UPDATED: Francine Prieto's mom in need of blood donations

May 8, 2009
Sexy comedienne Francie Prieto's mother is diagnosed with ovarian cancer. Her mom is now in need of blood donations.

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula sa dating manager ni Francine Prieto na si Ces Evangelista. Ayon sa text message, nangangailangan daw ng dugo ang mommy ni Francine na si Mrs. Amy Falcon, na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na ovarian cancer.

Ito ang dumating na text message sa PEP:

"Hi Everyone! Si Mommy Amy ko may ovarian cancer, today [May 7] mag-start 1st cycle ng NeoAdjuvant Chemotherapy niya, dahil mababa hemoglobin niya kaya kakailanganin niya ng blood lalo na sa surgery niya. Sa mga gusto mag-donate, punta kayo sa Cardinal Santos Medical Center, Wilson St, San Juan 7 a.m.-8 p.m. Pakilagay sa name ng patient Amelia Falcon, for every bag na kakailanganin niya 3 donors ang kapalit, maganda din mag-donate para sa cycle ng blood ninyo. Thank u so much!"

Nakausap ng PEP si Francine through her Facebook account at tinanong siya kung anong type ng dugo ang kailangan ng mommy niya.

Continue reading below ↓

"Any type po. Kasi po replacement yun ng ibibigay na blood for mommy. Nag-iipon kami now ng dugo para sa mga susunod na chemo at lalo na for her operation. For every one bag na ibibigay nila for mommy, three blood donors ang kapalit. Kami po ng mga kapatid ko ang unang nagbigay ng dugo. Thanks po ulit," sagot ni Francine.

Hindi na full-time manager ni Francine si Ces, pero magkaibigan pa rin ang dalawa at paminsan-minsan nga'y booking agent pa ni Francine for shows and appearances.

Read Next
Read More Stories About
Francine Prieto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy comedienne Francie Prieto's mother is diagnosed with ovarian cancer. Her mom is now in need of blood donations.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results