Sen. Kiko Pangilinan has no problem with Gabby's guest appearance in Sharon's movie

May 14, 2009
"Naku, matagal na nga nating hinihintay 'yan, e! Kaya lang, wala namang pakiusap," jests Senator Francis Pangilinan (in photo with wife Sharon Cuneta) when asked if he would agree to appear in a movie. "Hindi, ako'y natutuwa na rito. Mas madali yatang makipagdebate sa Senado at magtanong nang magtanong sa imbestigasyon sa Senado kaysa sa maging artista. May kanya-kanya tayong talent."

All-out support si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa career ng kanyang asawang si Sharon Cuneta, kaya naman hindi niya pinalampas na mapanood ang premiere ng bagong movie ng Megastar with Ai-Ai delas Alas: ang BFF (Best Friends Forever) last Tuesday, May 12, sa SM Megamall Cinema 10.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Kiko sa cast party ng BFF sa C3Events Place sa Grenhills San Juan after ng premiere night at hiningi namin ang reaksiyon niya sa movie.

"Well, nakakatuwa. Siyempre, merong nakakaiyak. Masaya, masaya, very entertaining. Palagay ko, matutuwa yung mga manonood. Sana tangkilikin nila," sambit ni Sen. Kiko.

Anong eksena sa movie ang tinawanan niya nang husto?

"Ako, natawa pa lang dun sa umpisa pa lang yung nakalimutan yung folder ng project ng anak niya, tapos hinabol niya yung sasakyan. Yun, isa yun. Tapos nakakatawa rin yung namatay si John [Estrada], nasagasaan. Yun bang hindi mo inaasahan, pero nakakatawa. So, yun ang ilan sa mga nakakatawa. At saka yung... Actually, tuluy-tuloy yung ano, e, yung akala mo mabibisto [pagkakaroon ng kabit ni John]. Nakakatuwa talaga!" saad ng senador.

Continue reading below ↓

Mag-BFF na sina Sharon at Ai Ai. Posible bang maging BFF din ni Sen Pangilinan si Ai-Ai sa showbiz?

"Bakit hindi?" sagot niya. "Ako naman, e, mukha lang akong seryoso. Pero madali naman akong kausap at palabiro rin ako paminsan-minsan. Hindi lang alam ng mga kababayan natin, pero komedyante rin ako. Kaya sa palagay ko, magkakasundo kami ni Ai-Ai."

In the future ba ay posible rin siyang mapanood sa isang pelikula or TV show bilang artista?

"Naku, matagal na nga nating hinihintay 'yan, e! Kaya lang, wala namang pakiusap," biro ni Sen. Kiko. "Hindi, ako'y natutuwa na rito. Mas madali yatang makipagdebate sa Senado at magtanong nang magtanong sa imbestigasyon sa Senado kaysa sa maging artista. May kanya-kanya tayong talent."

GABBY'S GUEST APPEARANCE. Na-surprise ba siya sa guest appearance ni Gabby Concepcion sa last part ng movie?

"Hindi, alam ko na," sabi ni Sen. Kiko. "Hindi naman ako na-surprise. Siyempre pelikula 'yan, kailangan matuwa ang ating mga manonood. Walang problema doon."

Continue reading below ↓

Ano ang reaksyon niya sa clamor ng mga fans na magkaroon ng big reunion movie sina Sharon at Gabby?

"Well, alam mo, hindi ako nakikialam sa trabaho ng misis ko. Siya ang tanungin n'yo tungkol doon. Hindi ako nakikialam," sagot niya.

Ano ang message niya para kay Sharon sa success ng BFF?

"Congratulations sa movie. It's very wonderful, nakakatuwa, very heartwarming. Masarap ang pakiramdam matapos mong panoorin dahil talagang matatawa ka, maiiyak ka. Malulungkot ka, pero sa huling banda ikaw rin ay magtsi-cheer. I think dito sa pelikulang ito, lahat ng emosyon lumabas, pero masaya. I'm very, very happy for you. Congratulations, I'm very proud of you!"

RUNNING FOR VICE PRESIDENT. Sa pagtakbo niya as vice president sa 2010 elections, patitigilin niya ba pansamantala si Sharon sa pagso-showbiz para masuportahan siya?

"Hindi naman siguro. Kasi tatlong buwan lang kampanya, maikli lang yun. Hindi naman siguro ganun katindi yung magiging requirement sa kanya. At ayoko naman din na lahat, e, tatalikuran niya para dun sa pagkakampanya. Siyempre, kailangan niyang gampanan yung tungkulin niya bilang artista."

Continue reading below ↓

Marami nang pulitiko ang nagpahayag ng pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas, pero ilan pa lang ang matunog na pangalan sa pagka-bise presidente, kasama na siya roon. Okay ba sa kanya yung ganung status?

"Well, sabi ko nga kukumbinsihin ko sila lahat na tumakbong presidente, para wala na tayong kalaban!" biro ni Sen. Kiko.

Matunog din ang pangalan ni Batangas Governor Vilma Santos na tatakbo bilang vice president. Pero sabi ni Sharon, kahit na Vilmanian siya, natural lang na ang asawa niyang si Kiko ang susuportahan niya.

"Oo, kahit naman ako, Vilmanian ako, e. Pero siyempre, iba yung larangan ng showbiz, iba rin yung pulitika. Sa palagay ko naman... Kaibigan ko rin si Ralph [Recto, mister ni Vilma], anim na taon nating nakasama sa Senado. Pero sa ganitong sitwasyon, mas maganda sana kung maiiwasan. Pero kung ganun ang mangyayari, well ganun talaga. Pero sa atin, pulitika lamang ito. Hindi ito dapat mamagitan sa pagiging magkaibigan. Pagkatapos ng halalan, dapat, e, magkaibigan pa rin," pagtatapos niya.

Continue reading below ↓

Trailer courtesy of Star Cinema

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, matagal na nga nating hinihintay 'yan, e! Kaya lang, wala namang pakiusap," jests Senator Francis Pangilinan (in photo with wife Sharon Cuneta) when asked if he would agree to appear in a movie. "Hindi, ako'y natutuwa na rito. Mas madali yatang makipagdebate sa Senado at magtanong nang magtanong sa imbestigasyon sa Senado kaysa sa maging artista. May kanya-kanya tayong talent."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results