JC Tiuseco in, Geoff Eigenmann out as leading man of Maxene Magalona in upcoming afternoon series

IMAGE 0


JC Tiuseco (left), not Geoff Eigenmann (right), will be Maxene Magalona's leading man in Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, a remake of Sharon Cuneta's film.


May nakapagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-story conference na raw noong May 21 ang bagong afternoon soap ng GMA-7, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, na naging pelikula ni Sharon Cuneta na ipinalabas noong 1987, kasama sina Ricky Davao, Tonton Gutierrez at Jackie Lou Blanco.

Si Maxene Magalona, for the second time around, ang napiling gaganap sa role ng Megastar sa nasabing pelikula, na magkakaroon ng television remake sa GMA-7. Unang ginampanan ni Maxene ang character ni Sharon sa Una Kang Naging Akin.

Sa nangyaring story conference, present din si Glaiza de Castro, na miyembro rin ng cast. Si Patrick Garcia ay kasama rin sa naturang sinenovela pero kasalukuyang nasa Europe pa ito at nagbabakasyon kasama ang kanyang ama at kapatid.

Kung matatandaan, unang napaulat na ang magiging kapareha ni Maxene dito ay ang kalilipat lang muli sa Kapuso network na si Geoff Eigenmann, pero hindi ito namataan sa story conference. Bakit kaya?

Isang source ang nagsabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na tinanggal na nga raw si Geoff sa upcoming afternoon series ng GMA-7.

Instead, ang first Pinoy Survivor na si JC Tiuseco ang makakapareha ni Maxene. Masaya naman daw ang dating cager sa project na ito dahil masasabak siyang muli sa drama. Unang napanood si JC sa isang episode ng Dear Friend.

Bukod sa mga nabanggit na young stars, nakita rin daw sa naturang story conference ang iba pang artista, tulad nina Jace Flores. Emilio Garcia, at ang isa sa original cast member ng movie na si Jackie Lou Blanco.

Ano ang mangyayari kay Geoff?

Ang usap-usapan, kaya raw nawala si Geoff sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin ay dahil inilipat na ito sa primetime series. Sinasabing siya ang magiging Fernando Jose or leading man ng baguhang si Carla Abellana for Rosalinda. Wala pang kumpirmasyon ang balitang ito, maging ang tumatayong manager ni Geoff na si Perry Lansigan ay hindi rin masiguro sa PEP kung totoo nga ba or hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN