Lovi Poe on questions about Jolo: "Napapagod na ako na pag-usapan yun."

IMAGE 0


Lovi Poe is now part of TV5's teen-oriented show Lipgloss, which airs every Saturday at 5:00 p.m.


Si Lovi Poe ang bagong cast member ng Lipgloss, na ngayon ay nasa ika-apat na season na. Dapat sana'y kasama siya sa original members, subalit sa anumang kadahilanan, hindi siya natuloy noong inilunsad ang unang season ng nasabing youth-oriented show ng TV5.

Nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the show's presscon na naganap kahapon, May 19, sa Finio restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, tungkol sa bago niyang project, aniya, "Siguro things happen for a reason. Siguro, masaya naman ako kasi, siguro right timing din. I'm not sure if everything's fallen into place. Pero so far, right now, masaya naman ako na nandito ako sa Lipgloss. Para siyang bagong barkada..."

She will be playing the character of Princess Ava, isang prinsesa sa Brunei pero kinailangan niyang tila mag-stow-away from her parents. Sa kanyang paglalayas ay makikilala niya si Kevin Lapena, ang gumaganap bilang Edge, na siyang magiging ka-love team niya sa Lipgloss.

Kumusta naman katrabaho si Kevin?

"Si Kevin actually, masaya siyang kausap. Mabait at masaya siyang kaeksena kasi, magaling na rin siyang umarte and everything..."

Ang kaigihan sa kanila ni Kevin, hindi pa man daw sila mga artista ay magkakilala na sila.

"Yes, through friends in high school. Naging mas kumportable lang kami because we get to see the same things."

How's the chemistry of their tandem?

"I'm not sure, pero sana may makita. Sana may makita yung mga viewers. So far naman, we're doing our best. Nakakatuwa yung mga scripts and it's very different from other youth-oriented show siguro, or dahil first time ko lang talaga sa youth-oriented show na ganoon."

REPLACING SAAB MAGALONA. Napag-usapan ang pamamaalam ni Saab Magalona sa show. At ang paliwang ng production ay tinanggal daw ang younger sister ni Maxene dahil sa ilang problema.

Isa na sa mga nabanggit na dahilan ay ang patakaran na bawal pala among the cast members ang magbitbit or magpadalaw sa kani-kanilang boyfriend or girlfriend. Pero sa case raw kasi ni Saab, ilang beses daw niya itong nilabag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa, si Lovi ang unang nakita ng press people, kasi may ugali rin ang boyfriend niyang si Jolo na biglang dumarating or dumadalaw sa girlfriend kapag nasa taping or shooting.

Ano naman ang reaksiyon ng dalaga ni FPJ tungkol dito?

"Actually, ngayon ko lang nalaman. Nagulat ako, oo...pero, actually, nanibago ako sa set ngayon. And with Jolo naman, nakapunta na siya, pero, hindi nga namin alam na may ganoong ruling at saka, wala namang problem dahil dumaan lang siya, nag-drop lang siya ng foods na para rin sa lahat."

Bakit niya nasabing naninibago siya?

"Kasi, iba. Siguro, I've been doing dramas, hindi pa 'ko nakakagawa ng youth-oriented show talaga, so, parang naninibago 'ko kasi, hindi ako sanay na hindi ko kailangang umiyak! Alam mo yun? Naghihintay ako ng crying scene or kailangan kong magalit," ang natatawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, "It's very, very light. Sobrang sarap kasi mga bagong stars ang nakakasama ko ngayon. Mga bagong kaibigan, bagong kakilala. So, masaya kasi, makulit silang lahat. Lahat kami, parang magkaka-edad."

WORKING WITH LIPGLOSS CO-STARS. Nakaka-bonding na ba niya ang mga bagets ng Lipgloss?

"Marami naman, marami naman akong nakakausap na at first, nahihiya talaga 'ko kaya nasa isang sulok lang ako. Which is, kahit itanong mo naman sa mga nakatrabaho ko noon, palagi talaga akong nasa isang sulok.

"Pero, unang-una talaga, nahihiya ako. Hindi ako masyadong nakikipag-usap. I don't know, natatakot lang ako, ganoon lang talaga. Pero noong magkausap-usap kami, may actual scene na last taping namin na parang nag-bond kaming lahat."

DATING JOLO. Nang kumustahin naman ng PEP ang relationship nila ni Jolo, nakangiting nakiusap si Lovi na huwag na lang daw yun ang pag-usapan. Aniya, "Let's not talk about it na lang. Gusto ko kasi parang low profile na lang."

Pero masasabi ba niyang mas happy siya ngayon now that they are more out and open about their relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi ko naman masasabing out and open. For me, siguro kung ano yung nakikita ng mga tao...Kasi, we both have our own lives naman. We're not going to the same real path together as in, together. Kasi, may sarili siyang career and I'm sure, may sarili siyang ka-love team. Nag-aaral din siya. Same lang sa akin kaya ayaw naming magmadali kasi, masama ang naidudulot ng nagmamadali."

Kailan pa niya nalamang masama pala ang nagmamadali?

Natatawa itong sumagot ng, "Alam mo, matagal ko nang alam na masama yun. Ha-ha-ha! Ngayon ko lang sinasabi talaga. Siguro, ngayon ko lang nasabi, pero matagal ko ng alam na dapat talaga, huwag magmadali. Kasi ako, for myself, alam ko na hindi madali ang buhay. Hindi talaga siya madali, so, you have to make sure na we get to fix our life first before entering into someone else's life."

So, in fairness, hindi pa naman pala niya naiisip ang magpakasal?

"No, no, no! For me, I don't wanna jump to conclusion, but I really know what I want, what my goal in life is. Siyempre, there are times na nawawala ang passion mo, but then, kapag nangyari yun, nagkaka-show ako, nagkaka-mall show, 'tapos, nakikita mo yung mga taong sumusuporta sa 'yo, dun bumabalik ang pakiramdam na kailangan kong i-reach ang goal ko kasi, ito ang nagpapasaya sa akin."

Ano nga ba ang goal niya?

"Siguro ang pinaka-goal ko is to touch people's lives. I cannot say that I can be like my dad na forever akong magiging katulad niya. Mahirap, because I'm nothing like him. He is beyond words talaga.

"Siguro for me, ang goal ko lang talaga is marami akong mga taong kaedad at marami akong parehas ng pinagdadaanan ko, so, gusto kong ma-feel ng mga tao that they are not alone. Yun lang ang goal ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinubukan pa rin naming itanong kay Lovi kung nakakadalaw na ba si Jolo sa bahay nila?

"Secret. Ha-ha! No Jolo thing," ang nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Ayoko lang pag-usapan yung Jolo palagi. Kasi, parang yun na lang yung...when it comes to me, lovelife na lang yung pinag-uusapan. Baka isipin ng ibang mga tao, lovelife na lang ang pinagkaka-abalahan ko sa buhay ko. Parang siguro, napapagod ako na pag-usapan yun. For sure, yung mga taong nakakabasa, e, napapagod na rin at nagsasabing wala na bang bago?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN