PBB alumna Dionne Monsanto narrates love story with teen edition housemate Alex Anselmuccio

IMAGE 0


Dione Monsanto on "circumcision" episode of boyfriend Alex Anselmuccio (inset) in Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: "Nung time na pinapanood ko yun, actually natuwa ako. I had that perception na okay 'tong bata na 'to kasi, he knows that the whole world is watching and he's still doing this move just to prove that he can do it and he's man enough to do it. "Kasi, not everyone naman is strong enough to do that, yung iba, nap


First time umamin ni Dionne Monsanto na may relasyon sila ni Alex Anselmuccio. Housemate si Dionne sa Pinoy Big Brother Season 2, habang si Alex naman ay housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.

Late last year pa naibalita na lumalabas sila at noong nakaraang buwan naman kinumprima ni Alex na they're "dating.

Ikinuwento ng Cebuana aktres kung paano sila nagkakilala ng Fil-Italian actor.

Aniya, "There was an audition. He was auditioning for a role sa isang movie, I think, and I was there also. It was held last October 2008.

"Una kaming nagkita sa Star Magic Grand Ball. Nung time na yun, hindi pa kami close but I knew him and he knew me also. And yun yung first time na nag-hi-hello kami.

"Then sa audition, we talked, siya yung unang lumapit sa akin. Lakas ng loob niya kasi chinika-chika niya ako knowing I'm way much older than him.

"Nag-offer siya ng chair sa akin and then we shared stories about a lot of things, he told me stories of him in Italy and I shared to him my experiences in Cebu, stuff like that," ang mahabang panimula ni Dionne sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sad to say, pareho silang hindi nakapasa sa audition.

"Pero out of that came something better," natatawang sinabi ni Dionne.

Five years ang age difference nila.

"I'm 23, he's 19. Ang lakas ng loob niyang batang 'yan. Most of my guy friends and mga bagong kakilala who asked me out before, they find me intimidating talaga and I don't know why. And for him, knowing that he's younger, I really thought that he wouldn't be that courageous."

Pero hiningi raw agad ni Alex ang cell phone number niya.

"Nag-text siya agad while nasa audition pa kami. Pumunta lang akong banyo, tinext na niya ako. Sabi niya, 'Can we go out?' Hindi ko alam na siya yun kasi ako lang yung nagbigay ng number, hindi ko kinuha yung number niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hindi ko siya sinagot. Then nag-text siya ulit, 'Uy it's me Alex, I was just kidding, ha?'

"Sabi ko, 'Uy, ano ka ba, okay lang.' Sabi niya, 'Okay, I thought you were angry or something.'

"Sabi ko, 'Hindi, okay lang yun.' Sabi niya, 'Ay, so you won't go out with me?'

"Sabi ko, 'Ha? Teka lang, iho, ilang taon ka na ba?' Sabi niya 'I'm 18, legal age na 'ko.'

"Sabi ko, 'Do you have any idea how old I am?' Sabi niya 'I don't know. 19? 20?'

"Sabi ko 'Alex, I'm already 22!'

"Sabi niya, 'So what if you're 22, it doesn't matter. I'm just reminding you I'm Italian, for us Italians, it doesn't matter. The age difference doesn't bother us at all.'

"Sabi ko, aba, puwede! Ha-Ha-Ha!"

It turned out, mature naman daw si Alex para sa edad nito.

"May sense siyang kausap. In fairness sa kanya, kahit bata pa siya, marunong siyang mag-reason out and I'm very impressed."

Pagkatapos ng exchange na iyon sa text, nagkita silang muli.

"A few days after, we went out. We had coffee at a coffee shop, sa Timog, kaming dalawa lang. Ang tagal namin, kuwentuhan lang kami nang kuwentuhan."

Doon na raw nagpahaging si Alex na may intensyon ito sa kanya.

"Nagpaparinig...una, in-establish niya muna na single siya, na wala siyang GF. Tinanong din niya kung wala akong BF, 'tapos dun na nag-start."

"Very straight to the point and very romantic" ang courtship style ni Alex.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Dionne, "Sinasabi niya sa akin, alam kasi niya na hindi ako mahilig sa flowers, e, kasi for me, very symbolic yung flowers but I'm a very practical person. I'd rather have chocolates or doughnuts, pagkain...Yun yung binibigay niya sa akin, kasi alam niya yun, na-mention ko sa kanya yun in one of our talks during the earlier dating stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung birthday ko, binigyan niya ako ng necklace na bicycle ang pendant, bronze siya. Kasi cyclist ako, nagma-mountain biking ako before.

"Na-touch ako kasi, at least, I'm assured that whenever we talk, he listens intently kasi na-remember niya na I'm a cyclist."

Sinagot ni Dionne si Alex late last year, pero ngayon nga lang siya nagdetalye tungkol sa kanilang relasyon.

Ang rason ng dating PBB housemate, "Kasi may love team siya, and I don't want to become a hindrance to his career or whatever. I don't want na ako yung maging problema."

So, ngayon, okay na ba ang paglantad nila?

"He's always giving me the assurance na everything's going to be okay. Una when we were keeping things private muna. Every time people ask us, we both say na we were just dating," ang sagot ng dalaga.

Na-meet na ni Alex ang pamilya ni Dionne, at na-meet na rin ni Dionne ang family ni Alex.

"Yes, his two brothers and his mom, I met already when they came here. Yung brother niya, umuwi na ng Italy and his sister calls me every now and then to make kamusta and stuff like that.Yung dad niya nasa Italy."

May tutol ba sa kani-kanilang pamilya about their five-year age gap.

"Wala," ang mabilis niyang sagot. "At first, medyo apprehensive sila kasi bata, lalo na my sister, yung eldest namin. Yung mom ko is so cool. Yung Ate ko ang medyo hindi pa ano nung una.

"Isa kasi sa mga possibilities na gustong iwasan ni Ate na baka ma-hurt ako, because he's younger, na he might be too immature."

Kaya ang ginawa ni Dionne, pinag-usap niya ang Ate niya at si Alex.

"Pina-meet ko sa kanya, chikahan lang. After that meeting, everyone in my family loves him, kasi when he talks, especially to my mom and my sister, he talks sense. He doesn't talk about unimportant things, he talks about comparison of Italy and the Philippines. He talks sense and that's very important for me kasi ayoko ng lalaking mabo-bore ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time daw ni Dionne na magkaroon ng boyfriend na younger sa kanya. Pero hindi raw iyon ang una nilang naging isyu.

"Actually, what's so funny is that nahihirapan kami at first when we were still dating dahil sa language. Kasi nung time na yun, parang sampu lang yata yung baon niyang English. Ha-ha-ha!

"So tinuruan ko siya ng English, Tagalog, and Bisaya. So now, he's learning two languages and one dialect. I'm also giving him tips on how to enhance his Tagalog, like read tabloids and comics para ma-enhance Tagalog niya, then tinuturuan din niya ako ng Italian."

Naging controversial si Alex habang nasa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa pagpapa-circumcise nito. Napanood daw iyon ni Dionne.

At noong naging sila, napag-usapan daw nila yun.

"Kasi sa bahay nila, may nakita akong pair of scissors, sabi ko, 'Uy bakit may ganito kayo?' Sabi niya, 'Ay 'yan yung ginamit!' Itinago niya, hindi siya nahihiya, ganun kami ka-comfortable with each other. Tinanong ko pa siya, sabi ko 'Why did you do it so late?' Sabi niya, in Italy kasi it's not a normal thing for us. Most Europeans aren't so concerned if you're circumcised or not.'

"Tinanong ko siya, 'Then why did you decide to do it anyway?' Sabi niya, 'Half of me is Filipino and I want to prove that I'm proud to be a Filipino by doing that.'

"Natuwa ako kasi we haven't been together ng ganung katagal but it made me realize na we're that comfortable with each other and I'm also comfortable with him talking about a lot of things."

Sa palagay ba ni Dionne, si Alex na ang makakatuluyan niya?

"It's too early to say. I'm still young, he's very young. But for now, I can say that I'm very content and happy with our relationship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN