Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos will have another wedding special

IMAGE 0


"Mahalaga itong paparating na special sa amin kasi this is us, this is no holds barred na kahit gaano karaming interview ang ibigay namin, kahit gaano kadaldal ka sa isang talk show, hindi naman nila malalaman ang buong buhay mo. Dito naipakita yung buhay namin, at least for three or four months while preparing for the wedding," says Ryan Agoncillo (in photo, with wife Judy Ann Santos) about their second wedding special titled Ang Kuwento Nating Dalaw


Masayahing tao si Ryan Agoncillo. Pero kapansin-pansin na mas tumodo pa ang saya niya pagkatapos niyang maikasal kay Judy Ann Santos last April 28. Damang-dama nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kaligayahang ito ni Ryan nang ma-interview siya sa dressing room after ng taping ng hino-host niyang talent show sa TV5, ang Talentadong Pinoy.

"Alam mo ganito lang 'yan, e, iba yung saya ngayon kasi hindi siya yung alam mo yung ang saya mo sa party, tapos uuwi ka wala na yung saya. Ito masaya ka, tapos pag-uwi mo may asawa ka. Lasting yung saya," bulalas ni Ryan sa PEP.

BORACAY HONEYMOON. Kumusta naman sila after the honeymoon nila sa Boracay?

"Ayos naman, marunong nang lumangoy yung anak namin," sagot ni Ryan, na ang tinutukoy ay ang adaopted daughter nilang si Yohan.

E, sila ni Juday, kumusta?

"Ayos naman."

Inilarawan pa ni Ryan ang sosyal na villa na tinuluyan nila during their honeymoon sa Shangri-La Hotel sa Boracay. Six days daw silang nagbakasyon doon. Regalo ito ng ABS-CBN Chairman na si Gabby Lopez para sa kanila.

"Paglabas mo ng villa, may infinity pool. Tapos paglabas mo ng infinity pool, konti lang, beach na. And it's a semi-private beach resort, meaning we only have to share it with the guests of Shangri-La. So, amin na amin. Kaya ang sinagot ko na na-accomplish namin sa honeymoon ay yung natutong lumangoy si Yohan. Inaraw-araw namin. Ginigising niya kami, 'Daddy, mommy, swimming!'" kuwento ng TV host-actor.

Anu-ano ang ginawa nila roon?

"Bukod sa swimming, kain, tulog, jet ski, banana boat at saka alam mo na, honeymoon, e!" sabay tawa nang malakas ni Ryan.

Nabalita noon na nagbakasyon ang Hollywood couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa Shangri-La Boracay. Hindi ba nila kinumpirma ito sa mga staff doon?

"Tinanong namin, pero ang sabi sa amin ng mga staff, 'We are not privileged to answer your question, Sir.' Pero ang nakasabay namin doon ay ang isang sultan ng Brunei. Noong morning na paalis kami, doon siya sa harap ng villa namin, sa may beach doon nagre-relax yung sultan ng Brunei," lahad ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW HOUSE. Nakalipat na ba sila sa kanilang bagong bahay?

"Hindi pa, e. Originally, after ng kasal, yun ang dapat naming gagawin. But the problem is we're still waiting for the furnitures to be finished, yung settling ng alikabok. Gaya no'ng huli, ang tsinek namin yung aircon. Naikabit na yung mga aircon sa kuwarto. Puwede na, puwede na.

"One of these days, lalatag na lang kami doon. Pag medyo nakaluwag sa schedule, maglalatag na lang kami doon kahit sa sahig. Hindi lang kami makapaglatag ngayon kasi sunud-sunod ang taping, kailangan namin yung mga gamit namin in the morning ready."

Saan sila tumutuloy ngayon?

"Sa bahay ng parents ko sa ParaƱaque. Tapos dadalaw-dalaw sa bahay. We were there before the honeymoon. We spend our afternoon there with our friends. Ganun pa lang. Pero hindi pa natitirhan."

ANG KUWENTO NATING DALAWA. Naipalabas na ang first wedding special nina Ryan at Juday na Unchanging Love last May 17 at mapapanood naman sa May 24 ang pangalawang wedding special nila na Ang Kuwento Nating Dalawa. Ano pa ba ang aabangan ng mga manonood dito?

"Yung sa pangalawa kasi ng wedding special, marami ang nagtataka," paliwanag ni Ryan. "Sabi nila, 'Akala ko ba secret, bakit ipapalabas?' Actually, hindi naman secret. Ang sinasabi lang namin, gusto lang namin na magawa yung gusto namin gawin. Hindi naman namin itatago, e. The reason we kept it silent, because we wanted to enjoy it the way we wanted to enjoy it, na walang nagdidikta. Kasi siyempre, kapag maraming ingredients na pumasok, o kailangan si ganito may papel. Kailangan ganyan. That's why we wanted to keep it silent, to enjoy it first.

"We said hindi namin ito isesekreto, meaning we are going to share it. There's no way you can have Judy Ann, superstar stature... There's no way she can get married and not share it to her fans. So, that was the plan. We are going to share it but after na. Hence, the wedding special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung wedding special na nakita nila last Sunday, yun ang kaganapan noong araw ng kasal. Kasal sa umaga, reception sa umaga, reception sa gabi, hanggang sa reception sa Manila. Yung makikita nila next Sunday, yun ang paghahanda sa whole event," salaysay ni Ryan.

Ayon pa kay Ryan, ang next wedding special nila ay naglalaman ng mga bagay tungkol sa kanilang totoong buhay while preparing for the wedding, na hindi napapanood ng mga tao sa telebisyon.

"I would think about it as yun ang totoong buhay namin. Kasi ang nakikita nila since January of this year, yung ginagawa ko sa Pieta, yung ginagawa niyang [Juday] teleserye. Yung ginagawa ko para sa Talentadong Pinoy, yung ginagawa niya para sa Ploning sa Oscars. Yun ang kamalayan ng tao tungkol sa amin. Yun ang showbiz persona.

"Pero ito kami sa totoong buhay. Yung hindi n'yo na kami nakikita sa presscon. Yung hindi n'yo na kami nakikita sa harap ng TV. Eto na yung nangyayari. Kaya ako dumadating sa set na puyat na puyat kasi nagmi-meeting ako hanggang alas-tres ng madaling-araw. This is the other part of us.

"Mahalaga itong paparating na special sa amin kasi this is us, this is no holds barred na kahit gaano karaming interview ang ibigay namin, kahit gaano kadaldal ka sa isang talk show, hindi naman nila malalaman ang buong buhay mo. Dito naipakita yung buhay namin, at least for three or four months while preparing for the wedding. Jan, Feb, March, April, then wedding.

"Yun ang time na kinukulit kami about the date ng wedding. Pero may punto na hindi namin talaga alam kung kailan talaga yung wedding. We were still planning. Hanggang sa finally, magkaroon na kami ng date, doon na kami medyo hindi na sumagot sa interviews. Ito na yung totoong buhay na hindi nila nakita sa TV noon," pagbabahagi ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang title ng second wedding special nila na Ang Kuwento Nating Dalawa ay hango sa kantang isinulat ni Direk Joey Reyes, na naging direktor nila sa blockbuster hits na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo. Ang nag-areglo ng musika ay si Mastero Ryan Cayabyab. Ano ang feeling na hinandugan sila ng kanta as a wedding gift ni Direk Joey?

"Ang sarap!" sambit ni Ryan. "Sinabi na ni Direk Joey sa amin 'yan. Hindi pa ako nagpo-propose kay Judy Ann, sinabi na sa amin ni Direk Joey, 'If ever you guys get married, gagawan ko kayo ng kanta.' And he kept his promise kaya tuwang-tuwa kami. We didn't even know it was Mr. C [Cayabyab]. Bonus na the music was from Mr. C. Ryan Cayabyab and Joey Reyes, so it's very flattering."

YOHAN. Sa naunang ipinalabas na wedding special, kitang-kita ang pagiging close ni Ryan sa adopted daughter nila ni Juday na si Yohan, na four years old na ngayon.

"Daddy's girl, e."

So, mas spoiler ba siya kaysa kay Juday?

"Hindi naman, si Juday ang mas spoiler," sagot niya. "Ako yung disciplinarian, actually. But she's very close to me kasi napakalambing nung bata. It wasn't always like that. Nagsimula lang naman 'yan siyang maging daughter sa akin nung magtu-two years old siya, e. One year and a half siya, tinatawag na niya akong 'Daddy.'

"Nakikita niya yung mga pamangkin ng kuya ko, malambing sa akin. So, siya nae-express niya yung feeling niya lalo na nung nakatira pa sila kina Mommy Carol [Santos, Ryan's mother-in-law], sa bahay nina Juday. So, pag nakikita niya ako, nagagawa niya yung harot, yung harutang malikot. E, ako, siyempre papatulan ko yung harot, di ba? So, okay naman."

Ano ang mga itinatanong ni Yohan sa kanila ngayon?

"Ngayon tinatanong niya kami, 'Does mommy have a baby on her tummy already?' Yun ang konsepto niya ng marriage, e. Kaya kami... Kasi 'Mommy' at 'Daddy' na ang tawag niya sa amin noon pa. Pero para sa kanya, kaya nagpakasal ang mommy at daddy kasi may baby na sa tiyan. So, yun ang always niyang tinatanong. Yun ang nag-change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And medyo kinakapa namin kung she's asking because nate-threaten siya or she's asking dahil excited siya. Noong una she's asking kasi nate-threaten. Ngayon, more on the excitement part na kasi napapadalas, e. Yung kada weekend na lang tsine-check niya. Ngayon, sinasabi niya kung boy o girl."

WANTED: BABY ASAP. Sa mga interviews nila ni Juday, sinasabi nilang gusto na nilang magkaroon ng bagong anak agad. How soon kaya ie-expect ng mga tao ito?

"Actually, pagkatapos ng interview na ito, magpapatay na ako ng ilaw, e!" natatawang biro niya. "As soon as ibigay sa amin ng Diyos, we welcome a new addition to our family."

May preference ba sila sa susunod nilang magiging anak, kung girl o boy?

"Basta tao!" biro ni Ryan.

"Boy," singit ni Judy Ann, na biglang dumating para sunduin na si Ryan.

"Pero kahit ano, basta healthy," paglilinaw ni Ryan.

May biruan na kapag nagkaanak na raw sila at babae ay "Krystala"ang pangalan, at kapag lalaki naman ay "Rigor," na mga pangalan nila sa Krystala at Pieta. Agree ba siya rito?

"Naku, hindi. Hindi mangyayari yun!" todo tanggi ni Ryan habang tumatawa.

How would he describe yung love niya kay Judy Ann?

"Steady. Ano siya, e, yung hindi ko siya pinababayaang mag-init na waaah, tapos mawawala naman. Steady lang."

BACK TO WORK. Bukod sa happy lovelife, masaya rin si Ryan sa kanyang career lalo na nga't sunud-sunod ang projects na dumarating sa kanilang mag-asawa. Back to work na nga raw agad silang mag-asawa after ng kanilang honeymoon.

Ibinuko rin ni Ryan na kabababa pa lang daw nila ng eroplano from their honeymoon ay dumiretso na kaagad sila sa meeting for work.

"Right after the honeymoon, pagkababa ng eroplano, diretso kami agad sa meeting for a movie namin ni Juday. I can't say pa what production, what movie. Yun ang unang trabaho namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang taping naman ng Talentadong Pinoy ang unang taping na pinuntahan ni Ryan after ng honeymoon. Proud nga si Ryan sa magandang ratings na nakukuha ng Talentadong Pinoy. Ito nga ang highest rating show ng TV5 na bukod sa double-digit rating ay pamapasok pa ito sa top 10 ng Mega Manila at National ratings.

Ano ang feeling na pataas nang pataas ang ratings ng Talentadong Pinoy?

"Sa totoo lang, nakakatuwa kasi ito na yung misyon namin magmula pa nung ginawa namin yung Philippine Idol. It's the same group that did Philippine Idol, from our directors to the writers down to the segment producers. When we hit double digits, panaka-naka nung nagpi-Philippine Idol kami. But now with Talentadong Pinoy, there has been a steady growth na dahan-dahan kaya maganda. Hindi siya yung tipong biglang tumaas, bigla ring bumagsak. Meron siyang paunti-unting akyat. So, it's a steady growth.

"Nakakatuwa because it makes us feel good na... Bihira kasi para sa akin, ako, personal experience ko, bihira yung show na masaya na, masarap pang gawin, tapos maganda yung ratings. Usually, hindi ibibigay sa iyo lahat 'yan, e. Minsan masaya ka sa isang show, pero hindi naman nagre-rate. Or pagkataas-taas ng ratings, pero hindi ka naman masaya habang ginagawa mo.

"It's very rare na you're given a chance to enjoy what you're doing and also have the people, the audience enjoy it also. At saka ngayon kahit saan ako magpunta, alam kong Talentadong Pinoy ang pinapanood nila kasi ano, e, may pagtatanong. Kumusta na yung ganito? At alam nila yung laman ng show, it's not just the title, meaning they watch. So, nakakatuwa," mahabang pahayag ni Ryan.

GEORGE & CECIL. Samantala, ano na ba ang nangyari sa sitcom nila ni Judy Ann na George & Cecil, na dapat ay nag-pilot episode na last April 26? Hinintay ba munang matapos ang wedding nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, because they didn't know," sagot ni ryan. "Ang totoo niyan, pinaplano na namin yung wedding, wala pa silang alam. Alam na namin na April 28 yung kasal, tapos noong inupo kami ng management, okay April 26 na ang George & Cecil. Nagkatinginan na lang kami ni Juday. Sabi ko, 'Patay kang bata ka, paano na ang mangyayari nito?'

"And then two weeks before April 26, that's the time they decided to move it. By that time, the staff, they didn't know we are getting married. Ang may alam lang noon ay si Tita Cory Vidanes. Tapos nakakaramdaman na sila na, 'Bakit magli-leave itong dalawang ito?'

"So, kinausap kami, and then that's when we said we are getting married, blah-blah-blah. And then they asked, kailan? They didn't realize how soon it was. Sina Tita Cory, Sir Gabby Lopez, Tita Charo [Santos-Concio] were in the meeting and we have to let them sign waivers pa. And then when they are signing the waivers, sabi nila, 'Can we have the TV rights?' Noong una, ayaw pa sana naming magbigay ng TV rights. But then, imposible namang hindi magkaroon ng TV special si Judy Ann kapag ikinasal, di ba?

"So, finally when they found out na April 28, natawa na lang sila. It's that soon and they are launching a new show for us. That's when they decided to move it na lang past the TV specials of the wedding para naman hindi ma-preempt yung George & Cecil. Pero walang kaalam-alam yung staff ng George & Cecil till the last minute. Till they were there sa wedding, kaya pala na-move yung playdate," mahabang paliwanag ni Ryan.

So, kailan na mapapanood ang George & Cecil?

"The plan is end of May. I think it's May 31," pagwawakas ni Ryan sa PEP interview.

Hindi na na-interview ng PEP ang dumating na si Judy Ann dahil kailangan na raw nilang pumunta sa isang meeting para sa bagong project nila. Hindi na rin nila sinabi sa amin kung anong project ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN