Jennylyn Mercado missing from live guesting and mini-presscon

IMAGE 0


Singer-actress Jennylyn Mercado is reportedly missing after failing to show up at her scheduled live guesting on Startalk yesterday afternoon and at a mini-presscon for her birthday concert later that night.


Isinusulat ang balitang ito, balot pa rin ng pag-aalala at kaba ang mga taong malalapit kay Jennylyn Mercado. Ito ay matapos na hindi sumipot ang actress-singer sa live interview niya sana sa Startalk kahapon, May 9. Hindi rin siya dumating sa pocket interview para sa kanya kinagabihan kaugnay sa nalalapit niyang second birthday concert na I Am Woman, na gaganapin sa Music Museum sa May 14.

Tanging ang manager ng aktres na si Becky Aguila ang humarap sa entertainment press sa Max's restaurant kahapon dahil hindi nito ma-locate kung nasaan ang kanyang alaga.

Kuwento ni Becky sa PEP (Philippine Entertainment Portal), alam ni Jennylyn ang guesting nito sa Startalk at ang presscon nito sa gabi. Nagpasabi pa nga raw ang StarStruck 1 Ultimate Female Survivor na ipagagawa lang niya ang kanyang kamera at saka magpapaayos ng buhok para sa paglabas nito sa showbiz-oriented talk show ng GMA-7.

Pero walang Jennylyn Mercado na sumipot sa show at sa presscon nito, bagay na ikinakaba at ipinag-alala nang husto, hindi lang ni Becky kundi maging ng kanyang Tita Babette.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi sumipot si Jennylyn sa presscon para sa kanyang concert. Last Wednesday, May 6, ang unang schedule ng presscon niya, pero hindi nakarating ang singer-actress dahil isinugod daw siya sa hospital.

Tanging ang actress-singer lang daw ang mag-isang lumakad at nagmaneho ng kanyang sasakyan. Wala rin daw kasamang alalay si Jennylyn.

"Yung lagi niyang kasa-kasamang tita-titahan niyang si Babette, masakit ang ulo kaya hindi nakasama. Yung alalay naman niya na si Rose, nagpunta sa bahay para kunin yung laing na ibibigay kay Nay Lolit [Solis, isa sa host ng Startalk]," lahad ni Becky sa scenario kung bakit mag-isa lang na umalis ng bahay si Jennylyn.

Madalas naman daw nagmamanehong mag-isa si Jennylyn kapag wala itong maasahang driver. Ngayon lang daw nagkaroon ng ganitong pangyayaring hindi nagparamdam ang aktres at hindi nakasipot sa magkakasunod niyang showbiz appointments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses na raw tinawagan ni Becky sa kanyang cell phone si Jennylyn. Pero hindi ito sumasagot, bagay na lalong nagpaisip nang malalim sa talent manager.

"Hindi niya usually ginagawa ang hindi sumagot sa call or nagre-reply," sabi ng manager ni Jennylyn. "May mga instance na hindi siya nagre-reply agad, pero hindi ganito katagal. I'd like to think na may aberyang nangyari. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano."

WHERE IS JENNYLYN? Ayaw pa sanang ipasulat ni Tita Becky na nawawala si Jennylyn dahil baka isipin ng taong gumigimik ito para sa kanyang concert. Isa pa, posibleng magkaroon ito ng epekto sa sales ng concert, lalo't may problema silang naeengkuwentro sa pagkawala ng kanyang alaga.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero lalabas din ito. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari and ayokong mag-worry. Pero kailangang malaman ko kung okey ba siya o ano," saad ni Becky.

Wala raw nakikitang sintomas na nagluluka-lukahan si Jennylyn, ayon pa rin kay Becky. Imposibleng lovelife din daw ang rason ng pagkawala nito dahil ang anak lang daw nitong si Alex Jazz ang pinagtutuunan ng pansin ni Jennylyn.

"I don't think this has something to with lovelife. Ang 'boyfriend' niya ngayon ay yung anak niya. And aware si Jennylyn na may anak siyang dapat niyang bigyan ng future. It's her comeback. Kung magluluka-lukahan siya, hindi niya mabibigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya."

Hindi rin daw nakitaan ni Becky nang kawalan ng interes sa gagawin niyang concert si Jennylyn dahil halos wala na raw itong pahinga sa pagre-rehearse ng kanyang mga kakantahin. Maging ang direktor ng concert na si Calvin Neria ay saksi sa kasiglahan nito sa kanyang rehearsals.

"Ang laki ng in-improve ni Jennylyn sa pagkanta," sabi ni Calvin. "Pati yung vocal coach, nagugulat kasi ang ganda ng boses ngayon ni Jen. Hindi nga siya bumibirit, pero may sariling style at maganda ang quality ng boses niya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

.

"Masaya siya, inspired at excited siya sa concert. In fact, nag-blowout siya sa mga staff and musicians niya ng Starbucks. Sabi nga no'ng mga musicians, ngayon lang daw sila nakatikim ng blowout na Starbucks. Yung iba raw, walang ganong blowout."

Ipinatawag na ni Becky ang tita ni Jennylyn para alamin pa ang posibleng puwedeng puntahan ng actress-singer. Namamaga na ang mga mata ng tita ni Jennylyn sa kakaiyak sa labis ng pag-aalala.

Kung hindi pa makakakuha ng impormasyon sa whereabouts ni Jennylyn hanggang ngayong araw, May 10, hihingi na raw sila ng police assistance. Sa kasalukuyan, si Becky muna ang personal na kumikilos para magtanong sa mga kaibigan at kakilala ng aktres sa posibleng puntahan nito.

Dasal ng mga taong malalapit kay Jennylyn, walang masamang nangyari dito at sana ay makasipot siya mamaya sa SOP para sa kanyang birthday presentation at promo na rin ng kanyang concert.

Magse-celebrate ng kanyang 22nd birthday si Jennylyn sa May 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN