Sharon Cuneta ups offer to P10-M for proof that her husband has another woman

IMAGE 0


"Kaya ako matapang na ganun kasi kayo na lang ang mag-isip, matatalino naman po kayo... 2001 pa naman ang intrigang 'yan. Sa panahon ba naman ng Internet at MMS, sa dami ng mga dumadakdak na totoo, totoo, ang daming nagmamagaling, wala namang nagpapadala sa akin ng ebidensiya," says Sharon Cuneta about her offer to whoever can give evidence that her husband, Sen. Kiko Pangilinan, has another woman and a child out of wedlock.


Sinabi ni Sharon Cuneta sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na relieved siya na namatay na lang nang kusa ang issue na may babae at anak sa labas diumano ang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

"Tinaas ko na nga yung offer ko, ginawa ko nang 10 million cash!" biro ni Sharon tungkol sa offer niya sa kung sinumang makapagpapatunay na merong babae at anak sa labas ang kanyang mister.

Patuloy niya, "But kidding aside, kaya ako matapang na ganun kasi kayo na lang ang mag-isip, matatalino naman po kayo... 2001 pa naman ang intrigang 'yan. Sa panahon ba naman ng Internet at MMS, sa dami ng mga dumadakdak na totoo, totoo, ang daming nagmamagaling, wala namang nagpapadala sa akin ng ebidensiya.

"Tinaas ko na yung offer ko, triniple ko na. Siyempre kasabay ng ten million ko, sabay iwan ko na rin sa kanya. Buong Pilipinas, iwan na natin si Kiko kung totoo 'yan. But I know it's not true."

Inamin din ng Megastar na sobrang nami-miss niya ang asawa dahil busy na ito sa preparasyon sa pagtakbo bilang vice president sa 2010 elections.

"He's very busy now," banggit ni Sharon. "I'm feeling the effects of his plan to run kasi nami-miss na namin siya lagi. Yun ang isa sa fear ko, yung wala na siyang time sa amin. Pero pasasaan ba, everything will be okay. If it's for the greater good, so definitely, I'll support him."


GABBY'S CAMEO ROLE. Marami ang kinilig at natuwa sa cameo role ni Gabby Concepcion sa pelikula ni Sharon with Ai-Ai delas Alas, ang BFF (Best Friends Forever).

"We're thanking nga Gabby because pinagbigyan niya kami," sabi ni Sharon. "Hindi siya nagpabayad dito, so we're very grateful and we're very touched. Actually, nagpasama sa akin si KC sa shooting kasi galing kami ng [U.S.] Embassy because of the concert tour where she'll be my guest. Malapit na malapit naman ang Star City sa U.S. Embassy, e, dun ang shooting namin. But she also had to leave right away because she was also working that day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC'S FIRST AWARD. Speaking of KC, very proud ang Megastar nang mapag-usapan ang pagkapanalo ni KC ng Breakthrough Performance By An Actress para sa pelikulang For The First Time sa nakaraang Golden Screen Awards.

"Maraming salamat sa Enpress. I know she will treasure this habambuhay niya. I was taping that night nung dumiretso siya sa dressing room ko from Golden Screen, talon siya nang talon, at nasa bag niya yung trophy niya. Sabi niya, 'Ma, I won!' Siyempre proud na proud naman ako. It's nice to see your own flesh and blood, one person you love very much rewarded for her effort."

She also expressed her gratitude and happiness sa nomination muli ng panganay na anak sa 25th Star Awards for Movies sa New Movie Actress Category for the same film.

"I also want to thank PMPC for nominating KC, thank you very much. I'm sure she's very excited," pahayag ni Sharon.


FRIENDSHIP WITH AI-AI. Kumpirmadong blockbuster ang BFF. Bukod sa laki ng kinikita nito, ang friendship nila ni Ai-Ai ang isa sa mga bagay na sobra raw ipinagpapasalamat ni Shawie sa pagkakagawa niya ng nasabing pelikula.

"Thank you sa lahat ng nanood ng BFF, congratulations to Direk Wenn, to my BFF Ai-Ai and to the whole cast and production. I love Ai-Ai very much. We have a mutual respect for each other. Marami kaming bagay na pinagkakasunduan na hindi ko na-imagine kasi fan lang niya ako nun. Pinapanood ko talaga ang mga shows niya. Hindi pa kami friend nun, gusto ko pa lang siyang maging friend.

"Tapos, parang blessing na ibinigay sa amin itong project na ito. Napaka-sweet na tao, at higit sa lahat, napakatotoo. Sa akin, yung No. 1 requirements ko, na-meet niya, so okey na ako. It's a kind of friendship na you know will last. It will go beyond your movie together and all the showbiz stuffs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol din ni Sharon si Ai-Ai sa tampo ng mga Vilmanian sa sinabi raw ng Comedy Concert Queen na Sharonian na siya ngayon.

Paglilinaw ni Sharon, "Regarding the Vilmanians, nagulat ako dun. Feeling ko, hindi naman lahat ng Vilmanians yun, baka may iba lang na sensitive. Siguro naman, hindi naman kailangang i-prove na pareho kaming Vilmanians forever ni Ai. We're very fond of Ate Vi. Hindi ko talaga makakalimutan yung kabutihan na ipinakita sa akin ng mga Vilmanians ever since, o ni Ate Vi.

"Ang nangyari lang, naging close kami ni Ai dito, but hindi ibig sabihin nun, ipinagpapalit na niya si Ate Vi. Walang pwedeng mag-take ng place ni Ate Vi sa puso niya o sa puso ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN