Richard Gomez keeps on praying for baby number two

IMAGE 0


Richard Gomez's character in All About Eve will soon resurface. Goma relates, "Pinatay muna ako sa story kasi nga nagbakasyon ako sa States. Ngayong nakabalik na ako para mag-taping, nabuhay na ulit ako. Pero maganda ito, maraming revelations. "Malalaman na rin kung sino ang talagang nagpaikot sa aming lahat sa story. Sige, mag-spoiler na lamang ako na kami rin ni Jean, as Katrina, ang true love ko sa simula ng story, ang nakatuluyan ko. Hi


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bonggang last taping day ng All About Eve sa Ospital ng Makati sa Jupiter St., Makati City, kagabi, May 20.

Nadatnan namin ang mga miyembro ng main cast na sina Richard Gomez, Jean Garcia, Eula Valdez, Mark Anthony Fernandez, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Alfred Vargas at Keempee de Leon.

Dahil last day na nga, sagana sa food ang set. Merong Mongolian dish, pork barbecue, grilled fish, fried chicken, lechon at ang dessert nila, Estrel's cake. Nalaman namin na paborito pala ni Richard ang Mongolian dish.

"Yes, gusto ko ito lalo na kung maraming shrimps and squid," ang natatawang wika ni Goma. "Tiyak na kakantiyawan ako ni Jean kasi kanina pa raw ako kumakain." At totoo nga, kinantiyawan siya ni Jean nang mabalingan itong kumakain na naman.

SEX VIDEO OF FORMER CO-STAR. Naging seryoso na ang usapan nang tanungin si Richard tungkol sa controversy na kinasasangkutan ng nakasama niya sa Marimar—si Katrina Halili, na gumanap bilang asawa niyang si Angelica.

"Nagulat din ako nang malaman ko na meron pala, hindi ko pa ito napapanood," sagot ni Richard. "Pero ayaw ko ring makialam sa issue. Hindi natin alam kung ano ang totoo sa kanila. Puwede ring itanong na alam ba nila na bini-video sila? Sino talaga ang gumawa noon?

"Kasi baka in the end, tayo ang balikan nila. Baka sabihin nila, personal naming buhay ito, anong pakialam ninyo? Pero naaawa ako sa kanila, lalo na kay Katrina. I hope they can handle it. But I'm sure, si Katrina hindi siya pababayaan ng GMA Network."

JULIANA'S ENDORSEMENTS. On our way sa taping, nadaanan namin ang Bench kids billboard ng anak niyang si Juliana, kasama si Andrei, na anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez.

"Oo, ipinagbukas nga ni Lucy [his wife] ng sarili niyang bank account," natatawang wika ni Richard. "Lahat ng talent fee niya, inilalagay doon ni Lucy, yumayaman na si bagets. Hindi iyon nababawasan, kasi kahit anong gusto niyang bilhin, sagot pa rin namin iyon ni Lucy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY PLANS. Kababalik lamang ng buong pamilya mula sa bakasyon sa Las Vegas. Kumusta naman, may kasunod na ba si Juliana?

"Wala pa rin," ang mabilis na sagot ng tall-dark-and-handsome actor. "Pero masaya kami kasi first time iyon ni Juliana at Lucy, with her parents, na makarating ng Las Vegas. Nanood kasi kami ng boxing ni Manny Paquiao.

"Kahit three weeks lamang, wala kaming inintindi ni Lucy na trabaho. Nag-enjoy lamang kami talaga. Matagal na rin kasi kaming hindi nagbabakasyon, kaya ngayong wala muna akong work, baka makatatlo kaming travel.

"Aalis kami sa June for San Francisco para sa Philippine Independence Day celebration doon. Sa July or August, pupunta kami ng Australia at New Zealand with Ben Chan. Sa September, pupunta kami ni Lucy sa Paris. Ten days lamang each [trip] kami mawawala."

Biniro ng mga kaharap na reporters si Richard na baka sa Paris na sila makabuo ng kasunod ni Juliana.

"Sana nga, kasi payag na ngayon si Juliana na magkaroon ng baby brother or sister. Dati kasi ayaw niya," natatawa niyang sagot.

POLITICS? Marami nang nagpahayag ng kanilang intensyon na kumandidato sa darating na eleksiyon. Siya ba ay walang balak na muling tumakbo?

"As of now, wala akong balak," ang mabilis niyang sagot. "Ewan ko, siguro pag dumating na ang tamang panahon, I want to help in my capacity as an actor, as a public servant, pero hindi pa siguro ngayon."

Ano ang maipapayo niya kay Alfred Vargas na kakandidatong councilor sa District 2 ng Quezon City?

Komento ng actor-athlete, "Okey iyon, mabait si Alfred and as long na he wants to help talaga, mananalo siya."

Hindi pa raw niya alam kung totoong kakandidato sa pagkapangulo si former president Joseph Estrada, at sa pagka-bise presidente naman si Sen. Jinggoy Estrada.

Si Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista naman ay may malaking chance daw na manalo bilang mayor dahil matagal-tagal na rin daw siyang naglilingkod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECTS. Maraming nagtatanong kung ibabalik pa ang game show niyang Family Feud na nag-top sa ratings noong umeere ito. Nami-miss ba niya ang pagho-host ng game show?

"Yes, nami-miss ko rin ang Family Feud. Sabi, ibabalik daw, pero kailangan muna nilang tapusin ang Hole In The Wall."

Ano naman ang status ng movie niya with Sharon Cuneta?

"Ewan ko, hindi ako umaasa," ang diretsong sagot ng Kapuso actor. "January 2009 nang tawagan ako ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema, pero hanggang sa ngayon, wala pa silang follow-up sa akin.

"Pero sana ang panoorin ninyo ang Bente ng Sine Direk. Sa June 3 na ito ipalalabas. Magandang story nito, kasama ko sina Sen. Jinggoy, Aldred Gatchalian, Glaiza de Castro at Snooky Serna, directed by Mel Chionglo.

"Thankful nga ako sa Director's Guild of the Philippines at sa APT Entertainment na kinuha ako rito. Ang ganda ng role ko at nagustuhan ko. Happy rin ako na tinatangkilik ng mga tao ang mga nauna nang ipinalabas sa amin, ang Fuschia, Ded Na Si Lolo, at kasalukuyang ipinapalabas na Litsonero," masayang wika ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN