Marian Rivera is getting ready to wear her Darna costume

IMAGE 0


Marian Rivera also gives update about Tarot, her upcoming movie with Dennis Trillo. She says: "Nakaka-four shooting days na ako pero may natitira pang ten shooting days na dapat niyang bunuin..."


Handa na raw magsimula si Marian Rivera sa kanyang training bilang Darna. Ayon sa 24-year-old actress, kumuha pa raw ang GMA-7 ng mga instructor para sa fight-scene routines niya. Kung walang naging aberya, posibleng kahapon, May 17, ay nag-ensayo na ang dalaga sa pagha-harness. Hindi nga lang daw niya alam kung hanggang kailan ang training.

Ang bungad ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sweet 16 show ni John Lapus sa Teatrino, Greenhills, noong May 16: "Hindi naman ako takot sa matataas kaya hindi ako takot na nakabitin sa harness. Actually, mahilig akong sumakay sa mga rides. Kahit anong rides, nasasakyan ko kaya wala akong problema sa heights."

May ideya na ba siya kung kailan ipalalabas ang Darna?

"Yun ang hindi ko pa alam. Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-start ng taping. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mauuna sa amin—kung Rosalinda ba, o ako, or may next pa. Depende pa rin sa GMA."

Aminado si Marian na masaya siya at sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang project. Pangarap daw talaga nitong gampanan ang role ni Darna. Nang usisain naman siya tungkol kay Angel Locsin, na siyang huling gumanap sa nasabing title role noong 2005, tinanggap ni Marian na natural lang daw na ipagkumpara sila.

Sa pagkakasambit niya, "E, sa competition naman, kung pinagko-compare kami, siguro hindi na natin maiaalis yun. Ganoon talaga, e."

Pero mas nakakaramdam daw siya ng pressure mula sa mga gagawin niya for the role.

Sabi niya, "Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang Darna dahil hindi biro ang mag-harness. Dahil lahat ng nakakausap ko, e, sinasabing sobrang hirap talaga niya.

"Hindi ko na iniisip na may kakumpitensiya. Iko-compare sa ganito, sa ganyan. Ang iniisip ko na lang, kung paano siya mapapaganda, kung paano ko magagawa ang mga stunts ko na kailangan, e, talagang Darna at superhero talaga 'ko. At kailangan may lakas ako ng loob na isuot yung costume."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Marian nang sabihin namin na physically ay mukhang wala na siyang kailangang paghandaan bilang Darna dahil sexy naman ito.

"Ang hirap namang magsalita," ang nakangiti niyang sabi. "Maintain lang, fit and right. Ha-ha-ha! Siyempre, kailangan ko lang i-condition ang sarili ko. Baka sa sobrang training, mabugbog ang katawan ko, mahirapan din ako. So, kailangan ko talagang intindihin at mapagbuti ang training ko."

Although may mga action stunts na rin daw siya sa huli niyang TV series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, alam niyang iba-iba ang gagawin niya sa Darna.

"Actually, excited na nga ako kasi, di ba, palagi kong sinasabi na happy ako. Kanya-kanya at iba't ibang characters ang ginagampanan ko. Ngayon lang ako, at first time ko lang, maging superhero," ang sambit ng dating kapareha ni Dingdong Dantes.

LEADING MEN. Siyempre, tinanong din siya ng PEP tungkol kay Dingdong. Na-absorb na ba niya ang fact na hindi na ito ang kanyang kapareha.

Aniya, "Excited din ako kasi, iba rin siya para sa akin. Excited ako dahil gusto ko talaga si Darna, at kahit naman siguro sino, gugustuhin talaga si Darna. Malungkot dahil palagi ko namang sinasabi na wala, e, ganoon talaga, e. Hindi all the time magka-partner kami ni Dingdong...na kailangan din naming tanggapin.

"Ang importante sa amin, pareho kaming may trabaho at iba naman yung personal naming buhay."

Dalawang Mark ang napapabalitang magiging leading man niya—sina Mark Herras at Mark Anthony Fernandez, pero sa ngayon, ang pangalan ng huli ang mas maugong. Ano'ng masasabi niya rito?

"Actually, hindi ko pa alam at hindi pa rin ako... Naupo kami once, nag-usap kami kung ano ang mangyayari sa Darna, yun yung sinurprise lang nila 'ko, pero wala pang details. Wala pa rin story con," ang sagot ng Spanish-Filipina star. (Ang "story con" ay story conference, isang meeting kung saan ilalahad ng management sa mga artista ang konsepto ng isang bagong show.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Between the two Marks, kung siya ang papipiliin, sino kaya ang mas gusto niyang maging leading man?

"Ay ako, palagi kong sinasabi, ako, wala akong karapatang pumili kung sino ang magiging leading man ko. Bahala na ang GMA, alam naman nila kung sino at ano ang makakabuti para sa career ko. Kung sino ang mas babagay para sa akin, so, mas pinapaubaya ko na yun para sa kanila."

Aside from Darna, nakatakda ring gumawa ng movie si Marian sa Regal Films, kasama si Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN