Paolo Contis leaves home amid strained relations with mom

IMAGE 0


Paolo Contis and Lian Paz feel that outsiders' comments are fueling his estrangement from his mother. "Naunahan na ng tsismis, lumabas na sa TV, lumaki, so feeling ng mommy ko, naiwan siya, siya yung huli. So, lumaki ang tampo niya sa akin," said the actor.


Confirming the rumors na nagsasarili na ng bahay ang actor na si Paolo Contis, ininterbyu ng Startalk at kinuhanan si Paolo sa kanyang bagong bahay sa Quezon City. Sa pagkakataong 'yon ay kasama ang kanyang girlfriend na si Lian Paz.

Nilinaw ni Paolo na walang katotohanan ang mga isyung naglalabasan kaugnay ng paglipat niya ng bahay. Ang pinakagrabeng tsismis ay ang intrigang pinalayas diumano siya ng mga magulang.

"Hindi naman, hindi. Kasi hanggang ngayon, inaano pa ako ni Papa, anytime puwede akong pumunta, or anytime puwede akong umuwi. Pero never akong pinalayas or inutusan na 'oy, maghanap ka na ng ibang lugar'. Walang ganoong nangyari. So, voluntarily, hindi ako napilitan kasi, gusto ko na rin talaga."

Maayos ba ang pag-alis niya sa bahay? "Hindi siya the best, pero hindi siya sobrang okey. It could have been better. Pero, it should do for now, sa akin. Wala naman akong galit na kailangan kong may mapatunayan. It's also good for myself. I wanna prove something to myself. I'm not getting any younger."

MISUNDERSTANDING WITH MOM. Ngunit aminado si Paolo na malaking factor ang hindi pagkakaunawaan nilang mag-ina. "Hindi ko alam kung anong extent nu'ng problema. Pero, ako kasi, I refuse arguments. Ayoko ng arguments. Feeling ko, nakasama rin yun.

"Ini-isolate ko ang sarili ko and, eventually, I wanted to tell them kung ano yung nangyayari sa buhay ko. Naunahan na ng tsismis, lumabas na sa TV, lumaki, so, feeling nila, lalo na ng mommy ko, naiwan siya, siya yung huli. So, lumaki ang tampo niya sa akin."

Paolo is referring to the issue between his mom and his girlfriend Lian. May mga naglalabasan ngang balita na hindi pabor ang ina ng binata sa pakikipagrelasyon nito sa EB Babes.

"Nakakapanghinayang kasi, gusto kong makita niya kung gaano kami ka-okey. Alam n'yo yun? I feel bad na hindi niya nakikita yun. Naunahan ng galit. Naunahan ng maling perception ng tao. And I had to fight for it. Kasi, kung pagbibigyan ko yung tingin nila, mali, e. Mali talaga. Hindi ko makuha yung point na pagbigyan ko sila sa kung ano ang tingin nila kay Lian. Hindi yun ang nakikita ko, e. So, it's very unfair for her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng Startalk si Lian regarding the issue. "I'm hurt. I'm hurt because I was not given the chance na maipakilala ko yung sarili ko sa kanila. Maipakilala niya ko. Siyempre, ang hirap ng ganoon na magkasama nga kami, pero may kulang pa rin. It's difficult for me, kasi nakikita ko siyang malungkot because of his family. I'm not here to ruin his family. I'm not here to ruin his bonding with his family."

DEFENDING THEIR LOVE. Lian stands by Paolo andhe's grateful to her:

"Ako kasi, vocal akong makipaglaban in public. Sa mga interview, sabihin mo nang nakikipaglaban ako for her. Pero, she's also fighting for me as well. For the fact na hindi niya ko iniwan, nandiyan siya. Kumbaga, tahimik yun, pero ang laking bagay nu'n para sa akin. Nilalabanan niya lahat ng intriga laban sa kanya. Para lang lunukin niya yun dahil dumating ako sa buhay niya, I'm very thankful for that."

Sa isang banda, malaki rin naman ang pasasalamat ni Lian kay Paolo. "Yun talaga ang pagpapasalamat ko sa kanya, kasi hindi niya ako hinayaang mag-isa. Kasi, nagtutulungan kaming dalawa para i-prove sa lahat na mali kayo. In time, makikita n'yo rin."

Para naman kay Paolo, "Kung may pagkakamali man ako, hindi ko naman ginusto yun. Sino ba ang ayaw na proud sa 'yo ang nanay mo or ang pamilya mo? I hope, one day, makikita nila ko. And they will be proud of me."

Hindi pa rin daw nakakausap ni Paolo ang kanyang nanay at text messaging lang ang kanilang communication. "I believe, she's worried sa kalagayan ko. Siguro kung meron man akong gustong iparating sa kanya, I'm okay, I'm doing well. I'm taking care of myself. Hindi ako umalis ng bahay para magloko. Hindi totoong umalis ako ng bahay para sirain ang trabaho ko. Mapapatunayan ko na mali ang mga naririnig mo sa mga kaibigan mo na kung ano-ano ang ginagawa ko or whatsoever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO LIVE-IN. Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Lian ang maging emosyunal at mapaluha. Aniya, "When I go to church, hindi muna ko magpi-pray, lahat ng gusto kong isipin, lahat ng problema ko, iisipin ko muna. Tapos, doon ako magdarasal. Sasabihin ko sa Kanya na Siya lahat ang nakakaalam ng mga nangyayari sa akin ngayon. Kung ano ang meron ako ngayon, Siya ang nagbibigay. So, alam ko, siya rin ang makaka-solve nu'n. Nahihirapan man ako ngayon, but I know in time, sa tulong Niya, makakaya ko rin."

Itinanggi rin ni Paolo ang isyung nagli-live-in na sila ng girlfriend. "Solo ko itong lugar. Pero, nagpupunta siya rito. Siyempre, alam niyang hindi ako marunong magluto, so nagluluto siya. Pati sa paglilinis, mas may alam siya sa akin. So, tumutulong siya."

Pero kung si Lian ang tatanungin, pabor siya na magsama na sila ni Paolo sa iisang bubong. "The moment na sinabi ko sa kanyang yes, oo. At saka, duon din naman pupunta yun... ready naman na ako. Gusto ko rin naman na siya na. Siya na talaga."

OVARIAN CYST NOT PREGNANCY. Hindi raw totoo ang tsismis na buntis na si Lian kung kaya't nakikita sila sa mga ob-gyne section ng hospital but because Lian was diagnosed with an ovarian cyst.

At sa lahat ng ito, supportive si Paolo sa kanyang girlfriend. "I'm always there for her. Every checkup she needs, I'm there. Kasi nga, sabi nga nila, yung nangyari sa kanya ay medyo stress-related. So, I'll do my best not to stress her out."

May panawagan ang dalawa sa mga taong patuloy raw ang pagbira kay Lian sa kabila ng kalagayan nito.

Ayon kay Paolo, "Get a life! My girlfriend is stressed because of that and it's not healthy. Kung hindi kayo makakatulong, quiet na lang. Kung may gusto kayong sabihin sa amin, sa sarili n'yo na lang. Pagkuwentuhan n'yo na lang. Huwag n'yo nang i-broadcast kasi, again, hindi kayo nakakatulong sa aming dalawa ni Lian. Hindi rin kayo nakakatulong sa amin ng nanay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Lian, "I cannot please everybody, okey lang yan. Pero, huwag naman to the point na pati yung sakit ko, you have to criticize it, di ba? Ang sakit-sakit na nga ng mga pinagsasabi n'yo, tapos, on my part pa, lalo pa akong nadi-depress."

EX-GIRLFRIEND. Sa huli,umaasa sina Lian at Paolo na maayos din ang lahat sa mga nakasamaan nila ng loob. Kabilang na kaya rito ang ex-girlfriend ni Paolo na si Isabel Oli? Ani Lian, "Yes, nagkita kami, pero wala pang batian or usap kami. I just smiled at her."

Iba naman daw sa part ni Paolo. "Ako, hindi ko pa nakikita si Isabel, pero I'm willing... I'm willing to see her. Siguro naman nakikita ni Isabel na okey kami ni Lian. And I know, she's happy for me and I wish her the same."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN