo, isasama ko si Julio. Para makita naman niya ang trabaho ko," sambit ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN