Billy Crawford on girlfriend Nikki Gil: "She really inspires me..."

IMAGE 0


Billi Crawford is overwhelmed by the support of the clothing brand he endorses. He tells PEP: "Never akong nakatanggap ng ganitong suporta sa mga endorsements ko as much as Human and Mr. Ben Chan did. Sa mga launching na ganito, sa mga photo shoots. I'm so grateful sa suppport ng Human sa akin."


Everything is flying high for Billy Crawford these days—mula sa career hanggang sa lovelife. Hindi nga maitago ni Billy ang kasiyahan tuwing ang girlfriend na si Nikki Gil ang pinag-uusapan, especially ngayon na open na sila about their relationship.

"Oo, open na kami, pero we still want it as private as we can. Basta ang masasabi lang namin, we are happy. We talk, our families talk. Yun ang pinaka-importante kasi, e—para maging totoo ang relasyon—yung pagbibigay ng importance sa pamilya.

"Yun ang nagustuhan ko kay Nikki. She's so much into her family. She's so much into God. She really inspires me to be who I really am," pahayag ni Billy nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press after the launch of his own scent Fly from Human, na ginanap last May 17 sa Trinoma Activity Center.

PAST IS PAST. Inamin ni Billy na bago naging sila ni Nikki ay nagkaroon siya ng pangamba tungkol sa kanyang mga past relationships. Ang tanong niya noon, dapat ko bang sabihin sa kanya?

"Well, at first, hindi. Kasi medyo natatakot ako, e. Hindi mo naman masasabi kung matatanggap ka niya as a person. Pero dun ako bumilib sa kanya. Tinanong niya and napag-usapan namin. Pero wala nang kailangan pag-usapang past ngayon.

"So, I think yung mga past na pinag-uusapan dati, never ko nang pag-uusapan yun. Kahit anong past ko, kung sino man ang na-link dati, out of respect sa pamilya ni Nikki, never na dapat pag-usapan ang past ko. Nandito na si Nikki sa buhay ko ngayon. This is my present," bulalas ng 27-year-old performer.

Hindi ba naapektuhan si Nikki noong lumabas yung intriga tungkol sa pakikipag-live-in ni Billy sa French choreographer na si Maryss?

Sagot ni Billy, "No. You know what, past na yun, e. Yun nga ang gusto kong sabihin sa mga tao ngayon, I have that image na sinasabi ng mga tao na babaero ako. That I'm always switching girlfriends, dating around, but honestly, I was. Pero matagal na yun. Siguro mga two or three years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm still finding myself, e. I'm still finding a partner. Hindi naman sa naghahanap-hanap, pero wala na yun. Yung Billy na nakikita n'yo sa disco, sa mga club na gumagalaw-galaw, naghahanap-hanap, hindi na ako yun ngayon," paliwanag ni Billy.

Masasabi ba niyang si Nikki ang nagpatino sa kanya?

"Hindi naman," sabi ng Kapamilya talent. "Ang buhay at ang Panginoon ang nagpatino sa akin."

Pero may contribution ba si Nikki sa pagbabago niya?

"In fairness sa kanya, she never forced me to change. Yun ang na-adopt ko sa kanya. So, dun ako napaisip more and more. Pero I think, through prayers and through my relationship with God, I think that's the best thing na masasabi ko."

Si Nikki na ba ang babaeng pakakasalan niya?

"It's a little too soon to say that. But when the time is right, I'm sure, pag nandun na yung pakiramdam ko, oo naman."

Pero seryoso na ba siya kay Nikki?

"I'm 27 years old, bakit ba hindi pa ako magseseryoso. You mature naman as you grow old, e."

Ano ba yung marrying age for him?

"Huwag muna tayong mag-usap about marrying. Kasasabi ko lang sa kanya at sa mga tao na open na kami sa relationship namin, kaya lang she just graduated from college, pagbigyan n'yo naman siya. She also has to experience her career. And ako din with my career. Pareho kami."

Ano naman ang masasabi niya sa mga intrigang may anak na raw siya?

"Absolutely not. Gusto kong magkaanak in the future. Pero ngayon, wala akong anak."

OWN SCENT. Flying high din si Billy in terms of product endorsement, lalo na ngayong may sarili na siyang pabango na gawa ng Human, ang Fly. Nagmistula ngang mini-concert ang launching ng Fly. Bukod sa fashion show ng models ng Human, inabangan din ng lahat ang paghataw ng sayaw ni Billy sa stage habang kinakanta niya ang ilan sa kanyang mga hit songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki ang naging bahagi ni Billy sa paggawa ng produktong ito dahil involved daw siya mula sa pagpili ng pangalan, hanggang sa pagpili ng scent, at pagbuo ng packaging. Paano nga ba nabuo ang concept ng Fly?

"Nag-meeting kasi kami ng Human. It is called Fly kasi ang unang pumasok sa ulo ko, angel, wings. After that, clouds, nasa ere ka. Pero Fly is not just about being up there. It's about being fresh. It's about feeling good about your self. It's about being hip. It means energy, passion and confidence. It's about being Fly. Yun ang maririnig mo sa States, e, 'That shirt fly!' E, pabango ito, so it's Fly," ang masayang pahayag ni Billy nang ma-interview namin siya after the launch.

Ang launching ng Fly last May 17 ay nagsilbi ring extension ng birthday celebration ni Billy. Mula kasi sa bonggang selebrasyon na inihanda ng ASAP '09 para sa kanya bilang isa sa mga hosts ng Sunday show ng ABS-CBN, nagtuluy-tuloy na ang kasiyahan ni Billy hanggang sa launching ng kanyang sariling scent. Billy turned 27 last May 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN