SPOTTED: Dra. Vicki Belo and Hayden Kho in Pacquiao's recent fight in Las Vegas

IMAGE 0


This photo of Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, which was emailed to PEP by a source and has been circulating on the Internet, was reportedly taken in Las Vegas when they watched the Pacquiao-Hatton fight.


Matagal nang usap-usapan ang diumano'y pagbabalikan ng beauty expert na si Dra. Vicki Belo at ng beauty surgeon turned actor na si Dr. Hayden Kho. Ito ay pagkatapos ng well-publicized breakup nila bago matapos ang 2008.

Bagamat may mga report na nagkabalikan na sila at nakita diumano sila na magkasama sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, ayaw pa ring magbigay ng kumpirmasyon nina Dra. Belo at Hayden. Pero hindi pa rin mamatay-matay ang usaping ito.

Kaugnay nito, nakakuha ng impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sina Dra. Belo at Hayden na nanood ng laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton noong May 2 (U.S. time) sa Las Vegas, Nevada.

Bilang patunay na magkasama nga sina Dra. Belo at Hayden sa U.S. ay kumakalat din sa Internet ang larawan nila. Kasama ng dalawa ang mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, ang mga magulang ni Lucy, at ang showbiz insider na si Bernard Cloma.

Ayon sa source ng PEP, na nanood din ng laban, nakiusap diumano sila sa mga naroong press na huwag i-report ang pagkakakita sa kanila. Subalit sa pagkalat ng larawan sa Internet at sa madalas na sighting ng dalawa, malabong mangyari ang request nila na huwag itong pag-usapan ng media.

Mula naman sa isa pang source, sabay raw umalis ng Pilipinas sina Dra. Belo at Hayden patungong U.S. noong April 29. Nakunan pa nga raw sila ng TV camera ngunit walang lumabas na footage nito.

Dagdag pa ng aming source, sa Four Seasons Hotel sa Las Vegas nag-check-in sina Dra. Belo at Hayden.

May nakausap ang PEP mula sa circle of friends ng anak ni Dra. Belo na si Quark Henares, na nagkabalikan na raw ang beauty doctor at si Hayden.

Pero isa ring malapit na kaibigan nina Dra. Belo at Hayden ang nagsabi sa PEP na hindi pa raw sila talaga nagkakabalikan. Sabi nito: "As far as I know, they are not 'back together' in the romantic sense of the word. But they see each other for other reasons."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay ng pagkalat ng larawan nina Dra. Belo at Hayden na magkasama sa U.S., kumakalat din ngayon sa Internet ang isang video ni Hayden na sinasabing dahilan ng paghihiwalay noon nina Hayden at Dra. Belo.

Ang tanong tuloy ngayon ay kung iisa lang ba ang source ng kumakalat na litrato nina Hayden at Dra. Belo at ang video ni Hayden?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN