Patrick Garcia says he made efforts to see his son by ex-partner Jennylyn Mercado

IMAGE 0


Patrick Garcia is taking a two-week break from showbiz and intrigues to tour Scotland, England, and France with his father, brother and two half-siblings.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 10, ang aktor na si Patrick Garcia sa hallway ng ABS-CBN. Ikinuwento ni Patrick sa amin na aalis siya ng bansa ngayong araw (May 11) for Europe para magbakasyon kasama ang kanyang daddy, brother, at half-sister and half-brother. Two weeks daw silang mag-i-stay doon.

Bakit Europe ang napili nilang pagbakasyunan?

"Yun kasi ang place na hindi pa namin napupuntahan talaga. First time kong pumunta doon kaya excited," sabi ni Patrick. Sa Scotland, England, at France ang pupuntahan nila.

So, wala siya sa bansa sa darating na birthday concert ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa May 14?

"I heard about it na may concert siya, pero wala nga ako dito."

Kung nandito siya, panonoorin ba niya ang concert ni Jennylyn?

"I don't think it would be right for me to... kumbaga to watch."

PATRICK'S SON. Marami na ang nakakita ng anak ni Patrick kay Jennylyn na si Alex Jazz o AJ. At ayon sa mga ito, kamukhang-kamukha raw ni Patrick ang baby nila. Para raw talaga silang pinagbiyak na bunga. So, walang pagdududa na si Patrick talaga ang ama. Pero ang sabi ng binata, "Ever since from the start naman, wala naman akong sanasabing ganoon, e."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakita ni Jennylyn kay Patrick si AJ. Pero nakita na raw naman ni Patrick ang anak sa isang magazine. Happy ba siyang makita kahit sa picture man lang ang kanilang anak?

"Of course naman, siyempre, pero mas maganda sana pag live, di ba? Pero ayun, medyo nakakalungkot din, of course, kasi you're longing to touch him. Pero, of course, one day I hope, kung maluwag sa loob ni Jennylyn and everything. Kumbaga, parang it's too long na rin naman," sabi ni Patrick.

FIRST MOVE. Baka hinihintay lang ni Jennylyn na mag-effort siya para makita na ang kanilang baby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She knows the effort. Kumbaga, ang dami kong ginawang effort ever since she was pregnant pa lang."

Pero mukhang okey na raw kay Jennylyn na ipakita sa kanya ang kanilang anak. Bakit hindi niya subukang mag-effort ulit?

"Parang I can still feel the ano, e...parang hindi pa rin welcome. Baka if I make a move, baka mamaya it will spark one more thing na hindi ko alam kung anong away na naman ito."

EXPOSURE. Soon, ilu-launch na ang coffee table book ni Jennylyn. At bago ang launching ay magkakaroon muna ng show. Dadalhin at ipapakita raw sa publiko ni Jennylyn ang kanilang anak. Okey lang ba kay Patrick na isama at i-expose si AJ sa show at launching ng coffee table book ni Jennylyn?

"Oo naman. I mean, she's the mother. And she has all the right naman. For me, I see it in a different point of view na she's proud to show our baby to the people."

Bibili ba siya ng coffee table book ni Jen?

"Ahh, siguro hindi. Para hindi ko ma-feel ang pain..."

Binati niya ba si Jen ng Happy Mother's Day?

"Hindi ko binati," sagot ni Patrick. "I don't have her number also. And I don't think it will be... I sound plastic lang. Kumbaga, Happy Mother's Day, tapos baka sabihin niya, 'Sino ito?'" tawa ni Patrick.

Nali-link ngayon si Patrick kay Glaiza de Castro. Binati niya ba ang mommy ni Glaiza ng Happy Mother's Day?

"Hindi pa. Siyempre kasi may nauna na. Gusto ko ako ang huli, di ba? If you're not the first, you're the last. Kumbaga at least, may epekto pa rin kahit paano."

Once and for all, niligawan ba niya si Glaiza?

"Nung una, yeah," pag-amin niya. "Kumbaga, lumalabas-labas, ganoon. Pero, of course, as of now, I think it's best na huwag muna. Kumbaga huwag munang magka-relationship. Kumbaga ngayon, there's so many things in my life na I have to fix first. Parang for me, mas gusto ko munang unahin yung maging okey kami ni Jen and makita yung baby. At least, mas maluwag sa kalooban ko 'to, di ba, walang baggage?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN