Manny Pacquiao's mom wants him to quit boxing

IMAGE 0


While Dionisia Pacquiao enjoys the perks of being the champion's mother, she would still love to see Manny leave the ring. "Napagod na ako sa sobrang pag-pray sa kanya!" she said.


Suwerte para kay Joey de Leon dahil nakuhanan daw nila ng phone interview sa Startalk noong Sabado ang maituturing na pinakasikat na "nanay" sa buong mundo ngayon — si Aling Dionisia Pacquiao na siyempre pa'y nanay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Unang tanong ni Joey kay Aling Dionisia ay kung ano raw ang gusto nitong itawag sa kanya ng host. Mabilis naman itong sinagot ni Aling Dionisia, "Mommy!"

Marami raw ang nagtatanong kung bakit hindi siya nakisaya sa pagdating ni Manny sa bansa noong Friday, at dumiretso agad sa General Santos.

"Alam naman ni Manny, nagpaalam ako. Kasi, parang pagod talaga ako. Bago lang akong nakalabas ng hospital du'n sa Vegas."

MEMORABLE MOMENTS. Kumusta naman ang mga experiences niya sa Los Angeles at Las Vegas at mga experiences na hindi niya makakalimutan?

"Ay naku, ang mga pag-bonding-bonding namin du'n, ang pag-ikot-ikot namin sa America. Ang tinitirhan lang ng Presidente ang hindi ko napuntahan, yung kay Barack Obama, sa White House raw? Yun lang hindi ako nakapunta."

Kuwento ni Mommy Dionisia, na tila may inggit pero may halo ring pagmamalaki, mabuti pa raw itong pinsan niya at malapit ang bahay sa White House at nakapagpa-picture nang kasama si Obama. Uuwi raw ang pinsan at iba pang kamag-anak sa May 11 para sa kanyang birthday party.

Ano naman ang masasabi niya sa obserbasyon na kasing-sikat siya ng anak na si Manny?

"Siyempre, na-enjoy naman talaga ako ru'n, na-enjoy! Ang mga tao po ru'n, mababait. May mga nag-aasikaso sa akin. May mga sumasama-sama sa akin."

What if yayain siya ng mga tao sa U.S. na doon na tumira? "Oo! Nagyayaya sila. Sabi nila, dito ka na lang tumira, Mommy. E, sabi ko, ay, marami akong kamag-anak sa Philippines."

Natawa si Mommy Dionisia sa biro ni Joey na isama raw niyang lahat ng kamag-anak doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY'S FERVENT WISH. Ano ang mga hiniling niya kay Manny pagkatapos nitong manalo sa laban nila ni Ricky Hatton?

"Gusto ko, huminto na sa pag-boxing! Yun ang sinabi ko sa kanya noong magharap kami. Noong magsolo kaming kumain du'n sa L.A. Sinabi ko nga na stop ka na mag-boxing, 'nak!

"E, tumatawa lang. Sabi niya, malakas pa raw ang katawan niya. Sabi ko, kahit malakas pa, hihintay ka pa ba na masira, papaabot ka pa ba na ano mangyari sa 'yo? Huminto ka naman na, ako ang napagod!"

Natatawang tinuloy ni Mommy Dionisia ang kanyang kuwento: "'Bakit napagod ka? Hindi ka naman nagbo-boxing?' E, sabi ko, napagod ako sa sobrang pag-pray ko sa kanya, pagdasal!"

MOTHER'S DAY. "Ay, maraming binigay 'yan sa akin... nag-shopping kami. Tapos sa shopping, binilhan ako ng relo kahit na hindi pa siya nakalaban kay Hatton. Binilhan na niya ako ng relo! Yung Rolex na may mga diamond sa paligid! At mga bags na mamahaling mga bags! Mamahalin talaga! Parang kung ibenta mo, parang matanggap sa pawnshop! Ha ha ha!"

Pinag-iisipan daw ni Manny na i-produce siya ng pelikula. Type niya bang mag-showbiz? "Ay, pag-isipan ko pa 'to! Kaming mag-pamilya, pag-isipan pa namin ni Manny."

Ano ang mensahe niya kay Manny ngayong Mother's Day? "Ay, sana i-greet nila ako kahit nandiyan sila sa Maynila. Kahit sa cp, mag-greet sila na Happy Mother's Day."

Ano naman ang message niya sa mga fans ni Manny sa buong mundo? "Ay, sa mga fans ni Manny, maraming salamat. Lalo na sa mga nagtulong-tulong magdasal. Maraming salamat sa inyo. Sa mga idol sa anak ko, thank you."

Ayon din kay Mommy Dionisia, tuloy na tuloy na ang kanyang ballroom dancing sa May 15 na mismong birthday niya rin. Ang pinaka-favorite niya raw na sayaw ay tango at swing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN