Indie actor Ian de Leon hasn't heard from mom Nora Aunor for months

IMAGE 0


Ian de Leon may need to go to the US just to be able to see his mother, Nora Aunor: "Wala na kaming communication ni mommy. Last na usap namin was November pa of last year. Nag-i-email ako pero walang mga reply."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang aktor na si Ian de Leon sa presscon ng indie film na Tutok. Gumaganap siya rito bilang si Ka Roland, leader ng terrorist group na dumukot at nagpahirap kina Allen Dizon at Emilio Garcia na mga bida sa pelikula. Bago ang Tutok ay nakagawa na rin ng indie film si Ian, ang Carnivore na pinagbidahan ni Carlo Aquino.

"Nag-i-enjoy naman ako sa paggawa ng mga indie film. Kasi sa mainstream, limited lang yung galaw mo. Sa indie film, mas nai-express mo yung sarili mo. Na-experience ko na kasi twice, e. 'Saka yung mga role na nabibigay sa akin dito sa mga indie films e yung mga roles na gusto kong gampanan," sabi ni Ian.

Sa indie film ay konti lang ang nakakapanood dahil ipinapalabas lang ito sa limited and selected theaters. Okey lang ba sa kanya na konti lang ang nakakapanood sa kanya?

"Para sa akin wala namang kaso kasi yun. Since ako mahal ko yung trabaho ko, mahal ko yung ginagawa ko. As long as you're enjoying what you're doing, di ba? You won't worry about, you know, kung ano yung market mo, kung ilang audience ang manonood.

"Basta as long as nagawa mo. Parang there's a sense of self-fulfillment and achievement. And yung years na bata-bata pa ako, yun yung mga gusto kong mangyari. And siguro yung sa paggawa ko ng mga indie film I can say to myself, na-succeed ko na rin yung isa sa mga dreams ko."

Balitang ang bago raw niyang girlfriend after Diana Zubiri ay mula rin daw sa showbiz. "Hindi siya taga-showbiz," tanggi ni Ian. "One and a half year na kami."

Klinaro rin niya na hindi naging sila ni Diana. Aniya, "Actually, we never had a relationship."

LA AUNOR. Kamusta na ba ang mommy niyang si Nora Aunor? May communication pa rin ba sila? Balitang babalik na raw sa bansa this year ang kanyang ina. "Wala na kaming communication ni mommy. Last na usap namin was November pa of last year. Kung hindi siya siguro nagpapalit-palit ng e-mail address o number, siguro constant ang communication namin. Nag-i-email ako pero walang mga reply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang balita ko uuwi nga siya dapat this year. Specifically, last month dapat. Pero hindi siya natuloy kasi busy siya sa mga work niya, sa mga shows niya. Tapos, I think she's doing a project right now. I just don't know what it is. Busy siya ngayon, e. So ang balita ko, hopefully next year na siya babalik."

Kung sakaling hindi pa rin magawang bumalik o umuwi ng Pilipinas ang kanilang inang si Nora next year, posible ba na siya na lang ang pumunta sa US para lang makita niya ang kanyang ina?

"Yeah, definitely, oo. Kung may time o magkaroon ng pagkakataon na pumunta ng States, kami na lang ang pupunta doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN