Agot Isidro tells the story of singing at the wedding of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

IMAGE 0


"You can feel the love talaga of all the people for the couple and the couple for each other," describes actress-singer Agot Isidro about the "secret" wedding of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo last April 28. She was tasked to sing the wedding march, the song "Run Away" of The Corrs.


Isa ang actress-singer na si Agot Isidro sa mangilan-ngilang showbiz personalities na naimbitahan sa tinatawag na "secret" wedding ng showbiz couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Kaya naman hindi maiwasang tanungin siya ng entertainment media nang dumalo siya sa event na "A Coke Light Toast to Passionistas" kahapon, May 15, sa Ayala Museum, Makati City.

Sa maiksing panayam kay Agot, naikuwento nito ang ilan pang detalye sa pribadong kasalan na ginanap sa San Juan de Nepomuceno church sa San Juan, Batangas, noong April 28.

Aniya, halos isang buwan lamang bago ang kasal nang sinabihan siya na kakanta siya sa mismong kasal. Kuwento niya, "They said, 'Agot, ikaw 'yong kumanta.' Sabi ko, 'Bakit hindi si Regine [Velasquez]?' Sabi niya, 'May gagawin si Regine.' Gumanon lang siya. Sabi ko, 'O, sige.' Siyempre, I was deeply, deeply honored, and they are my friends, you know. I'm just so happy to be singing for them."

Dagdag pa ni Agot, kinailangan niyang magbigay ng ibang rason para sa kanyang hindi pagpunta sa trabaho. Kuwento niya, "I asked permission for my taping [para sa Tayong Dalawa], for my work. I had to lie to them because I cannot say that I'm attending. So, nagsakit-sakitan ako na hindi naman sila naniwala."

Naatasang kantahin ni Agot ang wedding march ng dalawa, ang "Run Away" ng The Corrs at "One Hand, One Heart" (ka-duet si Ogie Alcasid), mula sa stage play na West Side Story.

Ayon kay Agot, natakot pa siya noong una kasi, "My voice might not come out because it's early in the morning, 'no? But I had enough sleep. It was fun, everyone was happy. I was happy to be singing for the couple because I love them so much—I love Juday, I love Ryan. And I'm happy that their wedding was very simple and very, very elegant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin niya nakita ang mga naging reaksyon ni Judy Ann habang kinakanta niya ang wedding march. Aniya, "Siyempre, gusto kong kantahin nang maayos 'yong kanta ko. So, parang ayaw kong tumingin sa kanya kasi baka mag-break ang voice ko at maiyak din ako, e, di nasira ko 'yong kanta. I was just really concentrating on the song. Basta I could hear people clapping, parang nagchi-cheer silang lahat."

"So, parang ang saya-saya lang ng feeling of everyone in the chuch. And we were just, ang konti lang talaga, and you can feel the love talaga of all the people for the couple and the couple for each other. Everyone, just feeling the love inside the church."

Natutuwa rin si Agot sa dalawa dahil naging matagumpay ang kanilang plano na maging pribado ang kanilang kasal.

Natutuwang sinabi ng aktres, "Happy ako kasi, you know, they deserve to celebrate this special occasion in their life the way they want it to be. I guess they achieved that, e, by not telling everyone or telling only to certain number of people about the wedding. And the people naman, parang they abided by the rules, parang okay din. Everyone respected their decision, everyone respected their plans, and it went well."

Mapapanood ang Unchanging Love: The Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo Wedding Specialngayon Linggo, May 17, sa ABS-CBN Sunday's Best.

Samantala, makikita ang mga piling larawan mula sa wedding preparations, church ceremony, at breakfast at dinner receptions nina Judy Ann at Ryan sa June issue ng YES! magazine. Kasabay ng mga larawan ay ang kuwento ng romansa ng dalawa, mula sa pagkukuwento nila mismo, at sa pagkukuwento ng kanilang mga magulang, kapatid, kaibigan, at iba pang nagmamahal sa kanila. Lalabas na ito sa May 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN