Sharon Cuneta says guest role of Gabby Concepcion in BFF is not prelude to a reunion movie

IMAGE 0


"I think kahit naman ang mga fans namin, they're happy na we're both maayos na sa kanya-kanya naming buhay. Siyempre, nami-miss nila yung team-up. Lahat naman tayo nami-miss yun. Beloved love team 'yan, e, so yun lang naman. I think, klaro naman lahat yun. I'm just happy, everyone's okay, everything's okay, you know, and KC is happy and peaceful. That's more than enough for me," says Sharon Cuneta when asked about the possibility of starring in a movie with ex-


Matagal na ang huling comedy film na nagawa ni Megastar Sharon Cuneta kaya naman masayang-masaya siya dahil tinangkilik ng mga tao ang muli niyang pagsabak sa comedy sa pelikulang BFF (Best Friends Forever) with Ai-Ai delas Alas, under Star Cinema.

Napuno nga ng tawanan at halakhakan ang buong Cinema 10 ng SM Megamall during BFF's very successful premiere night last Tuesday, May 12. Pinalakpakan din ang dramatic moments nina Sharon at Ai-Ai sa movie.

Very happy nga si Sharon sa positive reaction ng mga tao, lalo na nga't present din sa premiere night ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan; at ang anak niyang si KC Concepcion with Piolo Pascual as her date. Malakas din sa takilya ang first day of showing ng BFF kahapon, May 13; reportedly, ito ay kumita agad ng P16 million.

"I'm happy dahil nagbunga na yung pinaghirapan namin. Working in this film is really great. Also, I was thrown in the company of already great comedians. So, nagtatanong talaga ako, 'Tama ba itong ginagawa ko?' Ayokong maging OA [overacting]. So, enjoy na enjoy, parang naglalaro lang kami," bulalas ni Sharon nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang TV crew sa cast party ng BFF, na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills San Juan after ng premiere night.

Ano ang feeling niya sa sobrang tilian ng mga tao sa loob ng sinehan?

"Natutuwa ako," sagot ni Sharon. "Sabi ko nga kina Ai, 'Naku, pasensya na mga Sharonian 'yan, e.' 'Mega, ano ka ba? Hindi naman,' sabi niya."

FUN WITH BFF CAST. Ano ang masasabi niya sa magandang chemistry nila ni Ai-Ai on screen?

"Natutuwa ako sa friendship namin ni Ai sa tunay na buhay, kitang-kita sa screen. Pinag-uusapan nga namin na, 'Yes, meron tayong chemistry on screen, pero iba rin yung sa totoong buhay close tayo, yung meron talagang love, mas enjoy.' Lalo yung sa bandang huli dahil talagang nag-bonding na kami. Natural lang talaga sa amin yung tawa. At saka maganda kay Ai, generous siya sa pagtulong sa akin sa comedy. E, lalo na hindi naman ako nakilala as komedyante. Parang hindi sila yung mang-aagaw ng eksena. Sila yung professional talaga, yung magaling. Kasi reyna na siya, e. She's very generous, na-appreciate ko yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa BFF naging mag-best friend ang characters na ginampanan nina Sharon at Ai-Ai, not knowing na isang lalaki (John Estrada) lang pala ang iniibig nila, at dun na nagsimula ang conflict. Pero at the end ay nagkaayos din ang mag-BFF. Kung sa kanya kaya mangyari yun sa totoong buhay, mapapatawad niya ba ang kabit ng kanyang asawa?

"Siguro depende siguro sa relationship mo with the person. Kasi dito, naging close yung characters namin ni Ai. So, nung malaman na namin... Di ba, yung iyak ko, nung mabuko... Dahil pareho mong mahal, ganun. Depende sa sitwasyon. Pero sa totoong buhay, kung nabuko ko yung asawa ko, baka yung girl, wala nang ulo ngayon! Nakulong na ako!" natatawang biro ni Sharon.

Pangalawang pelikula na niya ito with John Estrada. Una nga ay sa hit drama movie na Caregiver. Kumusta naman ang pagsasama nila rito sa BFF?

"It's such a joy to work with John. Actually, he is on the list of my Top Three leading men. Alam mo, close kami ni John kaya nabibiro namin ang isa't isa. Pag kasama ko siya, pinaka-comfortable ako, yung nandun yung respeto niya sa akin, pag-aalaga, paglalambing niya.

"Minsan pinagtatawanan ko yung sarili ko, sobrang laki ko, 'no? Hindi siya plastic. May encouragement, yung ganun. Ina-appreciate ko yung respeto niya sa akin. At saka magaling na artista. Masarap kabatuhan," saad ng Megastar.

GABBY'S GUEST APPEARANCE. Ikinagulat at ikinahiyaw ng mga taong nanood sa premiere night ang special guest appearance ni Gabby Concepcion sa last part ng movie, kung saan na-meet niya sina Sharon at Ai-Ai. Ayon kay Sharon, sinabi naman daw niya sa asawa niya na si Sen. Kiko Pangilinan ang tungkol sa eksenang ito.

"Siyempre, unang kinonsider ko yung asawa ko. Siyempre, dapat alam niya. Okay naman kay Kiko, e," banggit ni Sharon.

Ano ang reaksiyon niya sa malakas tilian at talagang kinilig ang mga fans sa guest appearance na ito Gabby sa movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ine-expect na talaga namin yun," sabi ni Sharon. "Kasi nga nung birthday ko last January, yung VTR greeting niya, talagang tinilian na ng mga tao, di ba? Hanggang ngayon nga, hindi ko alam yung sinabi niya, e. Kasi kahit panoorin mo yung... Kahit humingi ka pa ng tape at panoorin mo yung buong message, hindi mo talaga maririnig dahil naghiyawan talaga sa Araneta. So, we had a pretty clear idea of what's going to happen. It's a nice surprise for our fans. Nagpapasalamat din kami na pumayag si Gabby."

Can she say na unti-unti ay nagiging maayos na ang lahat between her and Gabby?

"Maayos na talaga," sagot niya. "Siyempre, walang pinakamasarap sa buhay ng isang tao kundi yung wala kang kaaway, wala kang kinasasamaan ng loob, yung ganun. Pero hindi na lang siguro nagma-matter yung iba as much as yung kaligayahan ni KC, yun ang what matters to me. Yung peace ang talagang mahalaga sa buhay ng tao.

"And I think kahit naman ang mga fans namin, they're happy na we're both maayos na sa kanya-kanya naming buhay. Siyempre, nami-miss nila yung team-up. Lahat naman tayo nami-miss yun. Beloved love team 'yan, e, so yun lang naman. I think, klaro naman lahat yun. I'm just happy, everyone's okay, everything's okay, you know, and KC is happy and peaceful. That's more than enough for me."

Ano naman ang reaksiyon ni KC?

"Naku, tuwang-tuwa!" bulalas niya. "Nandun nga siya nung kinunan yung eksena, e. Kasi nga, dinadalaw niya ako."

Is there a possibility of a mother-daughter movie?

"I'd love to to that. Especially she has already established herself. It would be great to work with my daughter, kahit nga um-extra na lang ako basta isama niya lang ako sa movie."

How about a Sharon-Gabby movie?

"I don't want to think about it muna," sagot ng aktres. "Parang I don't want to give the wrong impression na parang he guested in BFF, tapos masusundan na ng movie. That's more than enough muna. He deserves naman a comeback na siya lang talaga, comeback niya. Kasi he's still one of the best actors we have here."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about silang tatlong nina KC at Gabby sa isang movie?

"Dyino-joke nga namin yun, e. Pero right now, mas excited ako sa Lovers in Paris nina KC at Piolo."

KC & PIOLO. Speaking of Lovers in Paris, aminado si Sharon na gusto na niyang mapanood ang Pinoy version nito na pinagbibidahan nga ng kanyang anak na si KC with Piolo as leading man.

"At this point, excited akong mapanood yung Lovers in Paris," aniya. "Kasi I know nahirapan sila sa Paris, pero nag-enjoy din. At saka I'm a fan of the original, yung Korean. Tapos yung anak ko pala ang gaganap dun kay Vivian, di ba? Iba naman, tapos si Piolo ang kasama. Siyempre, for us, it's also a big deal na si Piolo ang kasama niya rito. Kasi si Piolo, matagal nang establisado. At saka yung pagiging gentleman niya sa anak ko, yung pagiging maalaga niya, at saka yung respetong ipinakikita niya kay KC at sa amin, na-aapreciate ko yun."

Ano ang masasabi niya sa "special friendship" nina KC at Piolo ngayon?

"Anybody who treats my daughter with respect is welcome in our home. Si KC never gave me a headache and si Piolo is very respectable. At saka si KC, pag pumupunta sa ASAP, pumupunta sila sa amin. Pinagluluto ko pa sila. Kaya sanay na sanay na ako sa kanila."

SEN. KIKO PANGILINAN. Todo-suporta nga ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko sa premiere night ng BFF. Ano naman ang naging reaksyon nito sa movie?

"Ayun, tawanan kami nang tawanan! Sinasabi niya ang galing ni Ai, ang galing ni Chokoleit, yung ganun. Kasi akala mo lang seryoso 'yan. Pero yung totoo, maniniwala ka na may asawa ako na 13 years na kaming kasal, na kapagka natatawa na ako at lahat tapos seryoso yung asawa ko, hindi ko makakaya yun. Alam mo, nakakatawa kami sa bahay," lahad ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuluy na tuloy na raw ang pagtakbo ni Sen. Kiko as vice president of the Philippines sa 2010 elections. Todo-suporta nga rin Sharon sa kanyang asawa.

"Oo, di ba, ina-announce ko na, ina-announce na niya na he's running for vice president? Sabi ko nga, kung saan ang asawa ko, that's where I'll go. Kasi pinagbibigyan niya yung dreams ko, pinagbibigyan ko yung dreams niya. Kasi alam ko naman ang puso niya at saka yung idealism niya."

Ayon kay Sen. Kiko, kinonsulta raw niya ang Megastar sa pagtakbo niya as vice president.

"Pinag-isipan din namin. Siyempre, where my husband goes, that's where I go," saad ulit ni Sharon.

Magla-lie low ba siya sa showbiz para masuportahan si Sen. Kiko sa campaign?

"Yung campaign naman, next year pa. This year kasi, meron pa akong naka-schedule na dalawang pelikula. Kaya nag-lose din ako ng weight at naglu-lose pa. Gusto ko na kasing gawin yung A Love Story. Basta ako, huwag lang makikialam sa career ko. Basta ako, tuluy-tuloy sa pag-aartista ko. Kasi matino naman ang pangalan na na-build ko dito."

Excited na ba siya sa pagkapanalo ni Sen. Kiko?

"Excited ako na ma-implement niya yung mga gusto niya pagdating ng tamang panahon. Pero ako, I'll support him, and he supports me. Pero dun siya magaling sa trabaho niya. Dito ako magaling sa trabaho ko. Basta, pabayaan mo akong mag-enjoy, pababayaan din kita diyan. Pero nagsu-support kami sa isa't isa."





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN