Toni Gonzaga dismisses "tarayan issue" with Pauleen Luna

IMAGE 0


"Sana huwag na nilang gawan ng isyu 'yan. Para sa Taytay yung Santacruzan na yun, hindi namin yun ginawa para magpaistaran o anuman. Walang paistarang nangyari o tarayan. Hindi ko nga nakita si Pauleen nung Santacruzan," explains Toni Gonzaga.


Sa nakaraang Santacruzan sa Taytay, Rizal, ay nabalitang nagkaroon diumano ng tarayan sa pagitan nina Toni Gonzaga at Pauleen Luna, na kapwa sumagala. Kahit daw si Toni ang tubong taga-Taytay ay si Pauleen ang ginawang Reyna Elena sa Santacruzan.

Pero mariin naman itong itinanggi ni Toni nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng ASAP '09 last Sunday, May 10.

"Naku, naku po!" bulalas niya. "Sana huwag na nilang gawan ng isyu 'yan. Para sa Taytay yung Santacruzan na yun, hindi namin yun ginawa para magpaistaran o anuman. Walang paistarang nangyari o tarayan. Hindi ko nga nakita si Pauleen nung Santacruzan.

"Gaya ng sinabi ko, ginawa namin yun para sa Taytay and, at the same time, it's also my way of showing Paul [Soriano, Toni's boyfriend] the cultural tradition in Taytay. Walang nangyaring ganun, so walang isyu. Kahit kaninuman, walang nagkaaway at walang nagkagalit," diin ni Toni.

PAUL SORIANO. Konsorte sa nasabing Santacruzan ang boyfriend ni Toni na si Paul Soriano. Bukod sa kapansin-pansin na medyo kampante na sa interviews ang direktor, inamin din nito na napag-uusapan na raw ni Toni ang tungkol sa kasal.

Ano ang masasabi rito ni Toni?

Aniya, "Dapat lang na huwag na siyang naiilang, dapat medyo sanay na rin siya para huwag na siyang naku-culture shock sa nature ng trabaho ko.

"Kasal? Ay, ano ba 'yan?" bulalas ni Toni. "Oo, napag-uusapan, pero matagal pa yun. Naku, ayaw ng ABS ng ganyan! Huwag pa ngayon, bata pa ako, 'saka marami pa akong pangarap na gustong marating kaya huwag muna."

POLITICAL MOVE? Sa sinabi ni Toni na pumayag siyang mag-sagala para sa Taytay, marami ang nag-aakala na may balak uli siyang tumakbo for a position, lalo't nagsilbi rin naman siya rito as Barangay Kagawad for five years.

"Hindi, hindi ko ginawa yun for 2010 election," tanggi niya. "Para lang talaga yun sa mga taga-Taytay. Matagal na akong naiimbitahan sa mga ganun, e. Dahil nga medyo hectic ang schedule ko, hindi ako nakakapayag at nakakagawa ng paraan. E, ngayon, medyo maluwag na ang sked ko, so nabigyan ko siya ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Wala pa sa ngayon sa isip ko ang eleksyon na 'yan. Puwede ka namang tumulong kahit hindi bilang barangay official, o kahit wala ka sa posisyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN